Kabanata Labing-Tatlo

30K 802 37
                                    

"Trigger!"

Agad namang sumulpot sa harap ko si Trigger. Napangiti ako ng alalayan niya ako pababa ng hagdan. Dahan dahan akong humakbang pababa habang marahang nakahawak sa may umbok ko ng tiyan. Malaki-laki na rin siya lalo na at nasa ikalimang buwan na ako ng pagbubuntis ko.

"Mag-iingat kayo roon ha? Alger, ingatan mo itong si Cassidy doon." napangiti ako sa saad ni Manang. Tipid na ngiti at tango lamang ang binigay ni Trigger sakaniya.

Hanggang sa pagsakay sa sasakyan ay naka-alalay parin si Trigger. Hindi ko siya naggawang suwayin lalo na at nagugustuhan ko rin naman. Hinayan ko na lamang siya habang tinuturing niya akog imbalido kung alalayan niya.

Nang kumportable na akong nakaupo sa sasakyan ay saka lamang niya ako hinayaan.

These past few months ay mas naging close kami ni Trigger, hinayaan na nga niya akong tawagin siya sa ikalawang pangalan niya. Ganun din naman ako sakaniya, hinayaan ko na silang dalawa ni manang na tawagin ako na 'Cassidy.'

Ngayon ay papunta na kami sa OB ko para magpa-check up, syempre para sa pagbubuntis ko. Para naman masiguro namin na okay lang si baby diba?

Ilang minuto lamang ay narating namin ang hospital, parehas rin na hospital kung saan ako nagpa-check up dati. Inalalayan ako ni Trigger pagbaba ko ng kotse. Hindi ko itinago sakaniya ang matamis kong ngiti.

Mahina lamang siyang tumawa saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Hinanap namin ang parehong doktor na tumingin sakin noong ako lang mag-isa ang pumunta, agad din namang may nag-assist samin na nurse patungo sa opisina ni Doktora Zera. Nang makapasok kami ay isang ngiti ang sinalubong saamin ng mabait na doktor.

"Kumusta, Miss Buenaventura? How is your pregnancy going?"

Namula ako sa naging tanong ni Doc. Napaiwas ako ng tingin at napasubsob sa matigas na dibdib ni Trigger. "And oh! Who is this? Asawa mo ba?" gumuhit ang saglit na kaguluhan at pagtataka sa mukha niya. Malamang ay nagtataka kung bakit miss parin ang nilagay ko sa form gayong may 'asawa' kuno ako. "Uh hindi po, Doc. Ahm.. pano ko ba sabihin to?" napaisip ako. Kasi naman eh.

Inabot ni Trigger ang beywang ko saka ako hinapit palapit sakaniya. Isang tipid na ngiti ang binigay niya. Inabot niya ang kamay niya kay Doktora, nago-offer ng isang handshake. "I am Allen Trigger Valdemore, Doc. Cassidy's boyfriend." gulat kong nilingon si Trigger sa naging introduction niya.

He gave me a sideway glance then winked at me. Napairap na lang ako saka napailing. Mamaya ko na nga siya i-interview-hin. "Kaya naman pala. Oh well, let's start the check up, shall we?" nginitian ako ni Doktora bago inabot saakin ang isang hospital gown. "Ayan. Magpalit ka muna para mas madali pag iu-ultrasound na kita."

Tinanguan ko si Doktora saka pinabitaw na si Trigger sakin para makapagpalit. Hinayaan narin naman niya ako saka naupo na sa isa sa mga upuan roon para doon maghintay. Madalian akong nagbihis at paglabas ko ay naabutan ko si Trigger na kabababa lang ng cellphone na para bang kakatapos niya lang makipagusap mula dito.

Inilalayan ako ni Doc. na mahiga sa higaan. Inabot ko ang kamay ni Trigger para hawakan ito. Bahagya akong kinakabahan at bahagya ring nae-excite. He intertwined our fingers as he gave my hand a light kiss.

Kumuha siya ng upuan saka naupo katabi ng kama ko. Sa tiyang banda ko lang binuksan ni Doc ang hospital gown. She gently smiled at me as she applied a gel on my tummy. Bahagya pa akong napaigtad sa lamig na taglay nito. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Trigger ng lumitaw na sa screen ang baby.

Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya ng maluha ako habang nakatitig sa monitor kung saan makikita ang unborn baby namin.

He caressed my back as he was kissing the top of my head, making me feel calm. I silently wished to myself that moments like this would last...

----

"Trigger..." inaantok na tawag ko sakaniya ng maggising ako sa kalagitnaan ng gabi. Kumunot ang noo ko ng makarinig ng ingay ng mga taong naguusap mula sa ibaba, mula sa sala.

Dahan dahan akong bumaba sa kama lalo na at may kalakihan na ang tiyan ko. Hawak ang tiyan at suot ang isang manipis na robe ay lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Akmang papunta ako ng sala ng marinig ko ang pinaguusapan nila.

"Fuck it, Dad! No! Hindi ako papayag!"

I was shocked to hear Trigger speak in tagalog for the first time. Bahagya akong sumilip sa sala. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang di pamilyar na matandang lalake at isa ring matandang babae. Kasama nila ang kapatid ni Trigger na si Allena na nakilala ko noong una akong dumating dito.

Nanatili akong nakatayo doon habang pinapanood sila at pinapakinggan ang pagbabangayan nila. "Son, you're gonna spend your whole life trying to protect that woman? Ganon ba ang gusto mo, ha? Allen Trigger?" sinabunutan ni Trigger ang sarili na tila ba nawawalan na siya ng pasensya. "And what do you think Dad? Mas giginhawa ang buhay ko kapag pinakasalan ko si Stella? Hindi, Dad! Pareho parin naman ang mangyayari. Kaya pwede ba? Stop this now!"

Napaigtad ako sa biglaang pag-abot niya ng isang vase at pagbasag nito. Pinigilan ko ang sarili ko sa paglapit sakaniya para pakalmahin siya. "Allen anak, intindihin mo na lang ang Dad mo, ayaw niya lang isugal ang buhay mo para sa isang babaeng wala namang kwenta."

Napasinghap ako. Nangilid ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Parang alam ko na kung ano ang pinaguusapan nila. "Mom! That woman... is the love of my life. You know what I've been through just to have her. She is carrying my child, Mom. I can't abandon her just like that when I promised her that I, will be a good father, and soon, a husband to her."

Tuluyan ng kumawala ang mga luha saaking mga mata habang pinakikinggan ang bawat salita ni Trigger.

Natahimik sila doon sa sala. Nagkatinginan ang parents ni Trigger na tila ba pinagiisipang mabuti ang sinabi ng kanilang anak. Bumuntong hininga ang ama ni Trigger saka ito tumayo at tinapik ang balikat ng kaniyang anak.

"I understand you, son. Do you really love her that much?"

"No, Dad. I love her more than you think I do. Just please, let me be happy with her."

****

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon