Napalunok ako habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Parang nagi-guilty ako na nabuntis ako ng lalakeng parte pala ng past niya.
Magkaharap kami ngayon sa dinning table, umiinom ng kape, at parehong tahimik. Napayuko ako at napahaplos sa umbok ng aking tiyan. My baby is 2 months old now. Napangiti ako. Pakiramdam ko nanay na talaga ako kahit hindi pa siya lumalabas.
"You're so beautiful." napaangat ako ng tingin kay Stella na malambing na nakatitig saakin. Namula ako at napangiti. "Ikaw rin naman ah." komento ko rin at marahang natawa. She giggled then gave me a gentle smile.
Napatitig siya sa labas ng bintana. Tinitigan ko lamang siya habang hinihintay ang sasabihin niya. "You know... I was devastated. Devastated with the news that he already replaced me. It was heartbreaking, I can feel my whole world falling apart." napaiwas ako ng tingin. "Pero alam mo? Nakita ko eh. Nakita ko kung pano siya tumingin sayo. It is as if his life is in your hands, well, scratch that, you are his life." muli niya akong binalingan ng may maliit na ngiti sa labi.
Nanatili akong nakatitig sakaniya. Humugot siya ng hininga at inabot ang kamay ko para hawakan. "Siguro.. siguro sapat na iyong nakita ko para malaman na ito na iyong limitation ko. Para malaman na wala na talaga siguro akong pag-asa. Para malaman, magising, na hindi na ako ang mahal niya." naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Nakita ko rin na naiiyak na siya. "Alagaan mo siya ha? He may be serious, cold, and expressionless, but trust me, he is the sweetest person you'll ever know." kinindatan niya ako at pinunasan ang luhang pumatak sakaniyang pisnge.
Napapunas rin ako saaking luha. Sabay kaming napatigil at nagkatinginan. Pagkatapos non ay sabay kaming natawa.
Nagpatuloy kami sa pag-inom ng kape naming lumalamig na. Nanatili kaming tahimik hanggang sa may naalala ako sa sinabi niya. "Stella, what do you mean by I am his life? Kakakilala pa lang namin nung nakaraang buwan." takang tanong ko. Sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa labi niya. Marahan niyang inilagay sa likod ng tenga ko ang takas na buhok na tumabing sa mukha ko. "Don't worry, you'll find out sooner or later." at doon ay tumayo na siya bitbit ang tasa niya at iniwan ako doon.
Napabuntong hininga ako at napatitig sa labas ng bintana. Ang babaeng yon talaga, kahit napakaamo ng boses at mukha, may tinatago rin palang pagkapilyo. Napailing ako at inubos na ang kape na iniinom ko.
Akmang tatayo na ako para ilagay ang tasa sa lababo at hugasan ito ng pumasok sa kusina si Allena. Natigilan ako at napatitig sakaniya. Napatitig rin siya pabalik saakin.
Muli akong napaupo ng nagsimula siyang magtimpla ng kape niya. Nanatili akong tahimik at pinaglaruan na lamang ang dulo ng buhok ko para malibang ang sarili ko habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya.
Hindi na ako nag-abalang batiin ng isang magandang umaga si Allena dahil alam kong ide-deadma rin naman ako ng babaeng yon. Gaya na lang ngayon. Kala mo naman hangin lang ako kung daanan niya habang gumagawa ng kape niya hanggang sa makaalis siya.
Napabuga ako ng hangin habang hinahatid siya ng tingin. Napasimangot ako at hindi na tumayo. Bigla kasi akong tinamad. Napahikab ako. Shets. Kakagising ko lang at kakainom ko lang ng kape pero inaantok nanaman ako. Damn this pregnancy hormones.
Napabaling ang tingin ko sa cupboard na nakabukas. May nakita akong isang malaking pakete ng maanghang na cheetos. Napadila ako sa sarili kong labi ng may naisip na nakakatakam na paraan para kainin ang cheetos na iyon.
Ngunit agad rin akong napasimangot kasi tinatamad nga ako. Ayaw kong tumayo. Napayuko na lang ako habang nagsisimula na akong maiyak. Shetu naman eh. Gusto kong kumaiiiinnnnn.
Iniangat ko ang tingin ko at nagulat ako ng bumungad saakin si Allen na kanina pa pala narito sa kusina at nakatitig saakin. Tinagilid ko ang ulo ko para ipakita sakaniya ang pagkalito ko. Tipid siyang ngumiti na ikinagulat ko.
Nilapitan niya ako at marahang hinalikan ang noo ko. "Good morning." bati niya bago gumawa ng sarili niyang kape. Tahimik ko lamang siyang pinanood hanggang sa matapos siya. Akmang uupo siya kaharap ko ng pigilan siya. Tinapunan niya ako ng nagtatakang tingin. "P-pwede bang gawan mo ko ng cereal gamit ang cheetos na yan?" namumula at nahihiya kong pakiusap sakaniya habang tinuturo ang cheetos na nasa cupboard.
Napabaling siya doon saglit bago muling binalik ang kaniyang tingin saakin. Bumuntong hininga siya at binitawan ang kape sa harap ko. Kinuha niya ang cheetos sa cupboard na siyang ikinangiti ko ng malaki.
Binuksan niya ang refrigerator at kumuha doon ng karton ng fresh milk. Kumuha rin siya ng bowl at kutsara saka nilagay iyon sa harap ko. Una niyang inilagay ang cheetos sa bowl bago isinunod ang gatas. Napadila ako sa sarili kong labi sa pananabik na makain ang cereal na hinahanda niya.
Habang hinahalo ito ay bigla naman akong nagcrave ng isang patikular na inumin. "Allen. Pwede bang mag-order ka ng isang strawberry milkshake tas palagyan mo ng maraming maraming cheese powder at chili powder?" napalingon siya saakin ng may wierd na tingin. Napanguso ako at pinagdikit ang dalawang palad ko. "Pretty please, Allen?"
Matagal siyang tumitig saakin bago napabuntong hininga. Lumapit siya sa landline na narito sa kusina saka doon nagdial. Napangisi ako habang hinihintay siyang matapos.
Ng tuluyan na nga siyang matapos ay bumalik siya sa pagkakaupo sa harapan ko at inilapit niya saakin ang cheetos cereal na pinapagawa ko sakaniya. Nagningning ang aking mga mata at agad kong nilantakan ang cereal.
Habang kumakain ay tinitigan lang ako ni Allen habang iniinom rin ang kaniyang kape. Nag-angat ako ng tingin at ng magtama ang aming mga mata ay nginitian ko lamang siya. Babalik na sana ako sa pagkain ng pigilan niya ako.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Tipid siyang ngumiti saakin na ikinagulat ko. Mas lalo siyang lumapit saakin na siyang ikinaduling ko. Sobrang lapit ba naman kasi ng mukha niya saakin. Tinitigan ko lang siya habang hinihintay ang sunod niyang gagawin.
Itinaas niya ang kamay. Inabot niya ang labi ko at pinahid ang gatas na nasa gilid ng labi ko gamit ang kaniyang hinlalaki. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.
Napahawak ako sa pisnge ko dahil ramdam ko ang pagiinit nito. Sigurado akong namumula na ako ngayon. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Muli akong napalingon sakaniya at nakita siyang marahang nakangiti saakin.
Kinindatan niya ako. Ginulo niya rin ang buhok ko.
"You're just so adorable, aren't you?"
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romansa"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...