Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na muling nagparamdam ang lalakeng iyon. Balik na ulit sa normal ang takbo ng buhay ko. College na ako, graduating to be exact. Ngayon nga ay papasok na ako sa school at ilang oras na po ako rito sa salamin kaka-check kung halata bang buntis ako.
"Ano ba yan, Ziena? Ang tagal mo." reklamo ni kuya Jur na bigla na lang pumasok sa kwarto ko. Nagpunta talaga silang apat rito para lang maihatid nila ako bago sila pumasok sa trabaho. Hinarap ko sya, namewang, at inirapan. "Di mo kasi gets kuya eh! Baka kasi mahalata nilang buntis ako." tugon ko sakanya. Napabuntong hininga sya at nilapitan ako.
Pinaikot nya ako ng dahan dahan na para bang ineenspeksyon ako. Ng tapos na ay nginitian nya ako at pinisil ang pisnge ko. "Ayos na yan, ano ka ba. Maganda ka na, at hindi pa naman halata ang baby bump mo. Halika na. Hindi ka pa naman nakakapag-almusal tapos iinom ka pa nung gatas mo." mahabang lintanya nya at hinila na ako palabas ng kwarto. Wala na akong naggawa kundi ang sumunod sakanya.
I have taken up the course Tourism. Gusto ko kasi talagang magtravel travel at makasakay sa eroplano ng nonstop. Dati pa lang ay pangarap ko na talagang maging Flight Attendant at paglingkuran ang mga taong sumasakay sa eroplano. Gaya na lang ni Maya sa Be Careful With My Heart. Dahil talaga yun sakanya kaya naisipan kong mag-Flight Attendant.
Pagkababa ko ay nakita ko ang grandparents ko at sina Kuya na naguusap. Hindi pa sila kumakain at mukhang hinihintay talaga nila ako. "Oh. Nandito na pala ang Prinsesa natin." saad ni Lolo Dashier. Napangiti ako sakanyang sinabi at yumuko ako na tila prinsesa na nakasuot ng magarbong gown. "Pasensya na at kayo ay pinaghintay ko." makatang sagot ko na ikinatawa nilang lahat.
Naging masaya ang aming almusal dahil narin sa mga kuya at grandparents ko. Btw, nasabi ko naba sainyo na nagta-trabaho na sila? Hindi? Ngayon alam nyo na. Sila ang naghahandle ng kompanya ng Grandparents namin dahil syempre, matanda na sila at baka hindi na nila kaya.
Matapos ang almusal namin ay agad na lumabas na ako at hinintay sina Kuya na lumabas mula sa garahe. Naunang lumabas ang sasakyan ni kuya Dylan. Tumigil ito sa harap ko. Agad ko rin namang binuksan ang pintuan sasakyan nya at sumakay na sa passenger seat. Ng tuluyan akong makasakay ay narinig ko ang busina ng sasakyan ni Kuya Cy.
Kapwa kami natawa ni kuya Dy dahil pareho naming alam na nabuwiset nanaman iyon dahil si kuya Dy nanaman ang maghahatid saakin. Paunahan kasi sila. Ang unang makalabas sa garahe ay syang maghahatid saakin. Halos lagi na lang kasing si kuya Dy ang naghahatid saakin dahil sadyang mas mabilis lang talaga sya.
----
"Magiingat ka lagi, prinsesa ko." napangiti ako sa naging bilin ni Kuya. Hinalikan ko ang kanyang pisnge. "Opo. Magiingat po ako. Ikaw rin ha? Ayaw kong makarinig ng balitang may nahuli dahil sa mabilis na pagpapatakbo." turan ko. Isang malakas na tawa ang naani ko kay Kuya Dy.
Tuluyan na akong nagpaalam kay Kuya dahil kung hindi ay malalagot nanaman ako kasi late ako. Sukbit ang bag ko ay pumasok ako sa paaralan. As usual, maingay ang kapaligiran. Puno ito ng tawanan at kuwentuhan ng mga estudyante na naglalakad lakad lang sa school grounds.
Tahimik kong binagtas ang hallway patungo sa hagdanan na tatahakin ko patungo sa classroom ko na nasa fourth floor pa. Jusko. Pahirapan mga beh.
Pagkarating na pagkarating ko sa classroom ay agad na pabalang akong naupo sa upuan ko. Gulat namang lumingon saakin si Alessandra na mukhang naggising ko ata.
"Upo, upo lang. Walang bagsakan, okay? Nakakadistorbo ka eh." reklamo nya at umayos ng upo. Inirapan ko sya at pinahidan ang pawis ko. "Manahimik ka nga. Ke-aga aga eh bad mood ka kaagad." komento ko at nagpulbo. Naglagay narin ako ng kararampot na liptint dahil na-haggard ako roon sa pag akyat ng tatlong hagdan.
Sinimangutan ako ni Aless at hindi na sya nagkomento pa. Buti naman.
Napatulala ako sa labas ng bintana. My thoughts drifted to what happened last last night. After that night, hindi na sya muli pang nagparamdam. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sinabi ko sakanya o dahil tinitrip lang nya ako noong mga oras na yon.
Napabuntong hininga ako. Either way, ayaw ko nang maulit yon. Sino ba namang matinong babae ang gugustuhing magpagapang tuwing gabi? Wala naman siguro diba? Unless hindi sya matino. Whatever.
Napaayos ako ng upo ng pumasok na ang professor namin para sa first subject namin ngayong umaga. Umayos na rin si Alessa at nakinig. Kahit naman antukin ang babaeng yan eh nakikinig pa naman yan ket papano.
----
"Ziena hintay!" sigaw ni Alessa habang humahabol saakin. Napatigil naman ako sa paglalakad at napalingon sakanya. Ng tuluyan syang makalapit saakin ay sinamaan nya ako ng tingin. "Oh para saan yan?" tukoy ko sa tingin na binibigay nya saakin. Inirapan nya lang ako at umabresta saakin.
"Sino ang kasabay mo ngayon?" tanong nya. Napaisip naman ako. Hindi kami magkakasama nina Nea sa iisang floor dahil magkaiba kami ng Courses. Hassle naman kung aakyat pa sila rito sa fourth floor para lang kumain kasabay ko.
Nilingon ko si Alessa at umiling. Napangisi sya at hinila ang braso kong nakaabresta sakanya. "Great. Tara na." sambit nya. Napairap na lang ako sa hangin at nagpatianod sakanya.
Bawat floor ay may sariling canteen, cr, at extra curricular rooms. Oo. Ganyan kayaman ang paaralan namin para magkaroon ng kanya kanyang facilities kada floor. Ang sabi sa handbook ay para narin daw maiwasan ang hassle sa pag akyat baba para sa mga nasa higher floors na mga students.
"Ako na ang kukuha ng pagkain natin." saad ni Alessa. Tinanguan ko sya at naghanap na ng lamesang makakainan namin.
Napili ko ang isang lamesang pandalawahan na malapit lamang sa bintana. Ayos narin yon dahil may magandang tanawin kaming matatanaw ni Alessa habang kumakain.
Nilabas ko ang cellphone ko at nagbrowse-browse lang. Wala akong kamalay malay nun sa paligid ko ng...
Nakarinig ako ng putok ng baril.
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...