17

387 9 0
                                    

17

Sa bahay …

“Magandang hapon ho tatay Ric.”

Mejo hapon na kami nakauwi dahil may inasikaso lang saglit si Tj sa hotel, hindi kasi pumayag ang mokong na mag comute ako.

“Oh? Tj, bakit naparito ka?”

“Hinatid ko po kasi si Liara pauwi. Galing po kasi kami sa hotel kasi nag –“

“Nag usap kami kanina para sa kasal tay.”

Tapos nun siniko ko si Tj at pinandilatan ko.

“Ah, talagang pinagpaplanuhan niyo na yang kasalan na yan ano?”

“Opo, hindi na po kasi ako makapaghintay na makasama si Liara doon sa bahay eh.”

Tapos tinitigan niya ako sabay nagwink. Ayan na naman ang abnormal kong puso bumibilis na naman ng hindi ko naman malaman kung bakit.

Ano ba talagang nakain ni Tj ngayon?

“Naku ikaw ha, ang kulit kulit mo. Uasapan natin patatapusin mo muna ako ng pag aaral ko.”

Tapos nag fake ako ng smile.

“Hehe, oo naman basta pagkatapos mo okay na ha? Excited na kasi akong magka junior eh.”

Sabay kaming napatanga ng tatay ko sa sinabing yon ni Tj. Ano bang nasa isip ngayon ni Tj at bakit parang ibang tao siya sa harap namin ngayon? At bakit parang walang hirap niyang nasasabi ang mga ganoong bagay?

“Ah eh, ehem, Tj dito ka na kumain at mejo pagabi na rin naman.” Nauutal na sabi ni tatay Ric

“Oh sige po, para makasama ko pa ng matagal si Liara.”

“Hahaha, ikaw talagang bata ka, palabiro ka. Halina’t magluluto pa tayo. Papagpahingahin mo muna yang si Lj.”

Paakyat na si Lj ng marinig niya yung sagot ni Tj

“O sige po ng tayo naman po ang magkalapit ang loob, kelangan ko pong magpalakas diba para hindi naman po magmukhang ninakaw ko ang anak niyo.”

Napamulagat siya sa kanyang narinig, nagulat talaga siya sa sinabing yon ni Tj. Hindi na lang niya naiwasang mapailing.

Nagmadali siyang nagbihis at tutulungan na niyang magluto ang tatay niya ng makakain na at umalis na agad si Tj. Hindi niya talaga alam kung anung nangyari kay Tj at bakit ganun ang mga kilos niya.

Habang nagluluto …

“Ako na jan Tj maghintay ka na lang sa mesa o kaya maghain ka na ng plato at kubyertos para sa tatlo.”

“Ayaw mo ba ako dito?”

“Hindi naman sa ganon, bisita ka kaya dapat lang na kami na ang gumawa ng lahat dito. Wag ng makulit at umupo ka na doon.”

Parang bata naman na sumaludo si Tj.

“Yes ma’am!”

Tapos nagmartsa na palabas ng kusina.

Makalipas ang 30 minuto.

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon