Kabanata Labing-Lima

26.1K 568 30
                                    

"Love? Are you there?"

Napalunok ako ng marinig ang boses ni Trigger sa labas ng banyo. Napahugot ako ng malalim na hininga. Malakas ang tibok ng puso ko at namamawis ang mga palad ko.

"I-I'm here." I said, breathing heavily.

Narinig ko ang yabag niya papalapit sa pinto ng banyo. "Are you okay?" ang naging tanong niya na siyang mas lalong kinakaba ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan para mabungaran ang nagaalalang mukha ni Trigger. I gave him a tilted smile. "I'm okay." I said.

Sinipat niya ang kabuoan ko na tila ba hinahanapan ng mali ang katawan ko. He reached for my hands at napaigtad ako dahil sa gulat. Matiim niya akong tinitigan habang marahang umiiling.

Napayuko ako. Ramdam ko ang init ng pisnge ko na sigurado akong namumula. He lightly kissed my hands before pulling me into a hug.

Marahan siyang tumawa habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. "It's alright love, I know you are nervous." mahina kong nahampas ang dibdib niya na siyang ikinatawa niya. "Do I really need to meet them?" kinakabahan paring tanong ko.

He pulled away. Binigyan niya ako ng kiming ngiti at inabot niya ang tiyan kong malaki na ang umbok. "Of course love, they have to meet the loving woman who carries my child." he said.

Napalitan ng lungkot ang dating kabang nararamdaman ko. Yeah, the woman who carries his child, right.

Ngumiti na lang ako sakaniya saka hinila na ang kamay niya. "Let's go?" aya ko sakaniya na siyang tinanguan lang naman niya.

Gaya ng nakasanayan namin ay inaalalayan niya parin ako hanggang sa makasakay ng sasakyan. Wala rin namang problema saakin yon since medyo nagiging mabigat na ang katawan ko dahil sa paglaki ng baby namin.

I am on my 7th month of pregnancy. And yes, aware na kami sa gender ng baby namin, I mean, ako lang pala.

I decided not to tell anyone about my baby's gender not until my delivery. Hinayaan naman na rin ako ni Trigger which is I am very thankful about.

At ngayon nga ay Golden Anniversary ng parents ni Trigger, at isasama niya daw ako para makilala ng mga magulang niya. Kinakabahan ako di lang dahil makikilala ko na ang parents niya, kundi dahil baka kapag nakilala nila ako, bigla na lang sila magdesisyon na ipush yung arranged marriage ni Trigger sa isang unknown woman.

Alam kong nagdesisyon na silang wag ituloy dahil sa mahigpit na pagtutol ni Trigger ngunit paano kung biglang magbago sa oras na makilala nila ako?

It's making me nervous as hell.

"We're here."

He announced as he pulled up the car. Humugot ako ng malalim ng hininga the moment na pagbuksan ako ng pintuan ni Trigger. Nanginginig ko pang inabot ang kamay ko kay Trigger pala maalalayan niya ako sa pagbaba sa kotse.

Sa oras na makapasok kami sa venue ay agad na napansin ng parents niya si Trigger.

"Allen! Oh, my baby boy."

His mother lovingly held his cheeks and showered him with kisses, making me timidly smile. Sunod namang lumapit ay ang tatay niya na tumango at yumakap kay Trigger. Hinayaan ko na muna sila.

I was fidgeting with my fingers when suddenly Trigger reached for my waist and pulled me closer to him. It was just seconds but my eyes caught how his mother arched her eyebrows at me.

"Mom, Dad, this is Alziyena Cassidy, she is the one that I've been talking about." Trigger was all smiles as he introduced me to his parents. I caught his parents' glances at each other. "Good evening Ma'am, Sir. Happy Anniversary." I greeted with a soft smile on my face.

Her mother smiled back but I can feel that there is something wrong about how she acts in front of me. "Good evening din, iha. Enjoy the party, okay?" her words were warm but I can't feel even bits of it's warmth. "Welcome iha, we have lots of food, you can eat anything you want." I softly nodded at his father's words which felt very awkward for me for some unknown reasons.

Pinaupo ako ni Trigger sa isa sa mga tables at nagpresinta din siyang kumuha ng pagkain ko. Lihim ko na lang na ipinagpasalamat na pinili ni Trigger na humiwalay kami sa table ng mga magulang niya. He must have felt how uncomfortable I am.

As the event started, I could not feel anything but uneasiness. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari. I gulped as I excused myself to go to the restroom. Trigger immediately let me.

Napapabuntong hininga ako habang naghuhugas ng kamay sa loob ng restroom. Tiningnan ko ang itsura ko at hindi ko maiwasang mapailing. I've got no choice but to wear a maternity dress to this party for my belly is getting bigger.

Napakagat labi ako habang nire-retouch ang sarili ko. Nang lalabas na sana ako roon ay nakasalubong ko ang Nanay ni Trigger. Tumango ako bilang pagbati at lalampasan na sana siya ng inabot niya ang braso ko, pinigilan niya akong umalis.

"Can I talk to you?" she said making me turn to her. "About what, ma'am?" kinakabahang balik ko.

She smiled at me. Lumapit siya sa sink at gaya ko ay naghugas siya ng kamay. Tinuyo niya ito bago muling bumaling saakin.

"It's obvious, Alziyena. You have feelings for my son, don't you?" napayuko ako. "Don't get me wrong, you're really pretty, I can tell that you are smart, and I know that you and you're family are wealthy too."

Hindi ko maintindihan kung ano man ang pinupunto saakin ng ina ni Trigger.

"You see, we want to push a arranged marriage for our son Trigger for the sake of power and of course... his safety." natigilan ako. "He won't be safe enough if he is with you, his life will be in danger if he keeps protecting you. I'm sure that you have an idea about what kind of person our son is, don't you?"

Napapikit na lang ako saaking mga mata. Ramdam ko ang unti unting pagkadurog ng puso ko, ang pagkawasak ng pagkatao ko, at ang pagluluha ng mga mata ko. Parang alam ko na kung saan patungo 'to.

Dahan dahan siyang mas lumapit pa saakin.

"I'm sorry, iha. But you have to let my son go."

*****

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon