30

387 9 0
                                    

30

Bandang magtatanghali ng magising si Travis, agad niya namang tinawag si manang para manghingi ng mainit na kape. Hindi niya siguro napansin na nandito lang ako sa malapit.

“Uhm Travis, ako na lang ang magtitimpla sa iyo ng kape.” Agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at parang puno iyon ng pagsisisi at lungkot. Pero agad din iyong nawala ng magsalita siya.

“Okay, salamat Liara. Ikaw ba ang may gawa nito?” ang tinutukoy niya ay ang kawalan niya ng coat at pagkakaroon ng kumot pati na rin ang pagkakahiga niya sa sofa.

“Oo, ako nga, mukha kasing lasing na lasing ka kaya naman pinunasan na kita para naman mabasawan ang pagkalasing mo.” Napatungo naman siya at napahawak sa ulo niya. Kaya naman iniisip kong masakit ang ulo niya kaya umalis na ako at tumungo sa kusina para magtimpla ng kape.

Ilang minuto lang ay hinatid ko na ang kape at idinulog sa kanya. Tinitingnan ko lang siya habang umiinom, wala talagang dudang napa kagwapo niya kahit na hindi pa siya nakakapagahit o nakakaligo, parang ang bango bango pa rin niyang tingnan. Noong una ay hindi ko inaakalang mamahalin ko siya, dahil talagang nakakainis siya, sa sobrang inis ay nasabi kong hinding hindi ko siya magugustuhan ngunit lahat ng sinabi ko ay kinain kong lahat, dahil sa una pa lang pala ay nagustuhan ko na siya, hindi ko lang agad nalaman dahil mas nauna ko siyang kinainisan dahil sa sobrang yabang niya. Nakakatawa tuloy isipin na kahit sabihin ko ngayon na handa akong mawala siya sa akin ay alam kong masasaktan pa rin ako ng sobra at alam kong kahit anong gawin ako ay hindi na babalik sa dati ang buhay ko. Dahil kahit sa halos apat na buwan naming pagkakakilala ay nagkaroon na siya ng puwang dito at kung mawawala siya ay alam kong kalahati nito ang madadala niya sa kanyang pag alis.

Dahil na rin siguro sa malalim kong pag iisip ay ganoon na lamang ang pagkapatda ko ng mag ring ang telepono ko. Ordinaryong tunog na lamang iyon dahil nga hindi ako natutuwa doon sa recorded ringtone na ginawa ni Travis. Napatangin naman ako sa gawi ni Travis na nanatiling walang ekspresyon. Hmn baka nga napagtripan lang niyang irecord iyon, pero dapat kahit papaano ay may reaksyon siya diba? Iwinaksi na lamang niya ang isiping iyon at sinagot na lamang ang tawag.

“Hello?”

“Nandito ako sa mall sa bayan, dito sa Max’s restaurant. Pumunta ka na ngayon na.” dire-direchong sabi ni Cami na seryoso pa rin ang tinig, matapos naman noon ay binaba na rin niya ito kaagad.

“Sino iyon?” tanong naman ni Travis.

“Ah, si Cami pumunta kasi siya dito ngayon. At pinapapunta niya ako sa bayan.”

“Si Cami? Bakit naman siya pupunta dito?”

“Ah, wala naman, madaya daw kasi ako at ako lang daw ang nagbabakasyon.”

“Ah ganoon ba. Sige pumunta ka na tutal nandito na rin naman siya. May dapat pa din kasi akong tapusin eh.”

“Okay, Salamat, magbibihis lang ako.”

“Sige ingat.”

At matapos nga noon ay muli akong umakyat at nagbihis na, nasa labas na ako at pababa na ng hagdan ng makita ko si Travis na seryoso na naman ang mukha at parang may bahid ang galit dito, ngunit ng mapatingin siya sa gawi ko ay agad naman itong napalitan ng gulat, tapos ay bahagya itong nag iwas ng tingin na para bang may ayaw siyang makita ko o marinig man lang.

Huwag ka na ngang mag isip, dahil sa ipinapakita ni Travis ay nagpapatunay lamang na wala ka ng pakialam sa mga ginagawa niya.

Dahil doon ay nagdirecho na lamang siyang umalis. Paglabas niya ng bahay ay nakita niya ang pick up na sinakyan nila papunta doon, pati na rin si Kuya Liandro, iyon yung driver din nila na sumundo sa kanila.

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon