Katapusan

29K 469 50
                                    

The timelines on this chapter can be a little bit confusing. Ang unang mga scenes na mababasa niyo ay bago pa man maikasal si Trigger at Cassidy at hindi pa kilala ng ating lead ang kaniyang leading man.

Third Person's

Padabog na ibinaba ng babae ang mamahalin niyang bag sakaniyang lamesa. Inis niyang kinuha ang bote ng wine at ibinuhos ang laman nito sa isang wine glass.

Dire-diretso niyang nilagok ang wine saka pabagsak na ibinaba ang walang lamang wine glass.

She is pissed.

"You could have just aimed for her head!" nanggigigil na bulyaw niya sa lalakeng siyang sumunod sakaniya papasok roon sakaniyang opisina.

Namulsa ito saka binigyan siya ng bored na tingin.

"You know we can't do that, A. We still need her." halos walang kainte-interes na sagot ng lalake saka lihim na napaismid.

Hinampas ng babae ang lamesa saka nanggigigil na binalingan ang lalake.. unti unti ng nauubos ang pasensya niya at hindi na siya makapaghintay na mapatay ang nagiisang kontrabida ng buhay niya.

"At ano, L?! Hihintayin natin na mapalapit pa ang loob niya sa Mafia Lord na yon at mabigyan siya ng mas mahigpit na seguridad? Mas magiging mahirap lang ang gagawin natin kung ganon!"

Hindi na niya napigilan at sumabog na ang galit niya sa lalake.

Malademonyong ngumisi ang kausap saka unti unting lumapit sakaniyang pwesto. Inabot nito ang kaniyang panga saka mahigpit itong hinawakan.

Ang mga mata nito ay naga-alab at tila ba isa itong halimaw na handa ng sumunggab sakaniyang biktima.

Napalunok siya saka sinubukang i-iwas ang kaniyang tingin.. ngunit bigo siya dahil mahigpit ang hawak nito sakaniya at alam niyang doon pa lamang ay wala na siyang kawala.

"Your tongue is getting too sharp, young lady." matigas ang pagkakasabi nito at sapat na ang malalamig na tingin nito para pataasin ang kaniyang balahibo.

Inilapit ng lalake ang kaniyang bibig sa tenga ng kawawang babae.

"Remember where you stand.."

Binitawan siya nito saka tinalikuran siya. Napahawak siya sakaniyang pangang sigurado siyang namumula. Nananakit iyon dala ng higpit ng hawak nito sakaniya.

Nang akala niyang wala na itong sasabihin ay ipinahabol pa nito ang pagbulong niya sa pangalan niya.

"...Alzamira."

———

Matalim.. mapanganib.. at malamig ang tinging ibinigay ng Mafia Lord sa lalakeng basta na lamang nagpakita sakaniyang opisina.

"What's up.." nakangisi pa nitong bati, "Valdemore." mapang-uyam ang pagkakabanggit ng lalake sa apilyedo ng kaharap na Mafia Lord.

Nanatiling walang emosyon si Allen Trigger at bumalik ang kaniyang tingin sa mga pinagkaka-abalahang mga papeles.

Tila hindi naman nagustuhan ng lalake ang pagpapakita ng kawalang interes ni Trigger kung kaya't naupo siya sa upuang kaharap nito saka nangalumbaba sa lamesa nito.

"She's very pretty.. you know?"

Napaangat ang kilay ni Trigger sa naging paunang salita ng lalake.

Napangisi ang lalake dala ng tuwa na nakuha niya ang atensyon ng Mafia Lord.

"What are you talking about?"

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon