Kabanata Labing-Pito

24K 571 11
                                    

Nagising ako ng mabigat ang pakiramdam, ramdam ko rin ang pamamaga ng mga mata ko dala ng pag-iyak ko kagabi.

Napabuntong hininga na lang ako habang inaalala ang mga nangyari. Parang gusto ko uling umiyak. Pero bigla kong naalala na nahimatay nga pala ako kagabi sa kakatakbo sabayan pa na buntis ako at umiiyak ako.

Sinipat ko ang kabuoan ng kwartong kinaroroonan ko. Halos purong puti lamang ang kulay na nakikita ko. Akma na akong tatayo para sana lumabas ng bumukas ang pinto at bumungad rito ang isang maamo at inosenteng mukha ng babae.

Hawak niya ang isang tray na may lamang pagkain at inumin.

"How are you feeling?" malambing ang boses na tanong niya. Hindi ko nagawang makasagot dahil punong puno ng katanungan ang utak ko ngayon.

Inilapag niya ang tray sa night stand na nasa gilid lang ng kamang hinihinigaan ko. Umupo siya sa kama saka hinawakan ang kamay ko.

"My name is Jennifer. But you can call me Jeni." pakilala nito sa sarili na muli ay hindi ko nabigyan ng tugon. "Nakita kitang nahimatay sa gilid ng kalsada kagabi. Nagaalala ako lalo na at buntis ka pa, baka mapano ka kaya isinakay na kita sa kotse ko." sabi pa niya na bahagyang nagaalinlangan.

Kaya pala nandito ako ngayon sa isang kwarto kaharap ang babaeng to ngayon. Tumango lang ako sakaniya saka nag-iwas ng tingin. I still don't feel very well.

Nakita ko ang pagkislap ng mata niya sa pagaalala. "Ayos ka lang ba talaga? Baka mamaya may problema na saiyo o di kaya sa baby mo." himig ko ang pagaalala sa tono ng boses niya.

Napahawak ako sa tiyan ko at napako roon ang tingin ko. Dala ng sakit na naramdaman ko kagabi, nakalimutan kong nagdadalang tao pala ako. Na nasa loob pala ng sinapupunan ko ang baby boy ko.

Nang ibalik ko ang tingin sakaniya ay nakita ko ang pagsilay ng ngiti sakaniyang labi. It was the softest smile that I received.

"Wag kang magalala, papunta na rito ang fiancé ko. Pagdating niya ay dun tayo sa kotse niya sasakay at pupunta agad tayo sa ospital." pag-alo niya sakin habang marahang pinipisil ang kamay kong hawak niya.

Somehow, I calmed down ng marinig ang sinabi niya. Inalalayan niya akong makaupo sa kama at inilagay niya sa kandungan ko ang tray ng pagkain. Siya na rin ang nagsubo saakin ng pagkain na para bang imbalido ako.

Nang maubos ko ang pagkain ay nagpaalam siya saakin na ilalagay muna niya ang tray sa kusina niya at maghuhugas na muna siya. Habang hinihintay siyang matapos ay unti unti akong dinalaw muli ng antok.

Matutulog na siguro muna ako.

———

Nagising ako sa ingay na parang may naguusap. Tiningnan ko ang aking paligid at doon ko napagtantong nasa Hospital ako. Hinanap ko naman ang pinanggalingan ng ingay ng paguusap na naririnig ko.

Galing pala iyon sa apat na lalakeng nakatalikod mula saakin na tila ba nagaaway. Kumunot ang noo ko. Parang pamilyar saakin ang mga bulto nila.

"Kuya?" bulalas ko.

Sabay silang apat na lumingon saakin. Nagsimulang magluha ang mga mata ko ng makumpirma ko ang hinala ko. "Kuya... mga kuya ko." nagsimula akong umiyak.

Tila dahil sa presenya nila ay nagkaroon ako ng pakiramdam na umiyak ng umiyak at magsumbong sakanila. Na sabihin sakanila na nasasaktan ako, na durog na durog yung puso ko, na... yung lalakeng minamahal ko ay ipapakasal na sa iba.

"Shh.. don't cry princess." pagaalo ni Kuya Cyper saakin habang yakap ako. Hawak naman ni Kuya Dylan ang kamay ko, habang hinahaplos ni Kuya Zleandro ang likod ko. Si Kuya Aljur naman ay marahang tinatapik ang paa ko na ginagawa niya saakin dati nung bata ako upang patahanin ako o kapag hindi ako nakatulog.

God.. I'm so blessed to have them by my side. "Sinong nanakit sa Prinsesa namin?" marahang tanong ni Kuya Dylan, bakas ang pagaalala sakaniyang mga mata.

I couldn't make out words to answer him as memories from last night flashed through my mind. "I.." I started, but I couldn't seem to finish it.

"It's okay, it's okay. Calm down, sweetheart." pagpapakalma ni Kuya Andro saakin habang marahang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko.

Dahan dahan akong kumalma. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. "Okay ka na? Kalmado ka na ba?" ani Kuya Aljur. Tumango ako ng may tipid na ngiti sa labi.

Dahan dahan silang humiwalay na apat saakin at pumwesto sa harap ko ng may pare-parehong posisyon na nakapamulsa at parehong ekspresyon na seryoso na tila ba handa na silang pumatay.

"Para naman kayong nagpo-photo shoot niyan eh." maktol ko habang nakanguso ako. Pareho lang na tumaas ang isang kilay nila na tila ba naiinip na sila sa paghihintay ng sasabihin ko. Napabuntong hininga na lang ako at umiwas ng tingin sakanila.

"Ikakasal na siya sa iba.."

Napalunok ako at napatingala upang pigilan ang mga luhang nais pumatak.

"Ang sakit kasi... kasi buntis ako at siya yung ama, tapos ngayon pa na may nararamdaman na ako para sakaniya." hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. "H-hindi ko alam kung sadyang ganito lang.. o talagang pinaglalaruan ako ng tadhana." humikbi ako.

"Pakiramdam ko.. bumalik nanaman yung sakit nung mga panahong mas pinili ng mga magulang ko yung isang kapatid ko gayong anak rin naman nila ako." napalunok ako. "Ang kaibahan lang.. walang ibang sumalo saakin gaya ng nangyaring pagsalo niyo at nila Lolo sakin nung mga panahong yon."

Pinunasan ko ang luha ko at dahan dahang humarap sakanilang apat. "Pwera kasi sainyo at kina Lolo ay siya yung nagparamdam saakin ng pagmamahal na hindi ko naranasan mula sa mga magulang ko." isang ngiti ang sumilay saaking labi ng maalala ko ang mga pinagsamahan namin sa loob ng ilang buwan.

Napayuko ako at nilukomos ko ang kumot na nakalagay saaking mga binti. Ramdam ko ang sakit ng pagkawasak at pagkadurog ng puso ko dala ng isiping, ibang babae ang pakakasalan ng lalakeng mahal ko. Pakiramdam ko tinalikuran ako ng buong mundo.

Pakiramdam ko, nalulunod ako at wala man lang gustong tumulong saakin. Pakiramdam ko, ako na lang mag-isa ang may kayang pasayahin ang sarili ko.

"Tinalikuran na nga ako ng mga magulang ko, kailangan ko pang isuko yung lalakeng minamahal ko."

*****

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon