Napapikit na lang ako habang dumuduwal sa lababo. Nasa likod ko si kuya Cyper at hinahagod ito. Nagaalala na sya at kahit ako ay natatakot na sa sarili ko. Isang linggo ng nagtutuloy tuloy ang pagduduwal ko kada paggising ko. At dahil si Kuya Cyper ang pinakamalapit sa kwarto ko ay sya ang unang nakakapansin nito.
"Ayos ka lang ba, Ziena? Ilang araw na to ah? Patingin kana kaya sa doktor." inabutan ako ni kuya Cy ng baso na may lamang malamig na tubig na alam kong kinuha pa nya sa kusina. Uminom muna ako bago tumingin sakanya. "Hayaan mo na kuya. Matatapos rin to. Pagsusuka lang naman eh." at marahan akong ngumiti sakanya.
Napabuntong hininga na lang sya at inalalayan akong lumabas ng banyo. Pinahiga nya akong muli sa kama. Maaga pa kasi. Alas singko pa ng umaga. Kinumutan nya ako at hinalikan ang noo ko. Akmang aalis na sya ng pumasok naman sina Kuya Dylan, Aljur, at kuya Zleandro. Parehas na nagaalala ang mga ekspresyong pinapakita nila.
Lumapit sila saamin ni Kuya Cy na ngayon ay nakatayo parin sa gilid ng kama ko. "Anong ginagawa nyo rito, Kuya?" takang tanong ko at napahikab. I don't know pero inaantok nanaman ako. Kagigising ko lang at inaantok nanaman ako. "Nakita ko kasi na bukas ang pinto ng kwarto ni Cy. Kaya naisip ko na baka pinuntahan ka nanaman nya dito." sagot ni kuya Dylan. Nanlaki naman ang mata ko.
"So ibig sabihin..." sabay sabay silang ngumiti na tatlo saakin. Napabuntong hininga ako at nagtalukbong ng kumot. "Alam nyo naman na pala. Iwan nyo na ako at inaantok na ako." ani ko. Narinig ko silang tumawa.
Sabay sabay na silang nagpaalam at narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pintuan ko. Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako takot na malaman nina Kuya. Mas natatakot ako na malaman nina Daddy at Mommy. What if.. signs na ito na.. aish. Whatever. Saka ko na lang iisipin kapag na-confirm ko na ang hinala ko.
Sa ngayon ay matutulog muna ako dahil inaantok na ako.
----
"Goodmorning, princess." bati agad ni kuya Aljur ng makita akong bumababa sa hagdanan. Nginitian ko naman sya at nilapitan saka humalik sa pisnge nya. "Goodmorning kuya Jur." bati ko rin. Nagtungo na ako sa kusina at nakita doon si kuya Dylan na nagluluto at si kuya Cyper na hinahanda ang plato.
Nagpalinga linga ako dahil hindi ko makita sina Mom at Dad. Nasan kaya sila? Dapat nasa baba na sila sa mga oras nato. "Ziena, ikaw pala. Halika na at kakain na tayo." saad ni kuya Dylan ng mapansin akong nakatayo doon. Naglakad naman ako papalapit sa dinning table at naupo. "Kuya Dy, nasan na pala sina Mom at Dad?" hindi ko na maiwasang magtanong.
Napatigil si Kuya Cyper sa pagkuha ng kubyertos at gayun din si kuya Dylan na napatigil sa paglagay ng ulam sa lamesa. Nagkatinginan silang dalawa at akmang magsasalita si Kuya Cyper ng biglang may sumingit. "Sumunod sila sa paborito nilang anak na nasa states. May importanteng event daw kasi na kailangan ay nandon sila." napalingon ako sa nagsalita at nakita si Kuya Zleandro na seryoso ang mukha.
Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Kuya Zleandro, or kuya Andro, has always been brutally honest. Kung ano ang iniisip nya, talaga namang sasabihin nya. Kaibahan naman kina kuya Cy at kuya Dy, sila naman ang mga kuya kong nagdadahan dahan sa pagsasalita, nagiingat sa kung ano mang masasabi nila.
While kuya Aljur, he stays quiet. Hindi sya yung tipong sasabihan ka agad agad. He wants you to find it out on your own. Pero may isa lang naman ang bagay na magkakapareho sila, yun ay pareho nila akong iniingatan. Pare-pareho silang nagagalit kapag nalalaman nilang may nanakit saakin. Ganun silang klase na kapatid.
Walang buhay akong tumawa na ikinalingon nilang tatlo saakin. "Ganun naman lagi eh. Ano pa bang nakakagulat dun?" my heart is in pain. Kahit sabihin kong sanay na ako, masakit parin. It felt like I'm the neglected child. Kuya Andro patted my head and charmingly smiled at me. "Nandito naman kami, lil'sis. Pupunan namin ang kawalan nina Mama sayo. Tsaka, nandyan rin sila Lolo at Lola. Hindi ka nagiisa." he said. Napangiti ako at tumango tango.
Nagulat naman ako ng biglang may pumasok sa kusina. At ito ay walang iba kundi ang grandparents namin. Si Lolo Alfredo at Lola Carmina, tapos si Lolo Dashier at Lola Zylene. Agad silang lumapit saamin. "Anong nangyayari? Pinaiyak nyo nanaman ba ang prinsesa natin?" nagtataray tarayan na sambit ni Lola Mina (Carmina). Natawa naman ako ng agad na napangiwi sina kuya. "Grabe kami na nga tong pinapatahan sya eh." sambit naman ni kuya Cy.
"Aba'y dapat lang. Kaisa isang prinsesa natin to kaya dapat alagaan nyo syang mabuti. Nagkakaintindihan ba tayo?" tila striktong ani naman ni Lolo Dash (Dashier). Agad namang napatango sina kuya na mas nagpalawak ng ngiti ko. "Kumain na nga lang po tayo. Lalamig po ang pagkain." saad ko na may paggalang. Napalingon silang lahat saakin at napangiti.
---
"Tama naman ang kuya mo, girl. I think you should go on a check up." suhestyon ni Alehya habang naka-squat na nakaupo sa sahig na may carpet. Sinimangutan ko sya. "Pagsusuka lang, pa-check up agad? Grabe naman." aniya ko. Napailing naman si Doll sa sinabi ko.
Tumayo ito sa harap ko at namewang. "Sabi mo sunod sunod diba? Kahit pagsusuka lang yan may mga possibilities parin na may problema ka sa katawan mo or... buntis ka." lahat kami ay natigilan sa mga huling salitang bigla na lang binitawan ni Doll. Sabay sabay pa silang lumingon saakin at pinabalik balik nila ang tingin nila saakin at sa tyan ko.
Umiling iling ako at napatayo. "No! It's impossible! Isang gabi lang naman yun diba? How come na magbubunga agad?" tila kalmadong sabi ko kahit na sa loob loob ko ay kinakabahan na ako. Pano kung totoo nga? Pano kung... buntis nga ako? "Ilang beses ba? Ilang beses ka ba nyang inangkin? Hindi mo na mabilang diba? Kahit isang gabi lang yan, pwede ka parin mabuntis. Ilang beses ba daw'ng iputok sa loob mo." komento ni Nea.
Sinamaan ko sya ng tingin. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig nito. "Then why don't we go to a OB Gyne then? Wala namang mawawala kung ichecheck natin diba?" suhestyon ni Alehya na ikinalingon naming lahat sakanya. "Tama. Wala namang mawawala. Diba... Alziyena?" napalunok ako.
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...