15

401 10 0
                                    

15

Sa bahay ni Lj ...

"Ano!? Nagdedate na kayo ng kaibigan ni Tj?"

Nasa bahay na kami ngayon dahil nadischarge na si tatay sa hospital pagkatapos ng tatlong araw na pagka-kaconfine niya doon.

Hindi ko muna pinaalis si Cami dahil nalaman kong kasama niya si Alec bago siya pumunta sa hospital.

"Oo nga, paulit ulit? Makulit lang?"

"Kasi naman eh, nakakabigla ka. Akala ko ba hindi ka pa ready makipagrelasyon?"

"Hmn, yun nga eh, ang balak ko naman talaga ay huwag ng patagalin yung pangungulit niya.

______

Sa Condo ni Tj ...

"Nung una talaga pare parang wala lang talaga yun, hindi ko naman talaga balak mangulit eh, kaso ewan na challenge siguro ako. Ang ilap niya kasi tapos ayun na parang ayaw ko ng lumayo." Si Alec na nagkukwento kay Tj.

_______

"Kaso? Bakit tumagal?"

"Eh kasi may parang nagsasabi sakin na ok lang naman kung subukan ko ulit. Hindi nga siya nagpaparamdam ngayon eh, mejo napaparanoid na naman ako." Si Cami na mejo naguguluhan kung ano nga ba talaga yung intension sa kanya ni Alec.

_______

"Mejo naguguluhan kasi ako ngayon pare. Hindi ko kasi alam kung anong tumatakbo sa isip niya eh, simula nung sa ospital hindi ko pa mapagdesisyunan kung makikipagkita ba ako sa kanya o hindi." Si Alec naguguluhan, first time kasing ma head over heals sa isang babae.

_______

Si Lj at Tj parehas ng binigay na advice sa mga kaibigan nila.

"Alam mo kung talagang gusto mo siya, edi ikaw na mismo ang umamin. Kung malaman mo na hindi talaga siya interesado sa iyo wala tayong magagawa. Pero mas maige ng sumubok kesa naman sumuko ka ng hindi lumalaban. Magtapat ka, hindi na uso ang pakiramdaman sa panahon ngayon." Si Lj at Tj ang nagsasalita.

_______

"Tama ka pare, hays mejo lutang lang ako, napepressure kasi eh."

"Sus, kaya mo yan ikaw pa? Kelan ka ba sumuko?"

"Never. Sige pare tatawagan ko na siya. Mejo nami miss ko na rin si Cami eh."

Hays parang batang nanalo ng candy tong si Alec ah.

_______

Samantalang ...

"Paano kung hindi maganda yung kalabasan ng pagtatapat ko? Paano kung pagtawanan niya ako? Paano kung mapag alaman kong nangti trip lang pala talaga siya? Paano -"

"Paano kung pagkatapos mong magsabi ay maging masaya ka sa kalalabasan? Alam mo kaya ka nga aamin eh. Pag ganoon dapat handa ka sa kahit anong kalalabasan ng gagawin mo. Kasi dalawa lang naman yan eh magiging masaya ka o masasaktan ka ulit, pero kung yung huli yung mangyayare nandito lang ako alam mo yan. Ayaw mo nun nalaman mo na bago ka pa talaga mahulog o ang mas malala eh yung sagutin mo siya tapos malaman mong niloloko ka lang pala niya. Diba?"

Ngumiti si Cami tapos tumayo at niyakap si Lj.

"Da best ka talaga. Salamat. Oh siya aalis na ako at baka hindi na ako makakabalik sa hospital dahil kung hindi late ay absent ako dahil sa pagbabantay ka tatay Ric."

"Sige na, salamat ha? Sorry na din dahil naabala kita."

"Wala yun basta ikaw. Bye!" Tapos umakyat siya sa taas. "Bye tatay Ric, pagaling ka!"

"Grabe umakyat ka na sa itaas sumigaw ka pa. Balak mo yatang mabingi si tatay eh"

"Hindi naman, Sige na"

"Bye!"

15 minutes later ...

May nagring na cellphone, hinanap ko iyon at nang makita ko ay noon ko lang naisip na cellphone ko pala iyon nagpalit nga pala ako ng ringtone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at napag alaman kong si Tj pala ang tumatawag.

"Hello?"

"Liara meet me at the lobby of my hotel, get dressed and be here before noon." Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono.

Huh? Anu yun? Grabe mukhang bising busy talaga siya ah.

Makapag bihis na nga.

15 mins later ...

Nakasuot lang siya ng jeans at blouse na kulay cream para medyo formal.

"Tay, alis muna ako pinatatawag ako ni bossing eh."

"Huh? Sinonng bossing?"

"Si Tj, haha, wala lang napag tripan ko lang siyang tawaging bossing."

Whoo muntik na ako dun ah?

Hindi pa nasasabi ni tatay Ric na alam na niya yung plano ni Tj. Kaya ang alam ni Lj walang alam si tatay Ric sa kasunduan. At napag isipan na niyang itago ang totoong sitwasyon nila. Ang aaminin lang niya ay mag on na sila at malapit ng ikasal dahil na rin sa kahilingan ng mama ni Tj na makita silang ikakasal dahil sa may Cancer ito.

"Sige tay alis na ako, wag niyong kakalimutang uminom ng gamot okay?"

Sandaling hindi makasagot si tatay Ric.

"Yes Ma'am!" Nakangiti niyang sabi.

Hindi ko masabi kay Lj na alam ko na ang tungkol sa kanila, gawa na rin ng napag usapan namin ni Amelia. Hays sana'y tama ang ginawa kong desisyon. Para naman to sa iyo anak.

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon