"You sure you're gonna be okay?"
"A hundred percent. Just trust me, okay?"
May pagaalinlangan parin sakaniya ngunit sumingit na sina Nea at pinilit na ipinaintindi kay Trigger na walang masamang mangyayari saakin dun, na maguusap lang naman kami ng mga magulang ko.
Napailing na lamang ako saka napaangat ang tingin sa malaking bahay sa harap ko. I can feel my tears forming in the corner of my eyes as I felt nostalgia. Pakiramdam ko ang tagal ko ng hindi nakakabalik dito.
"Handa kana girl?" nilingon ko si Doll na siyang agad na umabresta saakin. Napangiti ako saka napatango. "Ready as I'll ever be." confident na sabi ko.
Nagkatinginan kaming tatlong magkakaibigan saka nilapitan na ang malaking wooden double door. Inabot ni Alehya ang door bell saka pinatunog ito.
Mabilis ang naging pagresponde ng maid at agad nitong nabuksan ang pintuan. Nanlalaki naman ang kaniyang nga mata ng makita ang mukha ko.
"Ma'am Alziyena! Bumalik po kayo!" her eyes started to tear up. Maging ako rin ay nagsisimula ng maiyak. Miss ko na rin ang ibang mababait na maid na nandito sa tahanan. "Ako nga, Nenang. Ahm.. nandiyan ba sina Mommy at Daddy?" ang naging balik ko kay Nenang.
Mabilis na tumango si Nenang. "Opo opo, pasok po kayo." pag-giya niya saamin papasok.
Humigpit ang pagkaka-abresta saakin ni Doll at humawak naman ng mahigpit sa kamay ko si Nea na siyang katabi ko. Ramdam ko ang pamamawis ng palad ko at ang panlalamig ng paa ko.
"Everything will be fine." mahinang bulong saakin ni Alehya na siyang nasa likuran ko. Nilingon ko siya saka tipid na tinanguan.
Dinala kami ni Nenang, ang maid na siyang pinagbuksan kami, sa library ng bahay. Oo, may library ang bahay nato. Hindi man kasing laki o gara ng mala-palasyong tahanan ni Trigger ay sapat na ang laki nito para masabi mong nakakaangat kami sa buhay.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng tuluyan ko ng makaharap ang mga magulang ko. Their faces were showing expressions of disbelief as they stared at me.
Nagpaalam naman sina Nea na maghihintay saakin sa sala, ganun din si Nenang na siyang nagpaalam na may gagawin pa.
Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Mom, Dad." tawag ko sakanila at isang marahan na ngiti ang sumilay saaking labi.
It is still painful.
Ramdam ko parin ang mga nakakadurog sa sakit na mga salitang sinabi nila saakin. Naalala ko parin ang bawat araw na itinuturing nila akong parang hindi nila anak. Na para bang pinamumukha nila saakin na wala akong halaga.
Yet, I found myself smiling.
Maybe because without their hurtful words and painful treatments, I would not be who I am today.
"Alziyena.. a-anak." mas lalo naman akong napangiti sa itinuran saakin ni Mommy. Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Narito po ako para po sana imbitahan kayo sa kasal ko.. maari po ba yun?"
Napasinghap at natulala naman sila.
Yumuko ako saka hinaplos ang malaking umbok ng aking tiyan. Napangiti ako ng maramdaman ang pagsipa ng baby ko.
"Gusto ko lang sana ho na maranasan yung nararanasan ng ibang mga babae na kinakasal, yung ilalakad ka ng mga magulang mo patungo sa altar kung nasaan ang lalakeng iniibig mo."
My Mom started to tear up.
Bago ko pa man madugtungan ang sinasabi ko ay dinamba ako ng yakap ni Mommy, ngunit may kalakip paring pagiingat doon lalo na at buntis ako at nalalapit na ang araw ng panganganak.
Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at halos gusto kong maiyak habang nakatitig sakaniyang mga matang lumuluha. Puno ito ng pagsisisi na siyang mas lalong dumudurog ng puso ko.
"Anak.. mahal kita. Mahal na mahal ka ni Mommy." nagsimulang tumulo ang luha ko. "Pasensya na sa mga pagkakamali ko, sa mga pagkukulang ko sayo bilang Ina mo. Anak naging makasarili si Mommy eh.. hindi niya tinanggap na hindi lang isa ang babaeng anak niya."
I was starting to sob. Hindi ko inaakalang darating ang araw na maririnig ko ang mga salitang ito sa mismong mga magulang ko, at mas lalong di ko inaakalang makakausap ko sila ng ganito.
Hinaplos ni Mommy ang buhok ko. "Hindi ko alam.. hindi ko alam na darating sa puntong mawala ka pa sa puder namin ng Daddy mo bago ko mapagtanto ang mga pagkakamali ko." she gently smiled at me and pinched my reddening cheeks. "Hindi ko deserve ang isang anak na tulad mo.. isang anak na pilit na inintindi ang pagkukulang ng mga magulang niya. Isang anak na.. na sa kabila ng mga pasakit na ibinigay namin sakaniya, nanaig ang pagmamahal niya saamin bilang mga magulang niya."
And that day.. I cried a river in the arms of my parents.
—one month later—
I stared at the two families happily mingling with each other.
Pagkatapos kong maayos ang relasyon ko sa parents ko, sunod ko namang inayos ang relasyon namin ng kakambal ko. Sinabi namin ang mga sekretong hinaing namin sa isa't isa at di kalaunan ay nagkasundo rin naman kami.
Sunod naman ay inayos ko ang relasyon sa pagitan ng parents ni Trigger, at saakin. It was kind of hard though since meron paring tinatagong pagkadisgusto saakin ang Ina ni Trigger. But eventually, tinanggap na rin naman niya ang fact na ikakasal na kami at magkakaanak na. She even volunteered to help me, my friends, and my brothers' fiancées to organize today's baby shower slash gender reveal.
And now? Masaya akong nakikitang nagkakasundo ang dalawang pamilya. Ang pamilya ko, at ang pamilya ni Trigger. Napakasaya sa pakiramdam na ikakasal kaming dalawa ng may basbas ng pamilya ng isa't isa.
I was pulled out from my thought when strong arms were wrapped below my belly.
Napangiti na lang ako. "Anong problema? Hmm?" malambing ang boses na tanong ko sa mapapangasawa ko na siyang yumayakap saakin ngayon mula sa likod. Napatawa ako ng ibaon niya ang kaniyang mukha saaking leeg na siyang kumiliti saakin. "I'm tired. There are too many visitors."
Napailing na lang ako at hindi nagsalita.
Ang totoo niyan hindi naman ganun kadami ang dumalo sa gender reveal party ng baby namin. Andiyan yung mga closest friends namin, yung brothers ko kasama ang fiancées nila, yung grandparents ko, tapos yung families namin.
Sadyang kanina lang talaga siya binibigyan ng matatalim na tingin ng mga kuya ko.
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...