11

414 11 0
                                    

11

Tapos na kaming kumain at nasa penthouse na kami ulit ngayon, nandito na din yung attorney na magle-legalized pala ng contract na pipirmahan namin ngayon.

“Okay umpisahan natin sa kasal, sa ibang bansa tayo ikakasal para madali ding magdivorce, are you okay with that?”

“Okay.” Oo na lang. iyon lang naman ang kaya kong sabihin eh.

“Tapos sa honeymoon dun na lang din kung saan tayo ikakasal, which is sa Hongkong na lang para malapit.”

“Hongkong? Pwede ko bang isama si papa?”

“Are you kidding? Of course kasama siya. Hindi naman secret wedding ang magaganap. Yun nga lang private wedding, pure families and selected friends lang ang kasama.”

“Ah sorry naman, hindi ko naman alam eh.”

“Tapos magsasama tayo sa mansion, at dahil kasama natin si mama doon, hindi tayo pwedeng maghiwalay ng kwarto, is that okay with you?”

“O-okay lang basta sa duration ng kasal bawal mag take advantage, hindi porket kasal tayo ay magagawa mo na yun sa kin.”

“Haha, of course, sayang naman.” Aba’t mokong na to ah.

“Ehem, D-diba may kontrata tayong ginagawa.”

“Ah yeah, bawal ang kahit anong makakasira sa pangalan ng bawat isa once na maikasal.”

“Tulad ng?” parang sinabi niya na sisirain ko yung napaganda niyang pangalan.

“Tulad ng kung may magiging boyfriend ka ay bawal yung lantaran. Itago mong maigi dahil lalabas na isa akong martir na asawa.”

“Aba’t, ang kapal mo din no, ikaw tong mahilig sa ganyan tapos sakin mo ibabato yan.” Grrr kanina pa to ah.

“Haha, In case lang naman eh.”

“Tsk, Bawal kang pumasok ng kwarto na lasing.” Sabi ko, maige ng nakakasigurado.

“Huh? Ano namang klaseng kondisyon yan.”

“Bakit may angal ka? At tsaka bakit ka magpapakalasing? Ibig sabihin may problema tayo pag nagpakalasing ka. Ano na lang ang sasabihin ng mama mo?”

“Well, you’ve got a point, akala ko kasi dahil natatakot kang may gawin ako sayo kapag lasing ako eh.”

Mind reader ba siya? Kasi iyon mismo ang iniisip ko, pero siyempre hindi ko iyon sasabihin sa kanya.

“Hindi no.”

“Okay in terms of money. I’ll pay you twice five hundred thousand after our wedding and one million after the divorce. Is that okay with you?”

“Uhm, okay lang.” Napaka uneasy naman nito.

“Ah, nga pala if something happen like what happen at the party, I’ll pay you for it.”

“Yung kiss?”

“Yeah, as partners situations like that will obviously happen.”

“Ah, oo nga pala, okay lang ba kung ako ang magsasabi ng presyo?”

“Uhm, okay basta yung reasonable lang”

“Five thousand sa kiss, two five sa hug at one thousand sa holding hands.”

“Medyo mahal yung mga sinabi mo ah? Sa mga club nga eh ten thousand okay na.”

“Well, hindi ako katulad ng mga babaeng yun. This is purely business, kaya kahit anong lalagpas dun ay may bayad na.”

“Okay okay, masyadong ka namang hot.”

“Naninigurado lang.”

“Is that all?”

“Okay na sa akin yun, malaking tulong na ang isusweldo mo sakin kaya wala akong maidadagdag pa.”

“Okay attorney paki revise na lang, and then bring it to me whenever it is done and we’ll sign it.”

“Yes  Mr. Evangelista, and good day.”

Nagpaalam kami kay attorney, pag tingin ko sa bintana ay madilim na, hindi ko namalayan na gabi na pala.

“It’s already 7:30 pm, medyo napatagal tayo sa pag kain sa restaurant at sa pag aayos ng contract kaya ginabi na tayo. If you want you can stay here.”

“Huh? H-hindi pwede kasi, mag isa lang si tatay sa bahay, baka sumpungin yun ng sakit niya tapos wala ako, tsaka maaga pa naman.”

“Okay, but I will take a shower muna, I really feel exhausted and I need it badly.”

“Uhm, sure dito lang ako, basta bilisan mo lang.”

Tapos nagshower na siya, narinig ko yung lagaslas ng tubig, para tuloy inaaanyayahan akong pumasok din sa loob, tapos na-imagine ko si Tj, na naliligo … Bumagasak yung tubig sa ulo niya, sa leeg, sa malaki niyang balikat hangang sa matigas niyang dibdib, tapos dun din sa abs niya at bumaba sa …

 Napatigil ako sa pagiisip ng mapagtantanto ang tinatakbo ng mga iyon. Stop Liara, nag dedeliryo ka na, nag i-imagine ka ng kung ano ano.

Tapos lumabas na siya, nakatapis siya ng tuwalya na mula bewang.

Napatalikod ako.

“Haha, nakita mo na naman yung upper body ko diba? Nung binihisan mo ako, so stop acting like a virgin prude there.”

“H-huh? Magtigil ka nga bilisan mo na lang magbihis.”

Tapos biglang may humawak sa balikat ko.

“Or maybe you're still a virgin?”

Gosh, naamoy ko yung male scent niya. Tapos pumapatak pa yung tubig galing sa buhok niya.

“Huh? Eh, a-ano naman k-kung ganon nga. Tsaka pag labag yan sa kontrata.”

Tapos niyakap niya ako mula sa likod.

Lalo akong kinabahan, mali parang mas madaling sabihin na kinikilg ako. Huh? Kinikilig ka jan, tahimik!

“Wala akong nilalabag na kahit na ano, dahil hindi pa natin napipirmahan yung contract at lalong hindi pa tayo kasal kaya wala pang legal na arrangement.” Tapos hinarap niya ako.

Nagkatititgan kami

He bends his head slowly, until our lips met. I didn’t resist but I didn’t move either, I’m still in shock because of what's happening. His grip tightens and his tounge coaxing to open my lips and when I open it the kiss deepens, a moan suddenly comes out of my throat and then the kiss went down on my neck and his hands started to roam around my body.

Tangkang huhubarin na niya ang blouse ko ng mag ring ang cellphone ko.

“Ouch!” Naitulak ko si Tj, nagulat kasi ako sa tunog ng cellphone ko.

“S-sorry, uhm hindi ko sinsadya, uhm magpalit ka na medyo gabi … na rin  kasi eh.” Hinihingal pa rin ako. Hindi ko siya matingnan sa mata, tapos siya parang naguguluhan na hindi rin makatitig sa akin.

“Uhm, sorry I was just teasing you, kaso nadala na ako ng mood, ewan ko parang may humila sa akin na gawin iyon.”

“So stop teasing me, magbihis ka ng madali para maka uwi na ako agad.”

Nang kunin ko yung cellphone ko, end na yung call, si Cami pala yung tumawag.

Thank you Cami, maaasahan ka talaga, baka kung saan kami humantong kung hindi ka tumawag, i-treat kita pag nagkita tayo.

“Let’s go”

Nakasakay na kami sa kotse pero wala pa ring imikan sa pagitan namin. Medyo akward kasi, after ng kiss parang nakaka ilang na makipag usap sa kanya.

“Nandito na tayo.”

“Salamat. Magkita na lang tayo sa pirmahan ng kontrata,”

“Okay.”









I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon