Napangiti na lang ako habang nakatingin kay Trigger at sa tatlong wedding planners na seryosong naguusap. Nandito kami sa isang beach ngayon na siyang napili ko out of three na pwedeng pagdausan ng kasal.
Napabuntong hininga na lang ako habang inililibot ko ang tingin sa magandang lugar. It is almost sunset at napakaganda nga namang tingnan ang paglubog ng araw na siyang magiging highlights ng kasal namin ni Trigger.
It felt so surreal. Para paring panaginip ang lahat.
Nakaupo lamang ako sa isang duyan habang marahan itong pinapagalaw upang di ako gaanong mahilo. Nakuntento na ako sa kakapanood kina Trigger at sa mga wedding planner.
Tapos na rin naman na ako kanina dahil ako lang naman ang pumili ng color motif, ng theme, ng mga bulaklak, lights, and other things na siyang magiging malaking parte ng kasal.
Makakatulog na sana ako dahil sobrang kumportable ko lang naman sa kinahihigaan ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
(Insert: iPhone Ringtone)
It was from Alehya, one of my bestfriends.
["Nandito na kami, nasan ka ba?"] bumungad saakin ang may pagkamataray na boses ni Alehya sa kabilang linya. Mahina na lamang akong napatawa. "Nandito ako sa duyan, malapit sa dagat." sagot ko sakaniya habang dahan dahan akong tumatayo.
Nakita ko naman ang pagsulyap ni Trigger sa kinaroroonan ko. I smiled at him and winked making him chuckle. ["Oh, yeah, I see you. Ikaw ba yang naka-blue dress na buntis?"] narinig ko ang boses niya di kalayuan saakin kaya nilingon ko kung saan sa tingin ko ito nanggagaling.
Napangiti ako ng makita ko na nga siya. I waved at her ganun din siya maging sina Nea at Doll na siyang kasama niya. Ibinaba na niya ang tawag saka sila mabilis na nagtungo sa kinaroroonan ko.
"Hello buntis." ngising ani ni Nea saka ako niyakap. Napatawa ako sakaniyang naging pagbati. "Blooming ah." turan naman ni Doll na siyang sunod na yumakap saakin.
"Nagagawa ng may mala-fafa'ng fiancee." I laughed at Alehya's remark. "Grabe kayo saakin. Bahala kayo diyan di kayo invited sa kasal ko." kunwari ay nagtatampong ani ko.
Naglabas si Nea ng isang maliit na kulay puting kahon na may asul na ribbon. "Pwede bang absent ang maid of honor at bridesmaid mo?" balik saakin ni Nea habang inaabot saakin ang munting regalo. "Oh ayan, gift ko sayo from Italy." she sheepishly smiled at me.
Dumungaw naman sina Alehya at Doll na halatang namamangha sa ginawa ni Nea. "Unfair, may suhol si Nea." malakas na tinawanan lang sila ng huli at inilabas pa nito ang dila na para bang isang bata.
Naiiling na binuksan ko na lamang at box at napasinghap ako ng makitang isa itong puting mittens. "Neaaa~" naiiyak na tawag ko sa ngalan niya na siyang ikinatawa niya. "Binili ko talaga yan para saiyo, soon to be mommy. Ipagamit mo yan kay baby ah?" ngingisi-ngising ani niya.
Kinuha naman mula saakin ni Doll ang regalo ni Nea. "Ang cute.." tila nanggigigil din na sambit ni Doll. "Oo nga pala Ziena, may mga gifts din ako na pinamili kanina bago ako nagpunta dito. Para rin iyon sa baby mo."
Natouch naman ako. Ngayon palang nakikita ko na ang hinaharap na magiging spoiled talaga ang baby boy ko mula sa ama niya papunta sa mga Ninang niya, isali na rin niya ang mga apat niyang tito na mga kuya ko, maging ang great grandparents niya na siyang sina Lolo Dashier.
Nagkakatuwaan kaming magkakaibigan ng makaramdam ako ng brasong pumaikot sa bewang ko. Naramdaman ko rin ang isang paghalik sa tuktok ng ulo ko na siyang nagpatigil sa mga kaibigan ko.
"Sana all."
"Painggit masyado Alziyena."
"Patikim naman ng magandang buhay bes."
Mahina akong napatawa sa mga kaibigan ko. Kahit kailan talaga mga lokaret tong mga to. "The invitations, love." ani Trigger saka inabot saakin ang tatlong kulay peach na invitations. Agad ko rin naman itong tinanggap.
Isa isa ay binigyan ko ang mga kaibigan ko. "Kailangan niyo yan para makapasok, tsaka andiyan na rin yung program mula sa kasal hanggang sa reception para di na kayo mahirapan. Ineexpect ko kayo dun ah." nakangiting sabi ko.
Mahina namang hinampas ni Alehya ang braso ko. "Of course girl, ano ka ba? Dadalo kami kasi kami ang bridesmaid tsaka maid of honor." kanina ko pa naririnig iyan sakanila na para bang sigurado sila na sila talaga ang bridesmaid at isa sakanila ang maid of honor. Which is, tama naman, haha.
"Speaking of maid of honor, sino nga ba samin ang maid of honor mo?" takang tanong ni Nea saakin pagkatapos buklatin ang invitation. Nagkibit-balikat naman ako. "Ewan ko, bato-bato pick kayo kung trip niyo." balik ko sakanila.
Nagkatinginan silang tatlo. "Are you being serious right now, Alziyena?" di makapaniwalang bulalas ni Doll. Nginisihan ko siya saka tumango tango. "Di ako magpapatalo, dali bato-bato pick tayo."
And because of that.. my whole morning just became chaotic.
———
"How about your family, Alziyena. Hindi mo ba sila iimbitahin?"
"Yes, of course, invited din sila. Napadalhan ko na ng invitations yung apat, maging sina Lolo at Lolo—"
"No, Alziyena. What I mean is.. yung parents mo. Pati yung kakambal mo."
Natigilan ako sa biglaang pagbanggit ni Alehya sa parents ko maging sa kakambal ko. To be honest? Hindi parin ako sure kung iimbitahin ko nga sila.
Tumikhim si Nea. "Alzamira is coming home, 'ya know. Tsaka I heard dito na rin siya magse-stay sa Philippines for good." pagbabahagi niya saka sumubo sa bibig niya.
Napabuntong hininga naman ako. "Hindi ko alam.. hindi rin ako sure kung iimbitahin ko nga ba sila." makatotohanang sagot ko. There's no point in lying. Seryoso akong binalingan ni Doll. "They are still your family, you know? Why don't you try reconciling with them, once and for all? Nang magkaroon ka naman ng matiwasay na kasal. At alam mo.. magiging mas masaya ang kasal mo kung yung Mommy at Daddy mo mismo ang maghahatid saiyo sa altar." Doll's words hit me.
Tama naman siya.. malaking parte ng buhay ko sina Mom at Dad, maging si Mira kahit nga lagi kaming magkaaway nun. And besides.. part of me also wants to experience what every bride do, yung parents mo mismo ang maghahatid saiyo sa altar.
Yung maririnig mo ang mga paalala nila sa magiging asawa mo, na wag kang saktan at dapat ay ingatan ka dahil sakanila, mahalaga ka. I want to hear all of those.. from my parents.
Pero judging sa mga naging reaksyon nila nung nabuntis ako? I don't know if they can even accept the fact that I am getting married at the age of 21.
(A/N: Okay I don't know kung namention ko na ba kung ilang taon na si Alziyena pero please do correct me if I'm wrong. Napakamakakalimutin ko na kasi, HAHA)
"Hindi ko alam.." yamot na sabi ko habang nakatitig sa plato ko.
Hindi pa rin kasi nawawala yung sakit ng mga salita nila habang pinapagalitan nila ako at kinukumpara sa paborito nilang anak. Nakita ko naman ang pagtitinginan nilang tatlo.
Marahang inabot ni Nea ang kaniyang kamay saakin saka marahan itong hinawakan.
"It's okay Alziyena.. give it time. Sana lang ay wag kang magsisi kapag gagawa ka na ng desisyon."
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...