Kabanata Labing-Walo

23.8K 558 9
                                    

"Here."

Kuya Cy handed me the apple he just skinned which I immediately accepted.

Marahan akong kumagat dito habang dinuduyan ang mga binti ko sa gilid ng kama ko rito sa Hospital. Hinihintay namin ang Doktor dahil ang sabi nilang apat saakin ay hindi pa nasasabi ng Doktor sakanila ang resulta ng pagcheck saakin.

"Anyway, curious lang ako." tumutok ang mata nilang apat saakin. "Sino ang nagdala saakin dito? Ang naalala ko lang, nakatulog ako sa Condo ata yun ng babaeng nagpakilalang Jennifer." sabi ko habang kumakagat sa Apple.

Nagkatinginan silang apat bago dahan dahang itinaas ni Kuya Dy (Dylan) ang kaniyang kamay. Kumunot ang noo ko at itinaas ko ang isang kilay sakaniya para iparating na nagtatanong ako kung pano yun nangyari.

Bumuntong hininga si Kuya Dy bago tumayo at lumapit sa basket kung nasaan ang prutas na dala ni Kuya Andro (Zleandro). Kumuha rin siya ng bowl at naglagay doon ng grapes saka ako sinubuan non. Nakasimangot na kinain ko naman yon. Kumakain pa'ko ng apple eh.

"Siya yung Fiancè ko, Ziena. Alam mo naman yung kinekwento ko saiyong girlfriend ko saiyo diba? Siya 'yun. Tsaka, ikaw pa nga ang nagtulak saaking magpropose sakaniya." mahabang lintanya ni Kuya Dy. Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong nailunok ang nginunguya kong grapes.

"Weeeeeh? Yung 5 years na girlfriend mo?! Di nga?" di makapaniwalang bulalas ko. Malakas na tumawa si Kuya at pinisil pa niya ang ilong ko. "Oo nga. Hindi ko pala naibanggit saiyo ang pangalan niya?" balik niya.

Napaisip naman ako. Nang marealize kong hindi nga niya nasabi saakin kahit minsan ay mabilis akong umiling sakaniya.

Mabilis akong bumaling sa tatlo ko pang kuya na sing bilis ng kidlat na umiwas ng tingin. Tumaas ang isang kilay ko sakanilang tatlo at pinasingkit ko ang mga mata ko.

"At kayong tatlo, may mga girlfriend din kayo diba?" walang sumagot. "Nako, hindi ako susulpot sa mga kasal niyo, bahala kayo." maktol ko saka padabog na kinagat ang apple sa kamay ko.

Mabilis ang kanilang mga ulong muling lumingon saakin. Lihim akong ngumisi. Ano yon? Porket nawala ako ng ilang buwan sa mga buhay nila mababalitaan ko na lang na ikakasal na silang apat? Hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat makapiga ng impormasyon sakanilang apat.

Akmang magsasalita si Kuya Aljur para siguro magdahilan ng bumukas ang pinto at pumasok ang apat na nagagandahang babae. Kasama nila ang isang lalake na nakasuot ng pan-doktor, don't me, di ko alam anong tawag dun.

Don't tell me..?

"How are you feeling, Miss Buenaventura?" tanong niya ng may ngiti sa labi. Napagilid ang ulo ko sa pagtataka. "Fine. Pero ikaw ba talaga ang nagcheck saakin?" medyo uncomfortable kasi saakin ang isipin na siya ang nagcheck sakin since nasanay ako sa babaeng Doktor na nagchecheck sakin.

Mahina siyang napatawa bago lumapit saakin at binuksan ang clipboard niya habang sinisipat ang katawan ko. "You look okay to me, and to answer your question, yes, ako nga ang nagcheck saiyo." napangiwi ako sakaniyang sagot.

Ngunit bigla akong nakaramdam ng kaba ng sumeryoso ang kaniyang mukha. "But miss Buenaventura, you almost had a miscarriage." napasinghap ako maging ang mga taong nandito ngayon sa kwarto. "W-what..?" halos hindi ko matuloy ang mga sasabihin.

Bumuntong hininga siya. "Muntik ka ng mawalan ng baby, Miss. But luckily, malakas ang kapit ni baby at nanatili siya sa tummy mo. Although may chances na magkaroon ka o siya ng complications sa oras na manganak ka." napayuko ako at napahawak sa tiyan ko. Hinaplos ko ito habang maluha luha ang mata.

I almost lost my baby boy. I am a bad mom. I'm sorry baby, I'm so sorry..

"So I suggest na iwas muna sa stress miss Buenaventura. As much as possible, kumain ka ng masustansyang pagkain at inumin mo ang gatas na irerekomenda ko." he said that as he wrote something on a piece of paper. He handed the paper to my older brother Dylan.

"Kayo ba ang mga kapatid niya?" sabay na tumango ang apat kong kuya. "Alagaan niyong mabuti ang kapatid niyo at wag niyo siyang hayaang mastress." tinapunan ako ng tingin ng Doktor.

"And one more thing, she looks emotionally unstable. Please do not leave her alone."

———

Nakatulala lang ako sa bintana ng dati kong kwarto dito sa bahay nina Lola Carmina. Wala dito ngayon ang asawa niyang si Lolo Alfredo. Nasa isang business trip daw ito kasama si Lolo Dashier. Hindi na ako nagtanong kung anong klaseng business, wala naman akong interes sa mga ganon.

Napabalik ako sa realidad ng makarinig ng katok. Binalingan ko ang pinto. "Pasok." sabi ko. Agad namang nagbukas ang pinto at bumungad saakin ang mukha ni Agathe, fiancè ni kuya Jur.

Nginitian niya ako at mabilis na sumampa sa kama ko. Mahigpit niya akong niyakap saka hinalikan ang pisnge ko. Napangiti na lang rin ako.

Ang kulit kulit ni ate Agathe. Malambing siya at sa apat na fiancè ng mga kuya ko ay siya ang pinakamaingay at madaldal. Hindi ko nga alam na ganon pala ang type ni kuya Jur eh ang tahi-tahimik non sa ibang tao tapos ang cold-cold pa.

"Kamusta ka, Zizi?" napatawa ako ng marinig ang nickname na ginawa niya para sakin. Ang cute kasi. "Ayos lang naman ate, ikaw ba? Bakit ka napadpad sa kwarto ko?" balik ko rito.

Bigla naman siyang napasimangot. "Kasi inaaway nila ako dun sa baba." napakunot naman ang noo ko. "Inaaway? Ate ba't ka naman nila inaaway?" takang tanong ko.

Humiwalay siya saakin at parang bata siyang nagpapadyak sa kama ko. "Eh kasi naman.. sabi nila sa lahat daw, ako daw ang hinding hindi mo paglilihian kasi ang kulit at ang ingay ko daw. Number one pa sa nangaaway saakin yang si Aljur na yan." maktol niya saakin na ikinatawa ko.

Hinarap ko siya at muling niyakap. "Sa lahat nga ng gusto kong paglihian, ikaw yung favorite ko. Ang cute mo kaya, haha." pagpapagaan ko sa loob niya. Lumiwanag naman ang mukha niya at muli niya akong dinamba ng yakap na siyang ikinatawa kong muli.

"Weh? Yieeee, I love you na Zizi!"

****

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon