EPILOGUE

1.6K 49 6
                                    

2 MONTHS LATER

Victoria Clemente's Point of View

Habang naglalakad ako sa hallway, may dalawang babae na lumapit sa akin. "Hey Victoria, pinapatawag ka ni Lucas sa office niya"

"Ganon ba? Salamat.."

Nagpaalam na muna sila sa akin bago sila umalis. Ano naman kaya kailangan sa akin ni kuya Lucas? By the way, may office na si kuya Lucas dito bilang isang pinakamataas na pinuno ng Devine School. Lupit noh? Hehehe!

Pumunta na ako sa office ni kuya Lucas at pagpasok ko, nakita ko si kuya na naka upo malapit sa table niya habang nagkakape. May mga hawak rin siyang papel at abalang-abala sa mga ginagawa niya kaya hindi niya ako napansin na pumasok. Hinampas ko ang table niya at ayon, gulat na gulat siya. "Hay nako, pwede naman na tawagin mo ako hindi yung nangbibigla ka. Wala ka talagang pinagbago Victoria". Victoria na pala ang ginagamit kong pangalan, hindi na Claire. Pero kahit na Victoria na ang ginagamit ko, minsan natatawag nila akong Claire. "Sorry naman kuya"

"Pakihanap nga yung boyfriend mo Victoria. Sabihin mo kailangan ko siya dito", boyfriend!? "S-sino?"

"Hays, ano ba naman kayo!? Huwag niyo ng itago pa sa amin na may kayo ni Luke!". Nakalimutan ko palang sabihin na kami na pala ni Luke. Yes! Last month pa naging kami. Hehehe!

"Ewan ko sayo kuya. Fine! Hahanapin ko siya.."

Lalabas palang sana ako sa office ng pigilan ako ni kuya Lucas. "By the way, bakit straight na naman yang buhok mo?"

"Ah ito..", hinawakan ko talaga ang buhok ko at sinuklay ito gamit ang aking daliri. Kaka-rebound ko lang kasi kahapon. Nasawa na kasi ako sa kulot kong buhok. Hays huwag niyang sabihin sa akin na ibabalik ko na naman ang dati kong buhok? "Hmm.. Ngayon ko lang talaga to napansin, bagay pala sayo yan", woohh! Buti nalang!

"Thanks kuya, hanapin ko na si Luke"

Nagpaalam na muna ako kay kuya bago lumabas ng office para hanapin si Luke. Palakad-lakad ako dito sa loob ng school, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap si Luke. Lumabas na ako ng school at pinagpatuloy na hanapin yung mokong na yon.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Sulki na tumatakbo papunta sa akin. Pa-gewang-gewang ang kanyang buntot at tahol ng tahol hanggang sa makalapit na siya sa akin. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ko ang kanyang ulo.

"Sobrang laki mo na talaga Sulki!", sabi ko habang gigil na gigil ako sa kakahawak ng mga balahibo niya. Ngayon ko lang napansin ang kulay ng kanyang mata, brown na ang kulay nito hindi na blue-gray. Teka.. Anong nangyari?

"Sulki!", nakita kong tumatakbo si Crade papunta sa amin na may hawak na stick. Naglalaro ata sila ni Sulki. Ito namang si Sulki, nilayasan si Crade. Bad dog!

Tumayo na ako at hinintay na makalapit sa amin si Crade. "Ikaw talagang aso ka..", sabi niya habang nilalaro si Sulki na parang tuta lang. "Oh Claire I mean Victoria, bakit ka pala nandito? By the way, ang ganda mo ngayon ah"

"H-huh? Parang hindi naman ata pero thank you pa rin", sabi ko sa kanya. "Crade!", sabay kaming napalingon sa likod niya ng marinig namin ang boses ni Kyle. Dati si Axel ang umeepal sa amin ni Crade, ngayon si Kyle naman.

Huminga na muna ng malalim si Kyle bago siya mag-salita. "Crade, bakit lalong dumami ang letters ko doon sa locker ko!? Alam kong Valentine's Day ngayon pero hindi naman ako ganon ka sikat sa mga girls diba?". Oo nga pala, nakalimutan ko na Valentine's Day ngayon! Ano kaya pwedeng iregalo ko kay Luke? Ano rin kaya gift niya sa akin? Awiee I'm so super duper excited!

Devihell School (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon