"Bahay mo to?" napapalunok na tanong ko. Nilingon ko sya at nakapamulsa lamang syang tumango. Napaawang ang aking labi at muling tumitig sa mala-palasyong mansyon saaking harapan. Pakiramdam ko hindi ako nababagay sa napakalaking palasyong to. "Let's go." naramdaman ko ang marahan nyang paghila sa kamay ko papasok sa entrada ng kanyang mansyon.
Sa oras na makapasok kami ay mas lalo lamang akong nanliit. Halos lahat kasi ng bagay sa loob ay kulay ginto at halatang mamahalin. Isama mo pa ang napaka dilaw at gold na chandelier na umiilaw sa buong unang palapag.
"Bring her things to our room." doon naman ako nagulat. "Our? Sa laki ng mansyong to maghahati tayo sa isang kwarto? Wala ba kayong guest room?" takang tanong ko. Isang ngisi ang sumilay sakanyang labi na syang nakapagpamangha saakin. Mas lalo syang gumagwapo pag nakangisi. What the f^ck? Alziyena!
"We do have guest rooms here. But, since you need extra care, you'll be on my room." sagot nya at tinalikuran na ako. Nagtungo sya sa engrandeng hagdanan at umakyat na, kasunod ang mga tauhan nyang hinahatid ang gamit ko. Napailing na lamang ako at binalewala ang sinabi nya.
Naisipan kong ikutin na lamang ang buong mansyon--kung mansyon pa nga bang matatawag to--para naman malaman ko ang pasikot sikot rito at hindi ako maligaw. Nauna kong ikutin ang unang palapag.
Nagtingin tingin ako sa sala. Sa bawat dingding ay may nakasabit na naglalakihang paintings at pictures. Sa kanan kung nasaan ang mga mamahaling fairy figurines ay naroon ang malaking picture ni Allen. Napaka seryoso ng mukha nya at halata ang lamig sakanyang mata. Katabi naman nito ay picture ata ng buo nyang pamilya.
Ang dalawang matanda na mukhang nanay at tatay nya ay nakaupo at magkatabi. Napakaseryoso ng tatay nya at wala itong makikitang emosyon sa mukha. Halata ang pagkakahawig nilang dalawa ni Allen na nakatayo naman sa likod nito at nakahawak sa balikat ng tatay nya.
Ang nanay naman nya ay nakangiti at halatang masayahin nito. Nasa likod naman nito at nakayakap sakanya ang kanilang babaeng anak. Napakaganda nito at mas nakuha nito ang features ng nanay nila kesa sa tatay. Compared kay Allen na mukhang nagmana ata sa tatay nila.
Kumurap kurap ako at piniling ang ulo saka inalis ang tingin sa picture nilang magpamilya. Ang sunod ko namang tiningnan ay ang mga paintings. Ang mga paintings ay puro fairies na kung hindi nalipad ay naroon lang sa bato malapit sa ilog ay nakaupo. Hindi ko alam kung bakit parang napakahilig ni Allen sa fairies.
Nagpatuloy ako sa pagikot sa buong bahay. Napuntahan ko na ang kusina, ang pool, ang backyard, pinasok ko na rin ang halos lahat ng kwarto rito sa mansyon, including ang kwarto namin kuno ni Allen. Hindi ko sya nakita roon pero narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya hula ko ay naroon sya at naliligo siguro.
Nang mapagod ako ay napagdesisyonan kong pumunta sa kusina at maghanap ng makakain. Pero nang mapunta ako roon ay naabutan ko roon ang isang ginang na nagluluto. "Ay jusko, ikaw pala iyan iha." saad nya ng makita ako roon sa entrada ng kusina. Hindi ko sya nakita rito kanina ng libutin ko ang mansyon. "Magandang tanghali ho Manang." bati ko na lamang rito at nagmano.
Napangiti si Manang at tinapik nya ang ulo ko. "Naku eh napakagalang na bata naman ire. Pagpalain ka sana ng Diyos. Ikaw ba ang babaeng mapapangasawa ni Alger?" napakunot ang aking noo. Alger? "Alger? Sino ho yon Manang?" takang balik ko kay Manang. Napatawa naman si Manang.
"Iyon ang nakasanayan kong tawag sa alaga kong si Allen, iha." sagot naman nya kaya napatango tango ako. Naalala ko naman ang unang tanong nya saakin. "Ay sya nga pala Manang, hindi ako ang babaeng mapapangasawa nyang masungit mong alaga. Isa lang naman ako sa mga babaeng nabuntis nya. Ayun lang." saad ko na may pagkailang. Agad na nabakas ang panghihinayang sa mukha ni Manang.
"Ganun ba? Sayang naman, iha. Napakabait at napakagalang mong bata. Tapos ang ganda ganda mo pa. Sayang naman kung hindi sa alaga ko ang bagsak mo. Hay nako ano ba ang ginagawa ni Alger? Talaga bang ang bata lang ang gusto niya sayo?" napalunok naman ako sa komento ni Manang. Natutuwa ako dahil cinomplement nya ako pero at the same time ay naiilang dahil hinihiling nyang magkatuluyan kami ni Allen.
Naputol ang paguusap namin ni Manang ng bigla kaming makarinig ng panibagong tinig. "What are you doing here?" napalingon ako kay Allen na nasa likod ko. Hindi ko talaga mapigilan ang mapalunok kapag naririnig ko ang malamig nyang boses. Tumikhim ako at bahagyang lumayo sakanya. "A-ahmm.. nagutom kasi ako at gusto kong kumain kaya nagpunta ako rito para sana kumuha ng pagkain. Tapos naabutan ko dito si Manang kaya nagkwentuhan muna kami saglit." saka ako gumalaw para magtungo sa malahiganteng fridge at binuksan ito.
Naghanap ako ng makakain at nang makita ko ang isang blueberry cheescake at isang karton ng fresh milk ay agad akong natakam. Kinuha ko ito at kumuha ng tinidor. Di ako nag-abalang kumuha ng serving plate at diretso kong kinain ang blueberry cheesecake kahit na hindi pa ito nasa-slice.
Tahimik lang akong pinanood ni Allen na may namamanghang ekspresyon. Para bang first time nyang makakita ng babaeng ganito ka-patay gutom kung kumain. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Sa sobrang busy ko sa pagpapak ng cheesecake ay hindi ko namalayan ang kanyang paglapit saakin at ang kanyang marahang pagkuha saaking buhok at tinalian iyon.
Napatigil ako sa pagkain at gayundin si Manang na bumalik na sa pagluluto. Inagaw nya saakin ang tinidor na hawak ko at sya na ang kumuha ng piraso ng cheesecake at iniumang ito sa bibig ko. "Open your mouth." utos nito saakin. Wala sa sariling binuka ko ang aking bibig at tinanggap ang kanyang isusubo saakin. I was stunned when he plastered a small smile on his lips and wiped the corner of my lips. "Good." he said.
Nagpatuloy sya sa pagsubo saakin habang ako ay namula ng makita ang pagngiti ni Manang at ang kanyang munting pagiling bago muling bumalik sakanyang ginagawa.
*****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...