"L-luke?"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bigla akong napaurong pero natumba ako dahil sa sobrang gulat. Totoo ba ito? Na nanaginip na naman ba ako? Ayokong maniwala! Alam kong panaginip lang to! Hindi ito pwedeng mangyari!
"Claire, mali ang iniisip mo", lalapit sana siya sa akin pero pinigilan ko siya.
"Lumayo ka sa akin!", inis kong sabi sa kanya. Hindi.. Panaginip lang ito! Hindi ito totoo, inosente si Luke at alam ko iyon! Pero ano ito? Naka tayo siya sa harapan ko ngayon habang suot-suot ang damit ng killer sa panaginip ko. Hindi lang ang jacket ng killer ang suot niya, pati na rin ang maskara. Diba dapat pinatay na ako ngayon ni Luke? Bakit ganito? Ibang-iba ito sa napaginipan ko.. Ibig bang sabihin nito, totoo ito?
"Claire let me explain"
"Explain? Explain!? Hindi ko na kailangan pa ng paliwanag mo! Kitang-kita ko Luke, huwag ka na mag-isip pa ng pwedeng ipalusot mo sa akin! Niloloko mo lang kami! Nagpakatanga kami sayo Luke! Ang tanga-tanga namin! Naniwala kami sayo! Dapat pala sa una palang, naniwala na agad ako sa kanya na isa ka sa mga killer. Paano mo ito nagawa sa amin Luke?", sabi ko sa kanya habang naluluha na ako. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha.
"Sino nagsabi sayo?"
"Sino nagsabi sa akin? So you mean na isa ka talaga sa mga killer!? Niloloko mo ako Luke! I hate you!", pinilit kong makatayo at tumakbo papalayo sa kanya. "Claire!", lumingon ako sa likod ko at nakita kong tumakbo rin siya.
"Huwag mo ako sundan!"
"Pakinggan mo muna ako! Tumigil ka Claire please!", hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang akong tumakbo.
"Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong"
Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Jefferson kahapon. Kailangan ko si Jeff ngayon, gusto kong makalayo na muna ako kay Luke. "Jefferson", bulong ko sa sarili ko.
Liliko palang sana ako ng may humigit sa braso ko. Tinakpan niya ang aking bibig at nagtago kami sa likod ng puno.
"Claire!", ramdam na ramdam ko na malapit lang si Luke sa amin. Maya-maya, may narinig akong mga footsteps na papalayo na sa lugar namin, malamang si Luke na yon. Tinanggal niya na ang kamay niya sa bibig ko at iniharap niya ako sa kanya.
"Jefferson?"
"Ligtas ka na"
Biglang bumagsak ang mga luha ko ng malaman kong si Jefferson ang nagligtas sa akin. "Patawad.. Patawad kung hindi ako naniwala sayo. Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan. Dapat pala hindi ako nag tiwala sa kanya"
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ayos ka lang ba?", tumango nalang ako sa kanya. Sa sobrang pagod ko kakatakbo, napa upo ako sa sahig. Hindi ko pa rin mapigilan ang aking mga luha. "Alam na rin ba nila kuya Lucas ang tungkol dito?"
"Hindi, wala silang alam. Wala silang kinalaman dito, inosente silang apat"
"Isang beses ko lang binanggit ang pangalan mo, nandito ka na agad para iligtas ako.."
"Hindi mo lang alam pero lagi akong nasa labas tuwing gabi. Sinusundan ko si Luke at tinitignan ko siya kung paano siya pumatay ng mga estudyante". Talaga bang nagagawa ni Luke na pumatay ng mga estudyante? Alam kong misyon niyang iligtas sila dito pero bakit ganon? Anong nangyari? Imbes na iligtas niya sila, pinapatay niya. Hindi ko maintindihan si Luke kung bakit niya nagagawa ang bagay na yon. "Alam mo ba kung ano ang dahilan ni Luke kung bakit siya pumapatay?"
"Oo, alam ko. Tatapusin niya na muna ang mga estudyante ni Ma'am Madelyn na nakaligtas sa sunog dito dati. Pag nagawa ng patayin ni Luke silang lahat, isusunod ka na niya". Isusunod ako ni Luke? Pero bakit? Kaya niya ba nasabi sa akin kagabi na huwag na huwag akong lalayo sa kanya dahil.. Dahil malapit niya na akong isunod? Sinabi niya ba yon sa akin para hindi na siya mahirapan pa na hanapin ako? "Bakit kailangan din niya akong patayin?"
"Dahil ikaw ang gagamitin niya para buhayin niya si Sabrina. Gagamitin niya ang katawan mo para sumanib siya sayo. At pag nagawa niya yon, si Sabrina na ang magmamay-ari ng katawan mo"
"A-ano?"
Hindi ako makapaniwala sa gustong gawin ni Luke sa akin. Napaka sama niya! Nawala na nga si Sabrina, ibabalik niya pa ulit. Si Luke siguro ang dahilan kung bakit bumalik kami dito sa Devihell School. Nakakainis siya! Naisip niya pang gamitin ang katawan ko para buhayin lang si Sabrina. Pero bakit ako pa? Bakit!?
"Claire?"
Napalingon ako sa likod ko ng may babaeng tumawag sa pangalan ko. Walang iba kundi si Mitch. "Mitch?", lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Buti nalang ligtas ka", bakit alam niya na nandito ako? Alam niya na rin kaya ang tungkol dito? "Mitch, bakit ka nandito"
"May usapan kasi kami ni Jefferson na dito kami magkikita para iligtas ka kay Luke. Huwag kang mag-alala, ilalayo ka namin sa kanya"
"Magkakilala kayo ni Jefferson?"
"Kaklase ko siya at kaibigan ko na rin"
Oo nga pala, parehas silang matagal ng nag-aaral dito. Malamang matagal na rin sila magkakilala. Mapagkakatiwalaan ko siguro silang dalawa. "Wala na tayong oras, kailangan na natin umalis dito"
"Saan tayo pupunta?", pagtataka kong tanong sa kanilang dalawa. "Dadalhin ka namin sa kanilang dalawa. Ang totoo niyan silang dalawa talaga ang nag request sa amin na iligtas ka. Mabait sila at hindi ka nila hahayaan na makuha ka ni Luke". May dalawa pa silang kasamahan? Sino naman kaya sila?
Tinignan ko si Jefferson at parang may kinakapa siya sa baba. May inalis siyang plywood at itinapon niya ito sa tabi. "Tara na!". Lumapit kami sa kanya at may nakita akong daanan sa baba. Isang underground?
Lumusot doon si Jeff at hinihintay kaming makababa. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan, diba?
Tinignan ko si Mitch at parang sinasabi ng kanyang mukha na mauna na ako. Hindi na ako nag-dalawang isip pa na sumuot sa ibaba. "Patay tayo diyan!", inis na sabi ni Mitch. "Natandaan ko pala na nakita ako ni Ma'am Minneth na lumabas ng dorm. Babalik lang ako ha, sunod nalang ako sa inyo"
"A-ano?"
"Huwag kang mag-alala. Nandiyan naman si Jefferson para samahan ka papunta sa kanila. Ingat ka, Claire". Pagtapos niyang sabihin yon, binalik niya na ulit ang plywood kaya natakpan na kami. Medyo madilim dito, pero buti nalang may dala-dalang flashlight si Jeff. "Sumunod ka", sinunod ko naman ang sinabi niya sa akin. Deretso lang ang daanan dito. May naalala tuloy ako dahil dito. Katulad ito nung dinaanan kong daan nung oras na hinahabol ko si Emily at dinala niya ako sa lumang bahay. Ito rin kaya yon?
Pagtapos ng sobrang habang paglalakad namin dito, may nakita na kaming pinto at pumasok kami doon. Nasa isang silid kami ngayon pero parang pamilyar ang silid na ito. Hmm.. Alam ko na! Ito yung silid na pinagbabawalan akong pumasok ni Kyle! Dito rin pumunta non si Matthew nung oras na pinapalayo niya ako sa kanya. Ano naman kaya ginagawa namin dito ni Jefferson? "Bakit hindi nalang tayo pumasok ng school at pumunta dito? Talaga bang sa underground pa tayo kailangan dumaan para pumunta dito?"
"Hindi tayo pwedeng pumasok sa school, at tandaan mong hinahanap ka ni Luke". Binalewala ko nalang ang sinabi niya sa akin. Tinulak niya ang mga nakapatong na kahon sa gilid at laking gulat ko na may nakita pa akong isang pinto. May isa pa palang pinto dito. Kaya naman pala pinagbabawalan na pumasok dito dahil may dalawang sikretong pintuan sa silid na ito.
Binuksan niya ang pinto at pumasok kami. May nakita akong sobrang habang ladder na paakyat. "Mauna ka ng umakyat", sinunod ko naman ang sinabi niya sa akin. Akyat lang ako ng akyat hanggang sa pinahinto na ako ni Jefferson.
"Lagpas ka na"
Tumingin siya sa likod niya at hindi ko namalayan na may pinto pala doon. Binuksan niya ito at pumasok siya doon. Bumaba ako at inalalayan niya ako na pumasok doon. Nilibot ko ang aking paningin at saka ko nalang nalaman na nasa isang dorm pala kami.
"Na saan tayo Jefferson?", pagtataka kong tanong at sabay na tinignan ko siya. "Jeff?"
"Patawad Claire"
"Huh?"
Humarap siya sa akin at tinignan ako ng seryoso. Bigla niya nalang akong sinuntok sa mukha dahilan ng pagkawalan ng malay ko.
BINABASA MO ANG
Devihell School (BOOK2)
Mystery / Thriller[BOOK2] : Devihell School (Everyone has a secret) Nagtagumpay sila sa misyon nila na mailigtas ang Devine School. Pero hindi nila inaasahan na babalik ulit sila sa Devihell School. Mawawala na naman ng tuluyan ang Devine School. Maram...