9
“Come in.”
“I have the address ma’am, and he’s sick and living with her only daughter.”
“Really? Daughter? How old is her daughter?”
“19 ma’am.”
“19 hmn not bad, we will go there now, I really miss that friend of mine.”
“Yes ma’am.”
Pag kalipas ng isang oras …
May kumakatok sa pinto ng bahay nila Lj. “Anjan na.” Si mang Richard.
At pag bukas niya ng pinto …
“Hello Ric.” Bati ng isang may edad na babae ngunit maganda pa rin kay mang Richard.
“Amelia? Ikaw nga ba yan?” nagulat si mang Richard parang hindi pa rin makapaniwala na ang best friend niya ay nasa harap niya ngayon.
“Oo, kamusta ka na?”
Umubo si mang Richard “Ah sandali lang mag tatakip lang ako ng bibig. Pasok ka muna.” Pag kakuha niya ng mask ay hinarap na niya si Amelia.
“Siguro’y nasagot na ang tanong mo. Kung sa pisikal na kalagayan ay halata namang hindi mabuti ang kalagayan ko. Pero kung ang ibig mong sabihin ay kung masaya ba ako ay oo ang sagot ko.”
“Siguro nga, nasaan pala ang asawa’t anak mo?” kunwari’y hindi niya alam na hiwalay si mang Richard.
“Ah, iniwan ako, kami, ng aking asawa dahil sa kalagayan ko. Kasama ko lang ngayon ang anak kong babae na kasalukuyang nasa trabaho.”
“Hmn, ilang taon na yung anak mo?”
“Disinuwebe na siya Amelia. Bakit mo naitanong?”
“Ah eh, baka gusto mong ipakilala sa anak kong bunsong lalaki?”
“Nirereto mo ba ang iyong anak sa anak ko?”
“Iyon ay kung payag ka?”
“Maganda ka Amelia at sigurado akong gwapo din ang iyong anak, siguradong kung sa babae lang din ay hindi siya mauubusan noon.”
“Siguro nga, pero sa tingin ko’y mas mapapanatag ako sa anak mo.”
“May litrato ka ba jan ng anak mo para naman may alam man lang ako kahit papaano.”
Binuksan ni Amelia ang purse niya at kinuha sa wallet niya ang picture ng anak niya.
“Ito si Tj, ang anak ko.” Pag kakita sa litrato ay parang binuhusan ng malamig na tubig si Mang Richard.
“Anak mo ang batang ito?”
“Oo ric, kilala mo ba ang anak ko?”
“Kung gayon ikaw ang ina ni Tj na may cancer?”
“Ah eh, ang totoo’y wala akong cancer Ric, pinalabas ko lang lahat ng iyon dahil gusto ko ng mapalagay sa tahimik ang anak ko.”
“Ano!? Nasisiraan ka na ba Amelia? Bakit mo ginawa iyon?”
“Masisisi mo ba ko ha Ric, sa araw araw na lang ay nababalitaan kong iba ibang babae ang kinakasama ng anak ko. Hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang ideyang walang pag ibig. At iyon na nga ang tingin niya sa relasyon ay panandalian lang.”
“Pero bakit ang anak ko ang napili mo?”
“Kasi’y kilala kita at ng malaman kong babae ang anak mo ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Ric malaki ang maitututlong nito sa iyo lalong lalo na sa anak mo.”
Naguguluhan si mang Richard, alam niya kasing pag pumayag siya sa alok ng kanyang kaibigan ay magiging masakit ito sa anak niya, alam din niya kasing panadalian lang ang gusto ni Tj.
“Amelia, alam kong lingid sa iyong kaalaman na pinaplano ni Tj na magpakasal at kung sakaling mamamatay ka nga o mapasakamay na niya ang mana ay hihiwalayan niya ang babaeng pinakasalan niya.”
“Ano!? Paano mong nalaman ang planong yan ni TJ?
“Kasi’y nitong nakaraan araw lang nagkakilala sina Tj at ang anak ko, ng mapansin ni Tj na hindi siya gusto ni Lj ay agad niya akong kinausap na kung pwede ay pumayag akong pakasalan niya ang anak ko pansamantala.”
“Kung gayon ay naunahan na pala ako ng anak ko na dumiskarte sa anak mo.” Pagkatapos magsalita ay tumawa ito ng marahan.
“Paano mong nagagawang tumawa sa kabila ng nangyayari?”
“Kung gustong makipaglaro ng anak ko, edi pagbigyan natin siya.”
“Hayaan mong ituloy niya ang plano niya. Pero hindi na magiging pansamantala ang kasalang magaganap kundi pang habang buhay na.” sabay ngumiti si Amelia ng masama.
Ayun na, ganyan ang itsura niya pag may naiisip siyang kapilyahan.
“Basta’t siguraduhin mong hindi masasaktan ang anak ko.”
“Oo naman Ric, ngayon pa lang ay itututring ko na siyang parang tunay kong anak.”
“Salamat kung ganon.”
“May gaganapin nga palang party sa bahay bukas, at gusto ko kayong imbitahan. Bukas ko na din I-a-announce ang engagement ng dalawa.”
“Hindi ba parang napakabilis ng mga pang yayari?”
“Tama lang ang oras at ang panahaon Ric. Tama lang.”
“Hay naku, ikaw talaga.”
“Oh siya sige na’t maghahanda pa ako para bukas.” Sabay tumayo na sila pareho at hinatid hanggang sa may pinto ang kanyang bisita.
“Hanggang bukas Ric.”
“Hindi ako makakapunta, sa kalagayan kong to siuguradong magkakalat lang ako doon sa party mo, si Lj na lang ang papupuntahin ko.”
“Ikaw ang bahala, sige na, aalis na ako manugang.”
“Haha, ingat ka sa biyahe.”
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...