Epilogue
Nandito kami sa Tagaytay sa Picnic Grove kasi itong si mister ay naisipang magbonding kasama si Laric ang 4 year old baby boy namin, Laric Raven Evangelista, bakit iyon ang pangalan niya? Iyon kasi ang gusto ni Travis na name ng magiging baby niya noon pa kaya iyon, astig daw pakinggan.
Kasalukyang pinapanood namin si Laric habang nagpapalipad ito ng saranggola.
“Daddy look! My kite was so high!” masiglang sabi niya sa amin. Hays halos limang taon na noong naglayas ako, mabilis talaga lumipas ang panahon. Noon pangarap ko lang ito, pangarap na ni sa hinagap ay hindi ko inisip na magkakatotoo, dahil akala ko wala siyang pagmamahal sa akin pero ngayon nakikita kong mahal na mahal niya kami at totoong tinupad niya ang sinabi niya noon sa kasal na uumpisahan niya ang forever naming dalawa. And now I am not hoping for forever because we are now starting to build our forever.
Nasabi sa akin ni Travis na kinausap daw siya ni tatay noon, at sinabing huwag daw akong sukuan, dahil pagsubok lang daw iyon na dapat naming lampasan. Tama si tatay pagsubok lang iyon na magpapatatag sa aming pagsasama, at alam kong maraming pang darating habang tumatagal pero hanggang kasama ko Siya, si Travis at ang baby namin pati na rin ang mga walang sawang nagmamahal sa amin ay alam kong makakaya namin iyong lampasan.
Alam ko rin na mula sa kung nasaan man ngayon si tatay ay alam kong nakikita niya kami at walang sawa kaming ginagabayan. Muli na naman akong nalungkot, dalawang taon na nung namatay si tatay, hindi na kinaya ng katawan nito ang sakit na iniinda at nakita na lamang namin siyang nakahiga sa kama niya na parang natutulog lang, bakas ang paghihirap sa mukha nito ngunit ewan ko ba parang nakita ko din na bahagya itong nakangiti na parang sinasabing masaya siyang aalis. Pero kahit ganoon ay matagal bago ako nakapag move on, si tatay lang ang nagiisa kong kamag anak, ang dahilan kung nasaan man ako ngayon, kaya ang makita siyang lumisan ay sadya talagang napakasakit, na kahit anong pilit mong saksak sa sarili mo na tanggap mo na ay masasaktan at masasaktan ka pa rin kapag nangyari na. Hay tay, miss na miss na kita.
“Misis, para sa akin tae ka.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
“Tae!? Ganoon? At bakit naman aber?” nag uumpisa tuloy uminit ang ulo ko, nag-e-emote ako tapos bibirada siya ng ganoon.
“Tae ka kasi hindi kita kayang paglaruan.” Napatda naman ako ngayon, iyon pala ang ibig niyang sabihin.
“Hmp, pasalamat ka maganda yong banat mo.” Sabay irap.
“Ito naman oh, nagsusungit ka na naman, pinpatawa lang kita kasi parang malungkot ka eh. Naiisip mo si tatay no?”
“Hay, oo eh.”
“Ok lng yun, natural lang na mamiss mo siya. Pero lagi mong tatandaan na nandito lang ako okay?”
Hays ito ang life, makasama mo lang ang pamilya mo ng ganito ay kumpleto na, may bonus pa. Salamat talaga sa Diyos.
“Tae ka ba?” aba bumabanat na naman.
“Bakit?” Nakangiti kong tanong.
“Ang baho mo kasi eh.”
“Naman Travis eh”
“Hahaha, Joke lang. I love you misis.”
“Hmp, I love you too.”
The End
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...