Tahimik kaming lahat at nilalaro ko na lamang ang aking mga daliri sa sobrang kaba. Kasama ko ang mga kaibigan ko pati narin si Kuya Dylan. Si kuya Dy ang nagda-drive habang nasa front seat ako at nasa back seat ang mga kaibigan ko. Seryosong seryoso ang mukha ni kuya habang nagda-drive.
"Nandito na tayo." anunsyo nya ng maitigil nya ang sasakyan sa harap mismo ng hospital. Agad bumaba ang mga kaibigan ko at akmang bababa narin ako ng pigilan ako ni Kuya Dy. "Bakit, kuya?" tanong ko.
Bumuntong hininga sya at hinawakan ang likod ng ulo ko at mas nilapit sakanya. Hinalikan nya ang noo ko. "Ipapark ko lang yung kotse. Susunod ako sainyo." sambit nya. Tumango ako at lumabas na ng kotse.
Nakita ko ang mga kaibigan ko na naguusap habang hinihintay ako. Agad ko silang nilapitan at inaya na para pumasok sa hospital. Pumayag naman agad sila at pumasok na nga kami. Lumapit kami sa reception at binati agad kami ng nurse na naroon.
Tinanong nya kami kung anong doktor ang kailangan namin at agad naming sinabi na kailangan namin ng doktor para sa mga buntis. Agad syang nagbanggit ng pangalan ng doktor at itinuro saamin ang daan patungo sa opisina nito.
Hindi naman kami natagalan dahil nasa ground floor lang ang doktor na tinutukoy nung nurse. Kinakabahan talaga ako at mas lalo lamang itong lumala ng buksan namin ang pintuan ng opisina ng doktor. Bumungad saamin ang isang babaeng doktor na may kinakalikot ata sa loptop nya.
Tumikhim naman si Nea para makuha ang atensyon nito. Nag-angat ito ng tingin at agad na ngumiti ng malaki saamin. Tumayo sya at sinarado ang loptop nya saka nilapitan kami. Agad nyang inilahad ang kanyang kamay. "Hi. I'm Doctora Zeraphine Sanchez. Doc. Zera na lang." pakilala nya. Agad ko namang tinanggap ang pakikipagkamay nya. "Nice to meet you, Doc. My name is Alziyena Cassidy Buenaventura. Alziyena na lang po." balik pakilala ko rin. Bumitaw na sya at inutusan akong maupo.
Sumunod rin naman agad ako habang ang mga kaibigan ko naman ay nanatiling nakatayo at tahimik lang na nagmamasid. Yumuko sya at binuksan ang kanyang drawer. Naglabas sya ng isang folder at nagsulat ng kung ano roon. "So miss Alziyena, is this your first OB check up?" panimula nya. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na tinaasan lamang ako ng kilay. Ibinalik ko ang tingin ko kay doktora na nagtatakang pinagmamasdan kami. Napalunok ako. "Actually doc, nandito po kami para malaman kung buntis po ba ako o hindi." paliwanag ko. Agad namang tumaas ang isang kilay nya ng maintindihan nya ang pinupunto namin.
"Oh. Is that so? Bakit hindi na lang kayo bumili ng pregnancy test?" tanong nya na nakakunot ang noo. Muli kaming nagkatinginan magkakaibigan. "Gusto lang ho naming makasiguro." magalang na sagot ni Alehya. Napatango tango naman si Doktora.
Muli nyang binuksan ang kanyang drawer at naglabas ng tatlong pakete na hugis stick. Iniabot nya ito saakin at tinuro ang pasilyo. "Yan ang pregnancy test. Umihi ka dyan sa banyo at basahin ang instructions. Gawin mo ng 3x para makasigurado. Okay?" marahan akong tumango tango at pumasok na sa banyo.
Little did I know, na sa paglabas ko ng banyong iyon, magbabago na ang ikot ng buhay ko.
---
Ang tahimik. Sobrang tahimik. Lahat ay gulat na gulat at hindi makapaniwala sakanilang narinig. Napakagat labi na lamang ako at nanatiling nakayuko. Nasa sala ako ngayon, nakaupo sa isang single sofa kaharap ang aking mga magulang na kakauwi lang galing sa states, galing sa pagbisita ng kanilang paboritong anak.
Sa isang mahabang sofa naman na hindi kalayuan saakin ay naroon ang apat na grandparents ko na pareho ring nakatulala at hindi makapaniwala. Sa likod naman ng sofa'ng inuupuan nina Mom at Dad ay naroon ang apat kong kuya na nakatayo at pare-parehong seryoso ang mukha. Sobrang tahimik naming lahat. Sino ba namang hindi diba? I just dropped a bomb.
"You're a disgrace to this family!" biglaang bulyaw ni Dad at napatayo. Napapikit na lamang ako. I knew it. "How can you do this to us, Alziyena?" parang naiiyak na tanong naman ni Mom. Gusto kong ipaikot ang mata ko sa isinusumbat nila saakin. Hindi nyo nga ako inalagaan ng maayos tapos kung makaasta kayo parang ako pa yung walang utang na loob? Hah!
"Dad." narinig ko ang tinig ni kuya Dy. His voice is cold and serious. Gusto ko ng maiyak. Sa dinami dami ng tao, bakit saakin nangyayari to? "Shut up, Dylan. Tingnan mo! Tingnan mo ang nangyari sa kapatid mo! Dahil sa kapabayaan ninyo, ayan! Nabuntis! At ikaw naman Alziyena. Bakit hindi yang pagaaral mo ang atupagin mo?! Hindi yang kalandian mo! Tingnan mo kung san ka dinala?" my tears are starting to form in the corner of my eyes. Ang sakit. Ang sakit sakit. Hearing those harsh words coming from your parent hurts more than a break up.
"Why can't you be like your twin, Alziyena? Si Mira nagaaral ng maayos, nagpapakababad sa mga libro para makatulong sa business natin. Tapos magpapabuntis ka lang? Wala kang utang na loob." napahikbi ako sa sinabi ni Mom. Si Mira. Si Alzamira nanaman. Bakit laging sya na lang? Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paglakas ng mga hikbi ko. "Mom, Dad. Tama na, please?" rinig kong pakiusap ni kuya Cyper. Ayaw kong mag-angat ng tingin dahil baka mas lalo lang akong maiyak.
"You ungrateful child." kung yung puso ko kanina ay wasak na, ngayon ay durog na durog na sya, pinong pino pa. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang patuloy parin akong binubulyawan nina Mom at Dad, kinokompara ulit nila ako sa kapatid kong sabi nila ay nagaaral ng maayos sa states. Natigil lamang sila ng umalingawngaw ang tunog ng baston. Napalingon ako sa grandparents ko at nakita ko si Lolo Dash na nakatayo na at malamig na nakatingin kina Mom at Dad.
Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan ng magsalita si Lolo sa pinakamalamig na boses. "Wag nyong isisi sa bata ang pagkukulang nyo bilang mga magulang nya." sambit nito. Kapwa nanigas sina Mom at Dad sa sinabi nito. Bakas ang guilt sa mga mukha nila. Sunod na tumayo si Lola Zylene na walang ekspresyon ang mukha. Malamig na tingin ang kanyang iginawad kay Mom. "You are my daughter, Xandra. And I am so disappointed in you. I thought you are smart." saad naman nito.
Tumayo si Lola Carmina at nilapitan ako. Inalalayan nya akong tumayo at niyakap. Hinaplos nya ang aking buhok, tila pinapatahan ako. "Hindi ko alam na ganito ka pala, Alessandro." naisatinig ni Lola Carmina. Mas lalo akong naiyak sa pagtatanggol nila saakin. "If you don't want to take care of our granddaughter, we will gladly take her away from you." boses ni Lolo Alfredo.
Kumalas ako sa yakap ni Lola Carmina. Ng nag-angat ako ng tingin ay matamis akong nginitian ni Lola. She kissed my forehead and whispered to me. "Everything is going to be alright, sweetie."
***
A/N: I hope you enjoyed the new version of the Chapter Three. Lovelots!💖
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...