Kabanata Pito

34.6K 816 24
                                    

Tuwang tuwa ako ng umuwi si kuya Cy na may dalang mga pagkain na syang bilin ko. Agad na nagningning ang mata ko ng ihain nya iyon sa harap ko. Pinanood lang ako nung tatlo na pumapak ng pagkain.

Inalok ko sila pero akala mo inalok ko sila ng pagkain ng demonyo kung makailing sila eh. Nagkibit balikat naman ako at kumain na lang ng tahimik. Gutom ako okay? Tsaka may baby pa akong pakakainin kaya wag kayo dyan.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng dumating ang grandparents namin. May kasama silang isang lalakeng naka business attire at napakaseryoso ng mukha nya. Para syang dragon na handang bumuga ng apoy anumang oras mula ngayon.

Nagtungo ako sa kusina para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko at para narin makahugas ako ng kamay at makapagmano ako kina Lola. Ng makalabas ako sa kusina ay agad akong nagmano sa grandparents namin at umupo sa tabi nila. Kaharap ko ang lalakeng kasama nina Lola kanina. Seryoso parin ang kanyang ekspresyon pero nakita ko ng bahagya iyong lumambot ng makita ako.

"Lola, ano pong meron?" kunot noong tanong ko kay Lola Carmina na syang katabi ko sa kanan. Nginitian nya ako at hinaplos ang buhok ko. "Hayaan mong ang mga Lolo mo ang mag-paliwanag sayo, apo." marahang sambit nya saakin. Tumango tango ako at umayos ng upo.

"Ano ang buo mong pangalan, iho?" mahinahong tanong ni Lolo Alfredo sa lalakeng kaharap ko. Tumikhim sya at saka nagsalita. "I'm Allen Trigger Valdemore, sir." tumindig ang balahibo ko sa lamig ng boses nya. Napaiwas ako ng tingin at napayuko na lang.

Ramdam ko ang paghagod ni Lola Carmina sa likod ko. "At ano ang ginagawa mo kanina sa labas ng aming tahanan? Ano ang kailangan mo saamin?" seryoso ang tono ng pananalita ni Lolo Dashier. Alam kong nakakaalarma ang sitwasyon lalo na at ako ang naging biktima ng pamamaril sa school namin noong nagdaan. "I am the father of your granddaughter's child." nanlaki ang aking mga mata sakanyang sinabi.

Napaangat ako ng aking tingin. Nakita ko ang pagseryoso ng ekspresyon ng aming Grandparents at maging ang aking mga kuya. "At bakit ngayon ka lang nagpakita?" masungit na tanong ni kuya Dylan. Imbes na ma-intimida, nanguuyam na ngumisi ang lalakeng nagngangalang Allen Trigger. "I already showed myself to her." imbes ay sagot nya. Napalunok ako.

Sabay sabay na bumaling saakin sila Lolo at pati sila kuya. Nagtatanong ang kanilang mga mata. Namumulang umiwas ako ng tingin at sumagot. "Ginapang nya ako ng nagdaang gabi." napatayo sina Kuya. Agad naman silang pinigilan nina Lolo. "Eh gago ka pala eh!" bulyaw ni kuya Jur. "Kumalma ka, iho." utos ni Lolo Dashier.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang napakalma nina Lolo sina Kuya. Habang ang lalakeng kaharap ko naman ay nanatili lamang na kalmado. Titig na titig sya saakin dahilan para mailang ako. Pinapanood ko lamang ang daliri kong pinaglalaruan ang isa't isa.

"Pananagutan mo ba ang apo namin?" nanindig ang aking balahibo hindi lamang sa lamig ng boses ni Lola Carmina kung hindi dahil narin sakanyang sinabi. Pananagutan? Talaga lang ha? "Of course, ma'am. That's why I'm here. I'm here because I am going to take Alziyena home with me." napaawang ang aking labi at nanlaki ang aking mga mata.

Napaangat ako ng tingin at napatayo. Hindi ko alintana ang malamig at seryosong tingin na kanyang binibigay saakin. Gulat ako sa kaalamang kukunin nya ako rito at gulat rin ako sa kaalamang hahayaan lamang ako nila Lolo.

Binalingan ko ang grandparents ko. Agad na nanubig ang aking mga mata sa kaisipang mahihiwalay ako sakanila. No. Hindi ko pa kaya. "Lolo, Lola, hahayaan nyo na lang po ba ako sakanya? Ni hindi ko nga po sya kilala!" I hysterically said. Agad na napabaling si Lolo Dashier saakin at napaatras ako sa intensidad ng kanyang titig. "Hindi mo kilala ngunit nagpabuntis ka? Apo, mahal ka namin. Ngunit hindi nito mababago ang kaalamang nagpabuntis ka sa lalakeng hindi mo kilala. Tama lang na panagutan mo ang iyong kasalanan." napatanga ako.

Para akong sinampal ng realidad sakanyang sinabi.

Matapos ang tagpong iyon ay pinagimpake ako nina Lolo para sa isa nanamang paglilipat. Halos hindi pa nga ako nagiisang buwan rito ay aalis nanaman ako upang sumama sa lintek na lalakeng nakabuntis saakin. Myghad naman.

Naiinis ako na nagtatampo. Hindi ko matanggap na basta na lamang akong ipinapamigay nina Lolo sa isang estranghero. Pero naiinis rin ako sa katotohanang kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ba naman sana ako tanga at nagpabuntis sa lalakeng iyon edi sana walang mangyayaring paglilipat.

Sa oras na makababa ako ay agad na may mga taong nakaitim ang kumuha ng mga bagahe ko. Bahagya pa akong nagulat sa pagdating ng mga ito, ngunit agad rin akong kumalma sa isiping baka tauhan iyon nung lalakeng nakabuntis saakin. Or should I say... Allen?

Nagtungo ako sa kusina para sana kumuha ng ice tea o maiinom pero naabutan ko roon ang apat kong kuya kasama si Allen na masinsinang naguusap. Mas pinili ko na lamang na manatili sa kinaroroonan ko at nakinig sakanila.

"Please take a good care of our sister, she's very precious. May pagka malikot sya, demanding, bossy, at maldita, pero mahal na mahal namin yan." muntik na akong mapaluha sa sinabing iyon ni kuya Dy. I am very much aware how much they care for me. Mga kapatid ko sila kaya kahit mga abno rin sila ay mahal na mahal ko sila. "Always attend to her needs. Buntis ang kapatid namin. Kailangan nya ng taong mauutusan kapag may cravings sya. Please be there for her, lalo na kapag nadapuan sya ng sakit. Gusto nya na may nagaalaga sakanya." napangiti naman ako sa naging habilin ni Kuya Cy.

Hindi ko na naggawa pang magpatuloy na makinig pagkat nilapitan na ako ng tauhan ni Allen at sinabing pumasok na raw ako sa kotse dahil aalis na raw kami. Muli akong sumulyap sa kusina at malungkot na napangiti. Hindi man lang ako makakapagpaalam sakanila.

Sumunod na ako sa tauhan ni Allen. Ng akmang papasok na ako ay nakita ko sina Lola Carmina at Lola Zylene. Nakita ko ang luha sakanilang mga mata bago tuluyang pumasok.

Nang komportable akong naupo ay ipinikit ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagdaloy ng aking mga luha. Siguradong mamimiss ko sila.

****

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon