Prologue
Kasal, isang sagradong seremonya na nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan, dalawang taong handa ng harapin ang kanilang mga buhay ng magkasama, at ipangako sa harap ng Diyos na hinding hindi nila iiwan ang isa’t isa sa hirap man o sa ginhawa.
Iyon ang ibig sabihin sa akin ng kasal pero lahat ng iyon ay nagbago dahil sa isang alok na galing sa isang lalaking hinding hindi ko inaasahan.
Hindi ko inaasahang pahalagahan at mahalin.
Iyon at ang damdaming pilit kong itinatago ang nasa isip ko ngayon kasabay ng paglalakad ko sa gitna ng simbahan, habang nakatingin sa lalaking iyon, lalaking ipinangako kong magiging nag iisang lalaki sa buhay ko.
Ngunit, handa na ba talaga ako sa mga mangyayari? Handa na ba talaga ang puso kong tanggapin ang sakit na mararanasan nito pagdating ng panahon?
Hays di bale na nga! Edi masaktan na kung masasaktan. Mahal ko siya at iyon lang ang mahalaga.
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...