Kabanata Anim

35.1K 857 7
                                    

Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng hapdi sa balikat ko. Napahawak ako roon at ng balingan ko ito ay nanlaki ang mata ko ng makitang dumudugo ito. Nagkakagulo na ang mga estudyante dahil sa putok ng baril na aming narinig pero nanatili akong naka-focus sa sugat na mayron ako.

"Ziena!" narinig ko ang boses ni Alessa na papalapit saakin. Agad nya akong dinaluhan at tiningnan ang sugat ko. Napatakip ang kanyang bibig at tila naluluha sya habang nakatingin sa balikat ko. "A-anong p-problema?" utal utal at nanginginig na tanong ko.

Sobrang sakit ng balikat ko at pinagpapawisan na ako. Nahihilo narin ako dala narin siguro ng sugat na alam kong nanggaling sa baril. Hinawakan ni Alessa ang kamay ko. Hindi nya alintana ang dugo na naroon na nanggaling sa sugat ko. Ang kanyang mukha ay punong puno ng pagaalala.

"Halika. Dadalhin kita sa Clinic." aniya at inalalayan ako para tumayo. Hindi pa sya magkandaugaga kung paano ako alalayan dahil hindi ko pwedeng maingat ang balikat kong may sugat. Pero sa huli ay naggawa parin naman nya akong madala sa Clinic.

Pabalang na sinipa pabukas ni Alessa ang pintuan ng Clinic. Agad na bumungad saamin ang mga nurses at isang Doctor. Lahat sila ay gulat na gulat na nakatingin saamin. Halatang hindi nila inaasahan ang pagdating namin ni Alessa.

"Anong nangyari?" ng makahuma mula sa pagkakagulat ay agad na dinaluhan ako ng Doctor at tiningnan ang balikat kong dumudugo. Napapapikit pikit na ako dahil sa hilo. "Sakanya po yata tumama yung balang pinakawalan ng kung sino man kanina." paliwanag ni Alessa. Hindi ko na nakita pa ang reaksyon ng Doctor dahil nilamon na ako ng kadiliman.

----

Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Bumungad saakin ang puting ceiling ng Clinic. Kumurap kurap pa ako habang inaalala ang mga nangyari saakin bago ako napadpad sa Clinic.

Sinubukan kong bumangon pero tila may mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Niyuko ko iyon at nakita si kuya Jur doon. Napabuntong hininga ako at napatitig na lamang sa kisame ng Clinic.

Ang isip ko ay napadpad sa nangyari kanina. Sino namang gu-gustuhing barilin ako? Eh ni hindi nga ako ang naghahandle ng Company ng parents namin eh. Napapikit na lang ako sa frustration. Kahit saang anggulo ko kasi tingnan, walang dahilan para barilin ako ng isang assassin.

"Gising ka na pala." napalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses ni Kuya Andro. May bitbit syang cellophane na naglalaman ata ng pagkain. Nanghihinang nginitian ko lamang sya.

Lumapit sya sa kamang kinararatayan ko at inilagay ang cellophane sa lamesa. Naglabas sya ng mga styro roon na naglalaman ng pagkain. Agad namang tumunog ang tyan ko. Gutom na ako. Hindi ko kasi naituloy ang pagkain ko dahil sa letseng pamamaril na nangyari.

Sinubukan kong bumangon para kumain. Dahil sa galaw kong iyon ay naggising si kuya Jur na natutulog sa tyan ko. Inaantok na nagmulat sya ng mata. At ng makita nyang gising na ako at sinusubukan kong bumangon ay agad nya akong inalalayan. Ng tagumpay ko iyong naggawa ay hinihingal na sumandal ako sa headboard ng kama.

Napapikit ako ng makaramdam ng kirot sa balikat ko. Bakit feeling ko hindi lang basta bastang bala ang tumama saakin? Lumambot ang ekspresyon ni kuya Jur ng makita ang hirap sa mukha ko. Hinaplos nya ang buhok ko at marahang hinalikan ang noo ko.

"I'm sorry.." mahinang saad ni kuya Jur. Napatingin ako sakanya. Napatigil din sa pagkuha ng kobyertos si kuya Andro ng marinig ang sinabi ni kuya Jur. Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nagso-sorry, kuya?" takang tanong ko. Seryosong tiningnan nya ako.

Sinulyapan ni kuya Jur ang balikat kong may benda. "Pasensya na at hindi ka namin naggawang protektahan." aniya sa mahinang boses. Nanubig ang mata ko. Hindi naman nila kasalanan yon eh. Kasalanan yon nung namaril. Tsaka, hindi naman siguro sila si Madam Awring para mahulaan ang mangyayari diba? "Wala naman kayong kasalanan kuya eh. Wala namang nakakaalam na mangyayari pala yun. Tsaka, may mga trabaho rin kayong dapat nyong isipin." saad ko dito.

Mabilis na umiling si kuya Jur. Akmang magsasalita na sana sya ng naunahan sya ni kuya Andro. "Kahit na, Ziena. Dapat nagpadala parin kami ng gwardya para bantayan ka." sambit nya at binigay saakin ang pagkaing hinanda nya. Agad ko rin naman iyong tinanggap dahil gutom na talaga ako. Bago sumubo ng pagkain ay sinagot ko muna si kuya Andro. "Alam mo namang ayaw na ayaw ko yung pinababantayan nyo ko lagi diba? Nasasakal ako. Ayos lang kasi talaga, kuya. Masyado kayong praning. Baka ligaw na bala lang talaga yung tumama saakin." saad ko dito at kumain na.

Nagkatinginan sila kuya at hindi na lamang umimik pa.

----

Kahit na nasa bahay na ako at hindi naman ganoon kalala ang natamo ko, todo alalay parin saakin ang mga kuya ko. Napapailing na lang ako sa kapraningan nilang apat. May balak pa nga sana silang mag leave ng one week para lang maalagaan ako. Buti na lang at napigilan ko sila.

Ngayon ay nasa sala kaming lima at busy sa kanya kanyang gadgets. Busy ako sa pagso-scroll up and down ng facebook feed ko ng makaramdam ako ng gutom. Binitawan ko ang phone ko at akmang tatayo na para kumuha ng makakain sa kusina ng mapansin ako ni kuya Dy.

"At saan ka pupunta?" nakataas kilay na tanong ni kuya Dy. May kalakasan ang pagkakasabi nya kaya napalingon nadin saakin sina kuya Cy, kuya Jur, at kuya Andro. Napabalik ako sa pagkakaupo at sumimangot. "Sa kusina. I'm hungry." nakangusong ani ko. Nagkatinginan sila.

Tumayo si kuya Cy at nilapitan ako. Marahan na nginitian nya ako. "Anong gusto ng Reyna namin?" marahang tanong nya. Napahawak ako sa tyan ko at inisip ng mabuti kung anong gusto ko. Ngumisi ako at dinilaan ko ang ibabang labi ko sa pagkaing pumasok sa isip ko. Natatakam na akooooo. Mas lalo tuloy akong nagutom. "Kuya, gusto ko yung green na mangga. Tapos yung kunin mong sawsawan ay yung ketchup at toyo. Ipagsama mo ha? Tapos gusto ko yung milkshake na may chili powder. Yung madaming madami talaga ha?"

Napatanga silang apat saakin. Bakit? Anong meron sa gusto ko? Tinaasan ko sila ng kilay at pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko. "Ano? Dalian mo na kuya. Gutom na ako." masungit na pagpapaalis ko kay kuya.

Napabuntong hininga sya at napagulo sa buhok nya. Tinalikuran nya ako at narinig ko pa syang bumulong. "Damn that pregnancy thing."

*****

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon