24
Dalawang buwan
Dalawang buwan na ang nakakalipas magmula nung nangyari iyon, simula noon naging kaswal na lang kami sa isa’t isa. Lagi na din niyang kasama si Nikki, minsang tinanong ako ni Cami kung bakit nakita daw niya si Travis sa isang restaurant kasama ang isang babae, at base sa pagkakadescribe niya ay si Nikki iyon. Pero ang sinagot ko lang ay magkababata silang dalawa kaya wala lang iyon. Lingid sa kanila na iniiyakan ko iyon tuwing gabi at tinatanong ko sa sarili ko kung paanong ang isang masayang gabi ay kapalit noon ang isang relasyong singlamig ng yelo. Nadagdagan pa ang bigat na dinaramdam ko nung minsang nagkasalubong kami ni Nikki sa mall.
“Oh, Lj right? Tj’s fiancé?”
“Ah, yes ako nga.” Pagtapos nun ngumiti siya, more like ngumisi siya.
“Hmn, well Tj said that tita have chosen you to be his fiancé and that he didn’t love you and I am the one that he really loves.”
Para akong binagsakan ng bloke ng simento sa narinig ko. Alam ko naman na binayaran lang ako eh, pero bakit kelangan pa niyang ipamukha sa akin iyon?
“Oh well, I’d better go kasi may date pa kami ulit ni Tj eh, take care okay?” at naglakad na siya palayo.
Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay para kaming panahon, pabago bago, pag nakaharap kami sa ibang tao ay para kaming tunay na magkasintahan na parang hindi mapaghihiwalay pero pag hindi na ay para kaming dalawang tao na may isang malaking pader ang nakapagitan. Pero ang labis na gumugulo sa akin ay hindi lang isang beses nangyari ang halikang namagitan sa amin, ang tangi lang nakakapagpaluwag sa damdamin ko ay sa tuwing nangyayari iyon ay may bagay na pumupigil para matuloy iyon sa isang bagay na pagsisihan namin.
“Oh my God! Hija bakit ka umiiyak? Masisira ang make up mo! Big day mo pa naman ngayon.”
“Ay ate sorry po, masyado lang po akong nadadala sa emosyon ko.”
“Hay naku ganyan talaga yan, hindi talaga mapipigilan. Ang luha kasi karugtung na ng emosyon, parang pag-ibig kapag naramdaman mo na hindi mo na mapipigilan. Magpupumilit talaga yang lumabas hangang sa parang sasabog ka na.” mahabang paliwanag ni ate yung make up artist.
“Tama ka jan ate, wala nga’ng pinipili ang pag ibig eh, at ang masaklap pa iibig ka sa pinaka huling lalaking naiisip mong mamahalin mo.”
“Hahahaha, parang may laman yang sinasabi mo ah, oh siya magretouch na lang tayo dahil nahulas na yang make up mo.”
Napangiti na lang ako, ngiting hindi umabot sa mata. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin wala akong makitang saya sa babaing nakikita ko doon, hanggang sa nakita ko si tatay sa may pinto.
“Anak pwede ba akong pumasok?”
“Si tatay naman, kayo pa! Syempre pwede kayong pumasok.”
Ang tingin ko sa lahat ng nangyayaring ito sa buhay ko ay isang pagkakamali, at ang tanging tama lang ay ang lahat ng ito ay para sa tatay ko. Niyakap ko siya ng mahigpit paglapit na paglapit niya.
“Mahal na mahal po kita tay.”
“Mahal na mahal na mahal din kita anak, at lagi mong tatandaan na lahat gagawin ng tatay para mapabuti ka at maging masaya. Pag nagkaproblema ka lagi mong tatandaanan na nadito lang ang tatay ha?”
“Opo tay.” Nakangiti kong sabi, iyon na yata ang pinaka totoong ngiti ko ngayong araw.
“Tay, Lj oras na daw para umalis.”
“O sige at susunod na kami ng anak ko.”
Pagkasakay sa sasakyan ay tinanong ako ng itay.
“Ready ka na ba anak?”
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...