29

363 8 0
                                    

29

Matapos kong kumain ng agahan ay nag ayos na ako ng mga dadalhin ko sa rest house nila Travis, naikwento sa akin ni mama na kahit walang aircon ay makakatulog ka ng masarap doon dahil malamig, presko at sariwa ang hangin doon dahil napalilibutan iyon ng sari saring puno, pero mas lamang ang puno ng niyog dahil ang rest house nila ay nasa gitna ng farm nila ng mga niyog. Kaya naisipan kong magdala ng mga damit na hindi maninipis, pero may ilan akong dinalang sun dress dahil kahit papaano ay summer pa rin naman. Hindi ko tuloy maiwasang humanga lalo kay mama, dahil bukod sa hotel ay nagagawa niyang magpatakbo ng isang farm, at di ko akalaing hasyendero din pala sila.

“Misis, tapos ka na bang ma aga-. Oh! Nag iempake ka na pala dapat tinawag mo ko.” Bigla niyang pagtatampo sa paghahanda ko ng hindi siya kasama.

“Ha, ah eh, kasi akala ko ay nakapaghanda ka na ng gamit mo eh.”

“Hmp, dapat tinanung mo muna ako kung ganoon, hindi maganda na puro akala ang pinaiiral mo.” Parang batang sagot niya, kaya naman kaysa makipagtalo ay hinayaan ko na lamang siya.

“Hmn, hindi pa naman ako tapos, halika dali ilabas mo na ang mga dadalhin mo.” Yaya ko sa kanya na parang ako ang nanay niya. Kasi naman sa klos niya para siyang bata.

Kaya pala siya nagtampo ay dahil hinihintay niya akong magising para sabay kaming maghanda ng gamit, para na rin masala niya ang mga dadalhin kong damit, at ganoon na rin sa kanya. Ang kulit nga niya eh, bawat ilalabas niyang damit sa closet ay itatanung niya muna sa akin kung ok lang bang dalhin iyon o hindi.  Kaya tuloy imbis na mapabilis kami ay lalong napabagal dahil sa kakulitan ni Travis, napapailing na lang tuloy ako.

Matapos noon ay nagpaalam na kami ni Travis kina mama, tawa nga ng tawa si Travis dahil umiyak si mama dahil mamimiss daw niya ako, daig pa niya si tatay na nakangiting nakatingin lang sa amin, tiwala daw kasi siya kay Travis kaya hindi na lang siya gaanong magsasalita. Ewan ko ba may kung anong meron ngayon sa mga tao sa paligid ko at ang pinaka naguguluhan ako ay kay Travis, kahit natutuwa ako na parang bumalik na kami sa dati ay nahihiwagaan pa rin ako sa pagbabago niyang bigla. Imposible kasing dahil sa nangyari sa amin ay ganoong kabilis siyang magbabago ng isip. Dahil sa nakikita ko nitong mga nakaraang araw ay parang lumalabas na hadlang ako sa pag iibigan nila ni Nikki. Di nga ba’t nagawa pa nitong makipag kita sa babae kahit alam niyang alam sa opisina nila na kasal siya sa akin? Hays mababaliw ka lang kung patuloy mo pang iisipin iyan.

Nakasakay na kami sa sasakyan ni Travis ng magsalita siya.

“Misis, pagdating natin doon magpahinga ka agad ha? Kasi may gagawin tayo kinabukasan surpresa ko sayo.”

“Huh? Ano naman iyon?” nagtataka kong tanong.

“Surpresa nga eh, haha maghintay ka na lang par asa iyo din naman iyon.” Halos mapunit na ang pisngi niya sa sobrang pagngiti.

“Ay sandali lang misis may na kalimutan ako sa loob ng bahay.” Matapos noon ay maliksi siyang umibis ng kotse.

Nang makalabas siya ay naisipan kong buksan ang radyo at makinig na lang ng tugtog habang naghihintay. Nakakailang kanta na ang tumugtog ngunit wala pa rin si Travis. Asan na ba ang damuhong iyon, bakit ang tagal naman yata niya sa loob. Pero sa kabila ng matinding pagkainip ay pinili pa rin niyang mag hintay. Hindi naman problema ang flight nila dahil private plane naman ang sasakyan nila.

Maya maya pa’y nakita ko na siyang lumabas ng bahay at sumakay na sa kotse.

“Ano bang ginawa mo doon sa loob ha?”

Ngunit wala akong nakuhang anumang sagot mula sa kanya. Sa halip ay pagtiim lang ng bagang at seryosong mukha ang nakita ko sa kanya. Dahil doon ay mas pinili ko na lang na manahimik. Ganoon lang kami hanggang sa makababa na kami sa private plane. Nagsalita lang siya noong dumating na ang sundo naming pick up papunta doon sa rest house nila at pagkatapos noon ay tahimik na naman siya at di na muling umimik.

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon