Kabanatang Katapusan

20.7K 412 10
                                    

"And.. done."

Napaayos ako ng tayo at sinipat ang kabuoan ko sa isang full length mirror.

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata ko.. pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang lahat. Na ang lahat ay mawawala sa isang iglap sa oras na gumising ako.

"Very beautiful.. isn't she, honey?" pumasok sa kwartong kinaroroonan ko ang mga magulang kong parehong nakabihis para sa espesyal na okasyong ito. "I can't believe it.. one of our princesses is getting married." kahit naiiyak ako ay napatawa ako sa sinabing iyon ni Daddy.

Ngayon na ang takdang araw na magiisang dibdib kami ni Trigger. Ilang araw din ang hinintay namin para mangyari ito, ilang araw din kaming nagpagod para maging perpekto ang lahat pagdating ng kasal namin.

Halos lahat ng kakilala namin ni Trigger ay narito sa kasal na ito. Maging ang iilan sa media ay narito rin para icover ang kasal namin. Kahit naman hindi ito gaano kabongga at engrande eh, agaw atensyon parin ito lalo na at ang ikakasal ay ang business tycoon na si Allen Trigger Valdemore.

"The wedding will start in twenty minutes."

Sa sinabing iyon ng organizer ay mabilisan ng tinapos ang pictorial ko kasama ang iilan sa entourage ko.

Maingat at alalay na alalay nila akong isinakay sa magarang sasakyan na dinekorasyonan pa talaga nila ng mga bulaklak.

Never in my life did I thought na ikakasal akong buntis. Not to mention sa isa pang Mafia Lord.

Habang nakaupo roon sa loob ng sasakyan ay pinagtuonan ko ng pansin ang bouquet na nasa aking kamay. Napangiti ako ng makita roon ang paboritong bulaklak ko.. lilies.

I remembered na isa sa mga life goals ko dati ay ang ikasal ng may hawak na bouquet na may bulaklak na lilies, kahit pakiramdam ko ay imposible lalo na at balita ko ay hindi ito madaling hanapin.

But nevertheless, it still happened.

"Slowly." saad ng wedding organizer habang inaalalayan akong bumaba ng mga staffs na kasama ata sa team niya.

Napangiti ako ng makitang tila nakahinga sila ng maluwag ng makita akong safe na nakalabas mula sa sasakyan.

It warms my heart to know that they are somewhat concerned.

Ngunit napapatawa at napapailing na lang ako sa'twing naiisip ko na ang ka-overprotective ni Trigger ang siyang pangunahin ring dahilan kung bakit sila ganito.

"On your places please."

Agad nagsipagpwestuhan ang entourage ng marinig iyon mula sa wedding organizer.

Nagsimula ng kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. I never knew weddings can be this frightening.

Pero pakiramdam ko.. may mali.

Nagsimula na ang wedding march. And as I patiently wait and smiled.. I noticed something.

Sa isang malaking kurtina malapit sa bukana ng simbahan kung saan pumapasok ang lahat ay napansin ko ang isang tao.. base sa body built niya ay babae ito. Ngunit hindi ko nakita ang mukha niya dahil may takip ito na mask.

Pinasingkit ko ang mata ko.. hoping to get a clearer view of the unknown intruder.

"Are you ready, miss?"

Natigilan ako ng marinig ang boses ng wedding organizer. Nilingon ko siya at tinanguan saka umayos na saaking pwesto.

Still curious of the woman, I turned to look at where she was before..

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon