20
After duty sinundo nga ako ni Travis at nasa sasakyan na kami ngayon.
Mahabang katahimikan ang nakapagitan sa aming dalawa.
Gabi na kaya kesa naman mapanis yung laway naming dalawa ay ako na ang mauunang magsasalita.
“Kumain ka na ba?“ Sabay naming sabi.
“Hindi pa.” Sabay ulit kami.
Tapos katahimikan ulit. Ngunit para bang iisa talaga kami ngayon ng iniisip dahil matapos ang mahabang katahimikan ay sabay ulit kaming bumalanghit ng tawa. Siguro okay na rin iyon ng mawala na ang hindi nakikitang pader sa pagitan naming dalawa. Dahil doon ay parang bulang nawala ang anumang inis ko sa kanya. Tama hindi naman ako galit sa kanya, inis lang dahil sa hindi talaga maganda iyong biro niya pero hindi sapat iyon para magalit ako sa kanya.
“Matitiis mo pa ba yang gutom mo?” tanong ni Travis. Napatingin tuloy ako sa kanya, dahil siguro sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nagsasalita nap ala siya.
“Oo bakit?”
“Sa bahay kasi tayo pupunta, sorry kung walang pasabi, nagpaluto si mama nung paborito mo.”
“Talaga? Hindi na sana kayo nag abala.”
“Sus namiss ka na daw kasi niya, at kilala ko si mama hindi titigil yun hangat hindi kita kasamang umuwi.”
“Ah, haha, sige mas nakakahiya naman kung tatanggi ako diba?”
“Buti alam mo.”
Katahimikan ulit. Yung parang tuwing tatahimik ay parang may pader na namang nakapagitan sa aming dalawa.
“Uhm, Liara about sa nangyari 3 days ago, yung dun sa bad joke. I’m sorry about that.”
“Ah, yun ba? Wala na sa akin yun, kung dinibdib ko masyado yun e di sana wala ako dito.”
“Talaga? Thanks kung ganon.”
Tapos ngumiti siya ng bonggang bongga!
Oo na aaminin ko na namiss ko siya ng konti … Hay, oo na namiss ko siya ng sobra.
Ewan ko ba, hindi ko naman pwedeng aminin kasi temporary lang tong sa amin ni Travis. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na pwede bang totohanan nalang kasi baka pag tawanan niya lang ako. Isang Travis John Evangelista maiinlove sa akin? Pwede ba, sino bang niloko ko?
“Hoy, hindi ko na kayang sisirin yang iniisip mo sa sobrang lalim.”
“Ha? Ah eh, wala lang iniisip ko lang kung na bother ka about dun sa nangyari.”
“Ah, yes aaminin ko. Mejo hindi nga ako mapakali, first time kasi na may nagalit sa akin ng ganon.”
Yun lang? akala ko naman concern siya na baka hindi ko na siya pansinin kasi galit ako sa kanya.
“Ah okay.”
“Hmn, tsaka baka hindi ka na mamansin pagkatapos nun. Moody ka pa naman.”
Hooray! Magdiwang ang lahat ng magaganda. Hahaha Lord thank you. Iniisip niya rin pala yun.
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomansaSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...