Pinapanood ko lang ang kulitan nilang walo habang ako ay nakaupo sa sofang pang-isahan at umiinom ng gatas na nirekomenda ng doktor na nagcheck saakin.
Hawak ko ang isang libro na kanina lang ay binabasa ko pero ngayon ay bigla akong nawalan ng gana. "Alziyena! Come! Join us." aya saakin ni ate Felicia, ang fiancè ni Kuya Andro. Inilingan ko siya.
"Hindi rin naman ako makakasabay sainyo." just because I am on my way to the 7th month of my pregnancy. Malaki na rin ang tiyan ko dahilan para mag-maternity dress ako.
"Ang laki na talaga ng tiyan mo, ano?" nakangiting komento ni ate Nicole, ang fiancè naman ni Kuya Cyper. Napahaplos ako sa tiyan ko at nakangiting tumango.
Lumapit saakin si ate Agathe at tiningnan ang tiyan kong malaki na. "Para kang nakalunok ng pakwan, Zizi." napatawa ang lahat ng marinig ang sinabi ni Ate Agathe.
Inakbayan siya ni Kuya Jur at ginulo ang buhok niya na siyang ikinasimangot ni Ate Agathe. "Alam mo na ba ang gender?" tanong ni Kuya Dylan saakin at kinuha ang hawak kong baso na wala ng laman.
Ngayon ay nakatutok na ang kanilang mga mata saakin. Ngumisi ako. "Oo, pero di ko muna sasabihin." sambit ko. Napasimangot ang mga babae habang napa-angal naman ang mga kuya ko.
"Wag kayong atat, magpapa-gender reveal pa ako." natatawang ani ko kahit na unti unti akong nababalot ng lungkot sa loob loob ko. It was supposed to be Trigger whom I should surprise with our baby's gender. But... "Mga kuya at ate, sa kwarto lang muna ako ha?" paalam ko.
Tango lang ang isinagot nilang walo saakin. Agad akong nagtungo sa kwarto at kinulong ang sarili ko doon. Alam kong bawal akong mastress lalo na at muntik pakong makunan.
Pero di ko lang kasi maiwasang malungkot dahil sa mga nasayang na memories namin ni Trigger. Although di kami matagal na nagkasama ay napalapit naman ako sakaniya. Sobrang napalapit sakaniya.
Nagsimulang tumulo ang luha ko at kumawala ang mga hikbi sa bibig ko.
It's sad how he promised me that I will be the only woman whom he'll marry. But.. it just doesn't work that way.
Natigilan ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. Nang lumingon ako roon ay bumungad saakin sina Lolo Alfredo at Lola Carmina. They were both smiling at me while Lola showed me the key.
Ni lock ko kasi ang pinto.
Ibinulsa ni Lola ang susi at sabay silang lumapit ni Lolo saakin. Agad akong niyakap ni Lola na siyang dahilan para muli akong maiyak.
It just felt so comfortable in her arms. It makes me want to just let it all out.
"Princess, we heard everything from your brothers." wika ni Lolo habang hinahaplos niya ang aking buhok at hinahalikan ang tuktok ng aking ulo. "I'm so sorry about what happened iha, if we only knew." malambing ang boses ni Lola na mas lalo ko lamang ikinaiyak.
Nanatiling tahimik sina Lolo at Lola sa mga sumunod na minuto hanggang sa tumahan ako. Humiwalay silang dalawa saakin saka nila ako nakangiting iniharap sakanila.
Nagtaka ako ng tumayo si Lola at kinuha ang hair brush na nasa vanity mirror ng kwarto ko. Nagtungo siya sa likod ko at sinuklay ang buhok ko. Hinayaan ko na lang siya at nanatiling tahimik.
"Apo, alam mo bang sa iba itinakdang ikasal ang lolo mo dati?"
Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Lola. Nagulat rin ako maging sa mga salitang sinabi niya.
Natawa si Lolo at napakamot sa ulo niya. "Iyon ba? Naaalala mo pa pala iyon, Carmina." ani Lolo. Napakunot naman ang noo ko. "Talaga bang sa iba dapat ikakasal si Lolo noon Lola?" di makapaniwalang tanong ko.
Doon naman natawa si Lola. Nagpatuloy siya sa pagsuklay ng buhok ko habang nagsimula siyang magkwento.
"I came from a poor family. Ayaw saakin ng parents ng Lolo mo since ayun na nga, mahirap lang kami." bumuntong hininga si Lola. "Mahirap. Sobrang mahirap. Pinaglaban namin ang meron kami pero dahil na rin sa sobrang pagkatutol ng mga magulang niya, wala ring nangyari."
Napalunok ako as I imagined myself in Lola's situation. It feels like we are in the same page in what happened to us both.
Marahang hinaplos ni Lola ang buhok ko.
"It was painful. Masakit ang mawalay sa Lolo mo lalo na sa kaalamang ikakasal na siya sa iba, sa babaeng dati rin ay minahal niya. Just like what is happening to you right now, nahihirapan, nasasaktan, lihim na umiiyak at hinihiling na sana panaginip lang ang lahat." I started to tear up.
Marahang iniharap ako ni Lola sakaniya saka hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako mata sa mata habang unti-unting humihigpit ang hawak niya sa kamay ko ngunit ang higpit niyon ay hindi sapat para saktan ako.
"I was losing hope. Bukas na ang kasal nila at wala man lang akong maggawa kundi ang tanggapin ang katotohanang hindi na nga kami ang magkakatuluyan ng Lolo mo." kahit sobrang sakit ng kwentong kinekwento ni Lola, ngumiti siya saka hinaplos ang pisnge ko. "But did you know what I did apo?"
Mabilis akong umiling sa naging tanong saakin ni Lola. Her smile grew wider as Lolo reached her for a hug. Watching them makes my heart warm for they prove me so much about love.
"Hindi ako sumipot sa kasal namin. Mahigpit ang naging pagtutol ko at binalaan ko ang mga magulang ko na papatayin ko ang sarili ko sa oras na sa ibang babae nila ako ipakakasal." pagpapatuloy ni Lolo sa kwento ni Lola. Natawa si Lola. "Nagtiwala ako sakaniya. Nagtiwala ako sa Panginoong Diyos at sakaniyang mga plano saamin."
I looked at my Lola intently. I don't understand. I don't get it.
Napayuko ako. Hindi ko maintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin ni Lola sa mga sinasabi niya. It feels so ridiculous to me. Ni hindi ko nga alam kung pareho ba kami ng nararamdaman ng lalakeng yun.
"Honey, what we are trying to say is... believe in Him. Kasi apo kapag kayo talaga, God will find a way to bring you back together. Just trust, okay Princess?"
Muling umangat ang tingin ko kina Lolo at Lola habang unti unting nabubuo ang isang ngiti sa labi ko at ang dahan dahan kong pagtango.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang apat kong kuya. Nagtaka ako ng parang may tinatago si Kuya Dylan sa likod niya.
"Kuya ano yan?"
Ngumisi siya saakin saka inilabas ang box na tinatago niya. Nagaalinlangan na tinanggap ko ito at dahan dahan itong binuksan.
I was shocked and I couldn't move.
The room was filled with a little puppy's barks as it ran around the room. I started to tear up as I looked upon my brothers.
I sobbed making them laugh. It was always my dream to have a dog husky. And my brothers.. my jerky little brothers just granted my wish.
"Thank you."
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...