Kabanata Labing-Isa

30.1K 688 19
                                    

We finally reached at the place Allen called, Safe House. Tapos na ako sa pagiyak at kalmado na din ako ng maipark ng driver ang kotse. Agad akong bumaba at pumasok sa isa Safe House.

Nagulat ako ng makitang may babaeng nakaupo sa salas. Para lang kasing normal na bahay to, ewan ko nga kung bakit tinawag na Safe House. Napalingon saakin ang babae na para bang naramdaman niya na hindi lang siya ang tao sa bahay.

Tumalim ang tingin niya habang pinapasadahan ako ng tingin. Napalunok ako sa kaba at hindi ko naggawang magsalita. Tumayo siya at mabilis na naglakad papalapit saakin. "Who are you?" mataray na tanong niya. Pakiramdam ko nga ay ayaw niyang nandito ako.

Huminga ako ng malalim bago taas noo na sinagot ang kaniyang tanong. "I'm Alziyena." pagpapakilala ko saaking sarili. Dudugtungan ko pa nga sana ito ng ako ang babaeng nabuntis ni Mr. Valdemore. Kaya lang wag na. Baka isa pala to sa mga fangirls ng lalakeng yon at sabunutan pa ako. "And so? Anong pakay mo rito?" tumaas na ang kilay niya.

Nagcross arms siya at akmang magsasalita na ako para sagutin ang tanong niya ng may isa pang babaeng lumabas mula sa kusina. Halos mabuwal naman ako sa pagkakatayo ng mamukhaan ko siya. Shet. Shet talaga! Siya yung babaeng nakita ko sa pictures!

"Allena? Sino yan?" napakalambing ng boses nito na para kang hinehele ng isang anghel. Damn it. Bakit bigla akong nakaramdam ng inggit? Ano na bang nangyayari saakin? Hinarap ng babaeng kaharap ko, na ang pangalan ay Allena, ang babaeng lumabas mula sa kusina. "I don't know, Stel. Bigla bigla lang naman yang sumulpot rito." at binigyan pa ako nito ng tingin na may pagkadisgusto.

Tumingkad ang babaeng tinawag ni Allena bilang Stel, para bang sinisilip ang taong nasa likod ko, which by the way ay ang driver na pinagpahatid ni Allen saakin dito. Nakita ko ang pagtataka sa mata ni Stel habang nakatitig sa driver na nasa likod ko.

"Bakit... bakit kasama niya ang isa sa mga tauhan ni Trigger?" kumunot naman ang noo ko. Trigger? Si Allen ba ang tinutukoy niya? Diba Trigger ang ikalawang pangalan nun? Muling humarap saamin si Allena at nagsalubong ang kilay niya ng tila nakilala niya ang driver na naghatid saakin. "Dose, bakit kasama mo ang babaeng to?" mapanganib na tanong niya at parang handa siyang sakmalin ang driver kung sakali mang magsinungaling ito.

Tumikhim ang driver na tinawag ni Allena na Dose. Umayos ito ng tayo at seryosong tiningnan si Allena. "Madame, his house is currently under attack. This lady here, is bearing the Lord's heir, so he ordered me to bring her to the safe house for her and the baby's safety." natigilan at tila hindi makapaniwala ang reaksyon ng dalawang babae saaking harapan.

Nagtaka ako. Bakit parang napaka-big deal para sa dalawang ito ang marinig na buntis ako sa anak ni Allen? Seriously? Kaano ano ba nila si Allen?

Nagulat naman ako ng magsimulang humikbi si Stel. Sinubukan pa niyang punasan ang luha niya gamit ang dalawang kamay niya kaya lang sadyang ayaw papigil ng mga luha niya. What.. the.. hell. Napano ang babaeng to?

Agad naman siyang dinaluhan ni Allena at pinaupo ito sa sofa. Pilit niya itong pinatahan. "I told you, Lena. Coming back would be useless. His going to have a family now." umiiyak na sabi niya. Napailing na lang si Allena at muling binalikan nito ng tingin si Dose. "Are you sure about this?" madilim ang anyo nito at tila hindi naging maganda ang epekto ng balita sakaniya.

Sinulyapan ako ni Dose bago binalingan si Allena. "A hundred percent sure, Madame."

Habang nagdadamayan ang dalawa ay wala akong naggawa kundi ang tumitig sakanilang dalawa.

----

Napakuyom na lang ang kamao ko habang nakaupo rito sa sofa na nasa sala. Nasa labas si Dose at inaabangan ang pagdating ni Allen habang ang dalawang babae naman ay nasa kwarto na iniistayan ata ni Stel dahil hindi parin ito matigil sa pag-iyak.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Unti unti naring namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ko habang napupuno ng frustration, kaba, at stress ang damdamin ko. Mag ga-gabi na kasi at hindi pa dumadating si Allen. Nagaalala na ako sakaniya.

"Hey." napalingon ako sa pinto at napahikbi ako ng makita si Allen roon. Nakatayo at walang kahit anong bahid ng dugo sa katawan. Napatakbo ako patungo sakaniya at niyakap siya. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng tuluyan siyang makita ng walang kahit isang sugat. "Nakabalik ka." napalunok ako para pigilan ang paghikbi ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin pabalik at ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko. "Just as I promised." aniya at napapikit na lamang ako ng marahan niyang halikan ang tuktok ng aking ulo.

"What a touching scene." natigilan ako at napabitaw naman saakin si Allen. Napatingin ako kay Allena na bumaba mula sa hagdan. May sarkastiko itong ngiti sa labi at pinapahid pa nito ang pisnge na para bang nagpapahid siya ng non-existent na luha. "Thalia." bigkas ni Allen. Napakunot ang noo ko.

Akala ko ba Allena ang ngalan niya? Ba't ngayon naging Thalia na? Nakita ni Allena/Thalia ang kaguluhan sa mukha ko kaya mahina siyang tumawa. "Oh, how rude of me? Anyway, it's Allena Thalia Valdemore, his sister." tinuro pa niya si Allen na nasa likod ko. Wala sa sariling napatango ako. Muli sanang magsasalita si Allena ng sapawan siya ni Allen. "What are you doing here?" seryoso at malamig na tanong nito.

Napahaplos na lang ako sa sarili kong braso ng magtayuan ang balahibo ko sa lamig ng boses niya. Napairap si Allena at nameywang. "Ikaw, bakit wala kang sinabi saakin tungkol sa babaeng to? What is her connection with you? Is she your wife or some sort?" bakas ang pagtataka sa mga mata ni Allena.

Tiningnan ko si Allen na tila hindi man lang na-bothered sa tanong na ibinato ng kapatid niya. Sinulyapan niya lang ako bago muling bumaling sa kapatid niya. "She is carrying my child, Allena." napayuko ako. For some reason ay parang gusto kong umangal sa naging sagot ni Allen. Napailing na lang ako at tinanggal ang isiping iyon saaking utak.

"Yun lang ba?"

****
A/N; It's been 84 years... CHAROT. AHAHAHAHA

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon