Gusto kong maiyak habang sumusuka. Wala naman kasi akong maisuka. Puro tubig lang ang lumalabas sa bibig ko. I felt his hand caressing my back and pulling my hair up to keep it from going in my mouth while I'm vomiting.
"Shh. It's alright." alo niya saakin nang nanghihina akong napasandal sakaniya habang may luhang nangingilid saaking mga mata. It's been two weeks at para akong nasa impyerno tuwing sumusuka ako.
Inalalayan niya akong tumayo at maglakad papalapit sa sink. Nagmumog ako at nag-toothbrush saka lakas loob na humarap sakaniya. Pinalis niya ang buhok kong tumatabing sa mukha ko. "Gutom kana?" tanong niya. Napatingin ako sakaniya at marahang tumango.
Muli, ay inalalayan niya ako palabas nang banyo. Charot lang. Inalalayan niya pala ako hanggang sa hapagkainan dahil nanghihina parin ako sa pagsusuka ko. Agad kong nakita roon si Manang na inihahanda na ang pagkain namin.
"Magandang umaga, Manang." marahang bati ko kay Manang. She smiled at me at iminuwestra niya ang upuan upang maupo na ako. "Magandang umaga rin, iha. Nagsuka ka nanaman ba?" tanong ni Manang habang inaabot saakin ang isang baso ng gatas. Napasimangot ako at tumango.
Mahinang tumawa si Manang at naupo na kaharap ko. Dahil tatlo lang naman kami sa bahay, maliban sa maids at men in black ni Allen, ay sumasabay saamin si Manang tuwing kakain. Tsaka, dahil wala ang mga magulang ni Allen ay si Manang ang tumatayong Guardian nito. Kaya may karapatan din siyang sumabay saamin.
"Dapat masanay kana, iha. Kada umaga ka ng gigising nang nagsusuka. Tsaka, nandiyan naman si Alger para alalayan ka." nakangiting aniya ni Manang. Tumango tango naman si Allen na para bang naga-agree kay Manang.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng hindi naguusap. Kumain lang kami na para bang wala kaming kasama sa lamesa. Napapansin ko sa mga nakalipas na araw ay napakatakaw ko kung kumain. Well, normal lang naman iyon since buntis nga ako at kumakain ako para saaming dalawa ng baby ko.
Pagkatapos kumain ay bumalik si Allen sa kwarto namin para magbihis. Magpapaka-CEO nanaman po kasi siya. Tsaka marami na raw kasing papeles ang nakatambak roon sa opisina niya simula kahapon. Hula kong naloloka na ang sekretarya non kaka-trabaho dahil wala siya kahapon.
Napatunganga na lang ako sa kawalan ng maggawa. Halos minu-minuto rin ako kung bumuntong hininga dahil to be honest, wala po talaga akong maggawa. Ilang minutong pagtutunganga pa hanggang sa maisipan kong kalkalin ang kwarto namin. Tumayo na ako at inuna kong buksan ay ang malaking kabinet di kalayuan sa kama namin.
Napangiwi na lang ako sa tapang ng amoy ng cologne ni Allen na bumalot sa buong kwarto. Pinilit ko na lang iyon na isawalang bahala at nagpatuloy sa ginagawa ko. Kokonti lang naman ang laman ng kabinet na napag-alaman kong personal closet pala ni Allen kaya agad akong nawalan ng interes.
I was about to close the cabinet when I noticed a fancy box lying on the corner of the cabinet. Kinuha ko ito at binuksan. Nakuryoso ako ng makitang, puro pala polaroid photos ang naroon. Naupo akong muli sa kama, at sinimulang pagmasdan ang mga litrato.
The first photo is a picture of a girl, widely smiling at the camera while holding a whisk and a silver mixing bowl. Parang nagbe-bake siya ng kuhanan siya ng litrato ng patago ngunit nahuli niya ang kumukuha sakaniya ng litrato. Second was also the same girl but different scenes. Nakaupo ang babae sa gawa sa sementong bench habang pinagmamasdan ang makukulay na paro-parong lumilipad.
Doon ko napansing ang litratong iyon ay kuha lang sa Garden ng mansyon. Sunod ko namang tiningnan ay ang ikatlong litrato. Dalawang kamay iyon na magkahawak at parehong may silver na singsing na suot. Sa hindi malamang dahilan ay kumirot ang aking dibdib. Iwinakli ko ang nararamdaman kong iyon at sunod ng tiningnan ang ikaapat na litrato. Kumunot ang aking noo ng makilala ko ang nasa litrato.
Si Allen iyon na nakaupo sa salas at nakangiwi. Nasa harap nito si Manang na mukhang sinesermonan si Allen. It was a adorable photo yet for some reason, it pained me. Muli kong inabot ang larawang nauna kong hawakan.. iyon ay ang litrato kung saan may dalawang magkahawak na kamay at kita ang dalawa nilang kulay silver na singsing.
(Photo on the multimedia)
Ng tingnan ko ang likod nito ay nagulat ako ng makitang may nakasulat rito. Naroon rin ang date kung kailan kinunan ang litrato.
April 24th, 2015
This is the day, when we both promised that we will meet each other on the altar.... but I'm afraid I won't be able to fulfill that promise. I love you, so so so so much babe, and it hurts me that I have to do such thing in order to protect you, our memories, and everything we build together, even the future that we dreamed. Trigger, you are my life, my world, and the air that I am breathing. I don't even know if I will be able to handle a day without you. I'm sorry, I love you, and goodbye.
Tumulo ang aking mga luha sa bawat letrang aking nababasa. Ramdam mo talaga ang mga salita na tila sinulat ito ng gamit ang tintang may patak ng kaniyang luha. Sobrang sakit lang.
Natigilan ako ng magbukas ang pintuan ng kwarto namin ni Allen at bumungad saakin si Manang. Napatingin siya sa litratong aking hawak at pati rin sa kahong nasa kama. Dahan dahan siyang naglakad patungo saakin at ibinaba ang kaniyang hawak na tray sa nightstand na malapit sa kama. Kinuha niya ang kahon at naupo saaking tabi. Inilagay niya ang kahon sakaniyang kandungan at katulad ko ay pinagmasdan rin ang bawat litrato.
Taliwas saaking mga naging reaksyon ay ngumingiti si Manang at maluha luha rin ang kaniyang mga mata na saaking hinuha ay dahil sa... pangungulila?
"Manang... sino siya?" tanong ko na tumutukoy sa babaeng nasa larawan. Napatingin saakin si Manang at ibinalik ang mga litrato. "Ang babaeng... mula sa nakaraan." natigilan ako at bakas ang gulat saaking mukha.
Pinunasan niya ang kaniyang mga mata at tumayo na. Marahan niya akong nginitian at binawi mula saakin ang litratong hawak ko at ibinalik iyon sa kahon. Marahan niya akong pinatayo at masuyong hinagkan ang aking pisnge.
"Pero... hindi na siya mahalaga. Dahil sa mansyong ito, siya ay patay na."
****
BINABASA MO ANG
Carrying The Mafia Lord's Son
Romance"I did loved him. Hell, I even accepted him. But what can I do? I am just carrying the Mafia Lord's son." ⚠Revised Version⚠ **** This is a work of fiction. Any copy distributed without the permission of the Author are considered plagiarizing. Thank...