I was shocked to see a mannequin wearing a simple designed wedding gown placed at the middle of my living room.
"Trigger!" buong lakas na tawag ko sa lalakeng pakiramdam ko ay siyang may pakana nito.
Agad naman itong tumugon sa tawag ko at lumabas siya sa kusina. Tinabihan niya ako sa pagtayo doon sa entrada ng salas habang nakatunganga ako sa wedding gown na nasa harap ko.
Pumalibot ang braso niya sa bewang ko. "What's the matter?" tanong pa niya. Humarap ako sakaniya saka hinampas ang braso niya. "Ouch! What was that for?!" gulat na bulalas niya pagkatapos ko siyang hampasin.
Naiiyak na tiningnan ko siya dahilan para lumambot ang ekspresyon niya. "Kung ikakasal ka parin naman sa iba, wag mo naman ipamukha saakin." my tears started to fall.
Ang sakit lang kasi.
Natigilan si Trigger. Sinulyapan niya ang wedding gown na nasa harapan namin saka muling bumalik saakin ang tingin niya. Mahina siyang tumawa na siyang ikinataas ng kilay ko.
Umiiyak na nga ako rito sa harapan niya tatawa-tawa parin siya diyan.
Bigla niyang inabot ang kamay niya sa mukha ko saka inipit sa likod ng tenga ko ang takas na buhok na tumabing sa mukha ko.
He gently held my cheeks and lightly kissed my nose. "You are such a cute baby." natatawa at tila naaliw pang sabi niya. Napasimangot naman ako don.
Humiwalay siya saakin at may kinuha siya mula sa center table na narito sa salas. Tinitigan ko lang siya habang hinihintay ko ang susunod niyang gagawin.
He showed me a velvety box. "Oh? Ano gagawin ko diyan?" nagtataray na tanong ko rito. Napailing naman si Trigger saka dahan-dahang lumuhod sa harapan ko. Napatulala naman ako.
Nakabuka pa ang aking bibig dala ng pagkagulat habang nakaluhod siya ngayon sa harap ko, hawak ang isang box na wala akong kaalam-alam sa laman.
"A-anong.."
"Alziyena Cassidy.. such a beautiful name." humugot siya ng hininga na tila ba humuhugot siya ng lakas. "Will you marry me love?"
Muntik na akong himatayin sa tanong niya. Jusko naman, wala akong inaasahang ganito. Binuksan niya ang box na hawak at napaluha naman ako ng makita ang magandang singsing. My heart is beating so fast, it felt like it is going to burst.
Naiiyak na tumango ako sakaniya dahil halos hindi na ako makapagsalita. Siya naman ngayon ang napatulala. Natawa ako sakaniya kahit may luha ng tumulo sa mga mata ko.
Ano ba yan para na akong baliw dito.
"Yes Trigger, I will marry you."
Naalarma naman ako ng mapaupo siya sa may carpet na sahig. Yumuko ako sa harap niya saka kinuha mula sakaniya ang box na may singsing. Ako na mismo ang nagsuot sa sarili ko ng singsing dahil ang lalakeng kaharap ko ay masyadong gulat.
Napangiti ako ng saktong sakto ito saakin. Hindi maluwag, hindi rin mahigpit. Tamang tama lamang ito, na para bang sadya ang pagkakagawa nito para saakin.
"I never imagined that this day would come." biglaang bulalas ni Trigger na ngayon ay nangingiti nang nakatitig saakin. Tumawa naman ako sakaniya saka tumayo na. "Ako nga rin eh, hindi ko inaakalang dadating pa ang araw na makakasama pa kita." I lovingly said as I stared into his eyes.
Tumayo naman siya saka niyakap ako at hinalikan ang noo ko. "I mean.. I never really got close enough to you. Except that one time that you went to the bar where I usually spend my time." mahabang lintanya niya na ikinagulat ko. "Say what? Kilala mo ako bago pa man tayo magkita sa bar?" nanlalaking mga matang tanong ko sakaniya.
Natatawang napakamot naman siya sa batok. "Yeah, I stalked you for a year now." binatukan ko naman siya dahil don. Wala akong alam doon. Akala ko aksidente ko lang talaga siyang nakilala doon sa bar. "Hindi nga? Seryoso ka?"
He stared at me before letting out a sigh. "I'll tell you about it, but let's sit first." aya niya. Tumango ako sakaniya at hinayaan siyang igiya ako paupo sa sofa.
We totally ignored the fact that there is a wedding gown here.
He placed my legs on his lap making me raise one eyebrow at him. Umiling lang siya saka ngumisi saakin na siyang ikinaismid ko. Ang lalakeng ito talaga.
"I met you in a mall a year ago." kumunot ang noo ko. Sa mall? "You were with your brothers, it seems like you accompanied them in buying a cologne in the men's section." napaisip naman ako.
Naalala ko na..
"May bibilhin pa ba kayo?" nayayamot na tanong ng 19 years old na ako habang nakatayo sa harapan ng apat kong kuya na siyang kasama ko para mamili. "Wait lang Princess, samahan mo muna kaming bumili ng cologne. Paubos na akin eh."
Wala akong ibang choice kundi ang samahan silang apat dahil first of all, wala akong kotse at wala akong pera pang pamasahe. Second of all hindi naman nila ako bibigyan ng pera dahil gusto nila kasama nila akong umuwi.
Tss. Overprotective brothers.
Pagkapasok namin sa isang shop ay agad na inasikaso ng mga sales lady ang mga kuya ko kaya napilitan akong tumayo roon kahit pa nga naka heels ako. Trip ko magheels okay? Walang aangal.
Ilang minuto pa at nananakit na ang paa ko kahihintay sa apat kong kuya kaya nagsimula na akong maglakad para hanapin sila. Halos tumakbo na ako kahit pa nga masakit ang paa ko dahil nga sa kagustuhan kong umuwi.
"Nasan na ba ang mga 'yon?" naiinis na bulong ko sa sarili.
Ngunit dahil sa katangahan ko, nabunggo lang naman ako sa isang tao at muntik pang matumba dahil sa pagkatapilok. Spell clumsy? A-l-z-i-y-e-n-a.
"Watch where you're going, lady." napaangat ako ng tingin sa lalakeng sumalo saakin mula sa pagkakatumba gamit ang braso niyang pumulupot lang naman sa bewang ko.
Akmang sasagot na ako sakaniya ng marinig ko ang boses ng mga kuya ko. Napahiwalay ako sakaniya saka inayos ang sarili ko.
I politely smiled at him before giving him a goodbye. "Salamat sa pagsalo, I got to go now." ani ko saka umalis na doon.
"Teka.. IKAW YON?!" napapabulyaw na turan ko kay Trigger ng maalala ko ang nangyari one year ago.
Napakamot siya sa batok saka mahinang natawa. "Aren't you aware of how beautiful you are even back then? I fell in-love with you after I first saw you, ya'know." napatulala ako sakaniya. Ano daw?
He cupped my cheeks and pecked my lips. He also combed my hair as he stared at my eyes lovingly. "I stalked you for the past year and owned you after I met you for the second time. I regret nothing, baby."
Parang nauubusan ako ng hininga habang nakatitig sa mga mata niya.
"I love you."
Kung panaginip man to ayaw ko ng magising.
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...