CHAPTER 18

1K 31 1
                                    

"Jefferson"

"Hindi ko akalain na alam mo ang pangalan ko"

"Tinanong ko kasi kay ma'am Minneth ang pangalan mo. At saka tinanong ko rin na kung bago ka ba dito, pero sabi niya simula pa noong bata ka pa dito ka na nagaaral", huminga na muna siya ng malalim bago siya humarap sa akin. Napaka seryoso ng tingin niya sa akin. "Hindi ko ba sinabi sayo na huwag mo akong susundan?", ang sungit niya parin.

"Mayroon"

"Tsk!", hindi ko na matiis ang ugali ng isang to! Kung pwede lang siyang ilibing ng buhay sa lupa kahapon ko pa ginawa! Nakainis ang ugali niya!

"Na saan si Luke ngayon?", teka! Bakit niya hinahanap si Luke!? At bakit niya sa akin tinanong yon? Tinatago ko ba si Luke!? Sa tingin niya ba nasa loob ba ng bulsa ko si Luke?

"Bakit mo siya hinahanap?"

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon, hindi parin siya nagpaparamdam sayo?", paano niya nalaman ang tungkol doon? Stalker kaya nito si Luke? "Pangalawang araw na to, hanggang ngayon wala parin na sumusulpot sa inyo na Luke. Hindi ka ba nagtataka?", hindi ko siya maintindihan. May alam ba siya kung na saan si Luke ngayon?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ayokong sabihin sayo ang tungkol sa kanya, alamin mo. Hanapin mo kaya siya tuwing gabi", alam ko na ang gusto niyang iparating sa akin. Pinagmumukha niya sa akin na si Luke ang killer. Hindi ako maniniwala sa kanya! Mas paniniwalaan ko ang sarili ko dahil matagal ko ng kilala si Luke. At siya.. Wala pa akong alam tungkol sa kanya kaya hindi ako basta-basta na maniniwala sa mga sinasabi niya sa akin.

"Hindi yan totoo! Hindi siya ang killer!"

"Tignan mo, nakuha mo agad ang gusto kong sabihin sayo. Hindi ka maniniwala? Bakit hindi mo subukan gawin ang sinabi ko sayo, hanapin mo siya tuwing gabi". Hindi ako susunod sa kanya! At saka hindi ako tanga para maniwala sa kanya ng ganon-ganon nalang! Pinapasama niya lang ang loob ko kay Luke. Hindi yon magagawa ni Luke at kilala ko siya. Baliw ang taong to!

"Niloloko mo lang ako! Hindi ako maniniwala sayo! Kilala ko siya, hindi siya ganong klaseng tao!"

"Claire, Claire, Claire..", paano niya nalaman ang pangalan ko? Oo nga pala, normal lang na alam niya rin ang name ko.

"Tanga ka ba? O bobo ka?", ANO!? Ang lakas naman ng loob niya na sabihan ako ng ganon! "Buksan mo ang iyong mata, Claire. Nilalason niya lang ang utak niyo, hindi niyo lang alam pero nagpaplano na rin siya na patayin kayo. Naghihintay lang siya ng tamang panahon para gawin niya ang plano niya sa inyo", HINDI! Hindi totoo ang mga sinasabi niya sa akin! Hindi iyon magagawa sa amin ni Luke! Hindi siya ganong klaseng tao! Paano niya ako magagawang patayin kung siya nga ang laging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.

"Nahihibang ka na! Ikaw lang ang taong nilalason ang utak namin, hindi si Luke dahil kilala ko siya! Kahit na ano ang gawin mo sa akin para paniwalaan ka, pwes nagkakamali ka!". Bigla nalang siyang pumalakpak at ningitian ako. Sabi ko na nga ba't baliw siya!

"Wala akong pake kung maniwala ka o hindi. Gusto ko lang na sabihin sayo ang mga yon. Hindi mo na pala namalayan na may umaaligid na ng demonyo sa inyo. Nakakatawa diba?". Nakakainis siya! Hindi ko na talaga siya matiis! Wala siyang karapatan para sabihan ng mga ganong salita si Luke. Sinisiraan niya lang si Luke.

"Kung sino man ang demonyo dito, ikaw yon at hindi si Luke"

"Ok, sabi mo eh", sabi niya at sabay na tumalikod sa akin. Ganyan nga! Ayokong makita yang pagmumukha niya! "Huwag mong samain ang mga sinabi ko sayo, gusto lang kitang balaan. At mas lalong gusto lang kitang protektahan", protektahan? Nababaliw na ba siya! Wala lang siguro sa sarili ang lalaking to kaya kung anu-ano na ang mga pinagsasabi.

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon