"3.. 2.. 1.."
"It's a boy!"
Ramdam ko ang paghigpit ng yakap saakin ni Trigger maging ang kaniyang naging pagngiti habang ang ulo niya ay nakabaon sa leeg ko.
Natatawang napailing na lang ako at hinaplos ang buhok niya. Parang ano naman tong lalakeng to.
Everyone was congratulating us as we roam around the garden where the Gender Reveal slash Baby Shower was held.
Nang matapos kami sa paglilibot ay naupo na kami sa isang parihabang mesa na nasa harap na may mga upuang tila trono. Doon kami kumain habang pinagmamasdan ang masayang paguusap ng mga taong dumalo.
Habang kumakain ako ay nakarinig ako ng mga kahol galing sa kung saan.
Agad kong nilingon ang pinagmulan nito at napangiti ako ng makita si Smythii na bitbit ng apat kong kuya. Suot ni Smythii ang isang blue na ribbon sakaniyang leeg.
Ang kyut kyut lang.
Medyo may kalakihan na si Smythii kahit na isang buwan pa lang ang lumipas. Given naman na yon lalo na at aso siya at isa pang husky.
Inalalayan ako ni Trigger na tumayo upang makalapit sa apat kong kuya.
Dahan dahan ang mga naging hakbang ko patungo sa kinalalagyan ng mga kuya ko. Madali lang rin naman ako nakarating sa kinaroroonan nila lalo na at medyo malapit lang naman sila saamin.
"Hey baby." nangingiti kong ani habang kinukuha ang aso ko mula sa bisig ni Kuya Dylan.
Dinila-dilaan nito ang mukha ko, senyales na nakikilala niya ako at masaya siyang nasa bisig ko. Napatawa na lamang ako at hinaplos ang balahibo niya.
Ilang minutong nasa bisig ko ang aso bago ito kinuha mula saakin ni kuya Dylan. Napasimangot ako dahil gusto ko pang hawakan ang aso ko.
"Don't give me that look, princess." tila nahihirapang sambit ni kuya Dy na siyang lihim kong ikinangiti. "Can't I hold him a little longer?" hirit ko ngunit sa ikinadismaya ko ay inilingan ako ni kuya Dy.
Lumapit saakin si kuya Aljur saka ako binigyan ng halik sa noo. "Kailangan mo ng magpahinga, Ziena. You need it... uuwi na rin naman na kami since the party is pretty much over." malambing na sabi saakin ni kuya Jur na siyang tinanguan ko na lang.
Ano pa bang magagawa ko?
Napabuntong hininga na lang ako. Naramdaman ko ang pag-akbay saakin ni Trigger at ang malambing niyang paghalik-halik sa pisnge ko.
Napasandal na lang ako sakaniya at napapikit ang mga mata ko. Siguro nga dapat magpahinga na ako kasi ramdam ko na rin ang pagod.
"Tired?" bulong ni Trigger saakin. Tinanguan ko siya bilang sagot at tanging paghalik lang sa noo ko ang naging balik niya.
Lalakeng to ke-hilig manghalik.
Narinig ko ang pagpapaalam ni Trigger sa apat kong kuya. Narinig ko rin kung paano napa-sabi ko na si kuya Andro na siyang lihim ko na lang na ikinailing.
Pagkatapos magpaalam ng mga kapatid ko ay sunod na lumapit saamin ang parents ko at ang parents ni Trigger na siyang ikinagising ng diwa ko.
"We're going now." ani Mommy saka hinaplos ang pisnge ko. Kahit inaantok ang mga mata ay tumango ako sakaniya at wala pa sa sariling napakaway.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng dalawang ina mula sa magkabilang pamilya na siyang isinantabi ko na lang. Unti unti na kasi akong nilalamon ng antok at hindi pa nakakatulong na napapagod na rin ako kakatayo rito.
"I think your girl is tired, son." boses iyon ni Tito-Papa (Trigger's Dad) na natatawa na rin sa lutang na mga akto ko.
Umalog ang balikat ni Trigger sanhi ng pagtawa na siyang mahina kong ikinahampas sakaniya. Naaalog kasi ako at nahihilo ako lalo na at inaantok nga ako. Ngena paulit ulit na ako dito.
Mas pinili ko na lang na wag silang pakinggan at humiwalay ako sakanila para maupo.
Hindi naman tumutol si Trigger at hinayaan niya akong maupo sa isa sa mga upuan na malapit saamin.
Tahimik lamang akong nakaupo roon habang nakalumbaba at pinipigilan ang antok ng may sumulpot na kamukha ko sa harap ko.
Dahil doon ay para akong binuhusan ng tubig kaya tila nagising ako.
Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko ang anyo ng kakambal kong si Alzamira na siyang nasa harap ko ngayon.
She is wearing a tight and shy smile on her lips and she is standing awkwardly in front of me.
"Mira?"
"Ziena."
I was taken a back hearing her voice.
Gaano na ba katagal since huli kaming nagkausap? Di ko na rin kasi siya nakausap ng magpunta ako kina Mom at Dad kasi wala siya roon.
Kumuha siya ng upuan at ipinwesto ito kaharap ko. Napapalunok na lang ako at napaayos ng upo.
We may be twins but.. we are not really close and never did we once agreed in anything.
Inilapag niya sa harap ko ang dalawang regalo. Pareho itong kulay asul na may puting ribbon. Napaangat ang isang kilay ko sa kuryosidad. Sa pagkakaalam ko ay inayawan niya ang imbitasyon nina Mom at Dad na sumama patungo rito sa party.. kaya nakakapagtaka at sumipot nga siya at may regalo pa.
"The large one is for your baby boy and the other is for you.. twinny."
Napasinghap ako sa itinawag niya saakin. Kahit pa noong mga bata kami ay madalas na kami kung mag-away.. at ang tawagang twinny ang siyang ginagamit namin para mang-uyam o mang-asar kapag nakakabawi kami sa isa't isa.
Never knew I would hear her say it without sarcasm in her tone.
Inabot niya ang kamay ko dahilan para mapaigtad ako. Nagulat lang ako lalo na at ang lalim pa naman ng iniisip ko.
"Look.. I'm sorry." tinitigan ko siya. "That was pretty immature of me.. using our parents' favoritism to mock you and drag you down. I admit I was kinda jealous." mahina pa siyang napatawa, ngunit bakas sakaniyang mukha ang pagsisisi sakaniyang nagawa.
"I mean.. I only have our parents' time, love, and attention while you, received everything our siblings and grandparents can give. That was enough for me to try and get you out of our lives.. thinking it was for the better." humugot siya ng isang malalim na hininga. "I know your thinking that I should've been more thankful and that you should've been the one that is jealous and not me, but Alziyena.. you know me right? I want everything to myself.. I am greedy."
Unti unti ay gumuhit ang isang nakakatakot na ngiti sakaniyang labi. Unti unti rin ay naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba.. hindi maganda ang kutob ko rito.
A while ago she looks so sincere and pitiful as she tells her side of the story, but now? I don't know..
Inabot niya ang aking pisnge at mahigpit itong hinawakan.
"You thought I will lower my pride for you?" dumiin ang pagkakahawak niya saakin dahilan para mapangiwi ako.
Inilapit niya saaking tenga ang bibig niya upang bumulong.
"Sike bitch.. you're going down."
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...