Kabanata Dalawampu

23.8K 528 16
                                    

"Do you really have to?"

"Yes, I do."

Sabay sabay na bumuntong hininga ang apat kong Kuya at tinapik naman ng mga fiancée nila ang balikat nila para pagaanin ang loob nila.

Mahina akong natawa.

Lumapit si ate Nicole saakin upang yakapin ako. "Call us if you need anything." saad niya saka humiwalay saakin.

Inabot naman ni ate Jennifer, or ate Jeni for short, ang isang basket ng prutas saakin. Humalik naman siya sa pisnge ko. "Whenever you need someone to talk to, we're here, Ziyena." napangiti ako ng sabihin niya iyon.

Dinamba ako ng yakap ni ate Agathe dahilan para mapaangal ang mga Kuya ko. "Honey, my sister is pregnant." naiiling na paalala ni Kuya Jur sa fiancée niya. Natawa naman si ate Agathe. "I know, Aljur, I know."

Agad siyang lumingon pabalik saakin saka inabot ang isang maliit na bracelet. My heart filled with warmth as I realized it is actually for my baby.

"It's my little present, take care okay?" and then she gave me a little kiss on the cheek.

Ang huling lumapit saakin ay si ate Felicia dala ang isang bag na may tatak ng isang kilalang brand. Nang iabot niya iyon saakin at nang mabuksan ko iyon ay napangiti ako ng malamang mga maternity dresses pala iyon.

"Nakita namin yan ni Cyper on the way here, kaya naisipan kong bilhan ka. You need it, don't you darling?" nangingiti akong tumango saka niyakap siya.

Niyakap niya rin naman ako pabalik saka humiwalay na saakin.

Ang mga Kuya ko naman ay bagamat mga nakasimangot ay niyakap parin ako at pinaghahalikan ang noo at tuktok ng ulo ko.

"I still don't understand the reason why you have to move out. You can stay in my house, I know Jennifer won't mind it." huling subok pa ni Kuya Dylan na ikinabatok ko sakaniya. "Magmumukha lang akong sampid don Kuya." natatawang sagot ko.

Namulsa si Kuya Andro. "Edi dun ka na lang sana kina Lola." ngumisi ako. "Ayaw niyo lang ako mahiwalay sainyo eh, tsaka, kung doon naman ako Kuya, makakasagabal lang ako kina Lola. Mas mabuti pang dito na lang ako. Buntis lang naman ako, di naman ako imbalido. Kaya ko sarili ko."

Wala silang naggawa kundi ang tumango at tuluyan na ngang magpaalam saakin.

As I closed the door, I scanned the new house I'll be living in. Well, it's not bad to have a fresh start, does it?

Nawala ako sa iniisip ko na marinig ang munting kahol ng aso kong si Smythii. Before I arrived here, I took him to the vet yesterday. I just want to confirm it's gender to know what name I should give.

And, napag-alaman ko na babae siya and I decided to name her Smythii.

Nagpagawa sina Kuya ng dog collar na personalized at may naka-engrave na pangalan niya. Ngayon lang ito nakarating dahil isa iyon sa mga House Welcoming gifts nilang apat saakin.

And now, Smythii is wearing it.

May bell itong kaakibat kaya naman tuwang tuwa ang asong umiikot ikot sa bahay nang naririnig niya ang sariling bell na tumutunog. It's just so cute watching her run around the big house.

"What is it Smythii?" kinawag niya ang kaniyang buntot at tila nagpapacute ang mata nito saakin. Natawa ako saka kinarga siya.

Natuwa naman siya at dinilaan niya ang mukha ko na mas lalo kong ikinatawa.

This house is actually one of my Grandparents' possession.

Sinong Grandparents? Sa side ni Mommy, sina Lolo Alfredo at Lola Carmina.

They are actually pretty rich. Maikukumpara nang kasing yaman nina Lolo si Trigger minus the Castle-like house na original na pinagdalhan sakin ni Trigger noon.

Ako mismo ang nagpaalam sakanila na hihingin ko ang isa sa mga bahay-bakasyunan nila at doon na lang ako titira for the rest of my life as a Single Mother.

Yes, I finally decided to be a Single Mother.

Papalakihin ko ang baby boy namin ni Trigger ng mag-isa. And if ever na hihingin niya ang custody ng bata ay hindi ko iyon ipagdadamot sakaniya. I'll let him be my baby's dad but minus the fact na hindi kami nakatira sa isang bahay.

I know it will be hard lalo na at pinagpasyahan ko na ring maghanap ng trabaho after my baby's first birthday.

Hahayaan ko muna ang sarili kong makasama ang anak ko bago ako magpakabusy sa pagtrabaho. In that case, ang finances ko ay icocover up muna nina Lolo Alfredo, Lolo Dashier, Lola Carmina, Lola Zylene, maging ng apat kong Kuya kahit na abala sila sa pagaayos ng mga kasal nila.

I didn't agreed at first, lalo na at ang pinagsamang pera pa lang ng apat kong Grandparents ay sobra sobra na, what more pa pag dinagdagan ng apat kong Kuya? In the end, hindi ko rin naman sila napigilan.

Ngayon ay nasa pamilihan ako hindi kalayuan sa bahay ko. It is actually a Mall na hindi ko alam na nageexist pala. Don't judge me okay? Hindi naman kasi ako mahilig gumala. Yes I'm 19 years old, I am old enough to explore but.. I'm too lazy to do that.

Madalas nga ay pinipilit na lang ako ng mga kaibigan kong lumabas dahil mas pinipili kong magkulong sa bahay at tinatanong ang sarili ko kung kailan ako mapapansin ng mga magulang ko.

I sighed remembering those moments.

Umiling ako saka nagpatuloy sa pagtingin-tingin ng mga canned goods. I need supplies of foods, lots and lots of foods kaya andito ako ngayon at namimili.

I checked kung nasa cart ko na ba ang lahat ng kailangan ko. And then I realized na hindi pa pala ako nakakakuha ng gatas ko dahil mukhang paubos na yong isang lata na ibinili saakin ng apat kong Kuya.

I pushed the cart at nagtungo sa milk section.

Hinanap ko ang gatas ko at nang mahanap ko iyon ay napasimangot ako ng nasa pinakaitaas na banda iyon ng shelf. Yes I am tall but I am not tall enough to reach for the highest level of the shelf.

Napasimangot ako lalo dahil naalala kong bawal akong tumalon lalo na at nasa ikapitong buwan na ako saaking pagbubuntis. Nakatayo lang ako doon at iniisip kung paano ko iyon maaabot ng may kumuha na non para saakin.

Nilingon ko ang taong yon at halos malaglag ang panga ko ng makakita ng isang gwapong nilalang. He looks younger than me but how come he is taller than me? Life is unfair.

"There 'ya go pregnant lady."

I just stared at him... not knowing what to say.

A few words came to my mind and before I knew it, the words already came out of my mouth.

"Ang gwapo mo!"

*****

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon