27

355 9 0
                                    

27

Maaga akong nagising kahit puyat dahil parang pakiramdam ko ay magaan ang gising ko, siguro dahil sa tinig na narinig ko sa panaginip ko, kakaiba kasi ang dating ng tinig na iyon sa akin eh. Pag tagilid ko ay nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko na mabining  natutulog na bahagya pang may ngiti sa labi. Hinaplos ko siya sa kanan niyang pisngi at mabilis ko siyang hinalikan sa labi.

“Mahal kita, at ikaw lang ang nagiisang lalaking bibigyan ko ng aking sarili. Pinapangako ko iyan.”

 Iyon lang at bumangon na ako para maligo at mag aayos pa ako ng mga bagahe namin, mamaya ko na lang siguro siya gigisingin. Kahit paika ika ay pinilit kong makarating sa banyo dahil hindi ko na talaga kaya ang pang lalagkit. Kasalukuyan na akong nagaayos ng aming gamit ng magising siya.

Yumakap siya sa likod ko at nagsalita. “Oh bakit hindi mo man lang ako ginising? Nag almusal ka na ba? Tsaka yung good morning greetings ko asan na?” naka nguso niyang sagot. Nagtataka ako sa ikinikilos niya dahil kahapon pa natapos ang usapan namin pero parang wala siyang ipinagbago.

“Huh? Ah eh kailangan pa bang gawin natin iyon? Hindi ba’t tapos na ang usapan natin kahapon pa?”

Bigla siyang nanigas sa likod ko at hindi na nagsalita pa basta na lamang siya tumayo at naglakad papunta sa banyo, pero bago siya pumasok ay nagsalita muna siya.

“Oo nga pala, pasensiya ka na Liara, siguro pagod pa din ako dahil sa ginawa natin kagabi, it had been a wonderful night, don’t worry I’ll make sure na malaki ang ibabayad ko sa’yo dahil sa ginawa mong pagbibigay sa akin ng sarili mo pagdating natin sa Pilipinas.” Iyon lamang ang sinabi niya at tuluyan na siyang pumasok sa banyo. Itinulos na yata ako sa kinauupuan ko ng dahil sa mga sinabi niyang iyon. Ang sakit, iyon lamang ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, walang kasing sakit ang mga sinabi niya para bang napakababa kong babae sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig, ganoon na ba ako kawalang halaga sa kanya? Hindi man lang ba niya naisip na may dahilan kung bakit nangyari yung sa amin kagabi? Ni minsan ba talagang isa lang akong bayarang babaae sa kanya? Siguro nga hanggang ganoon lang ang magiging puwesto ko sa buhay niya, pero kahit ganoon hindi pa rin ako nagsisisi sa mga nagawa ko, dahil ginawa ko iyon at ginusto kaya kailangan kong panindigan. Pinahid ko ang mga luha sa aking mukha at nagumpisa na kong muli sa pag aayos ng mga gamit namin.

Naghahanda na ako ng breakfast namin na ipinadeliver ko kanina ng lumabas siya ng banyo. Tiningnan niya lang ako saglit at tuloy tuloy na umupo sa mesa at kumain, hay balik na naman kami sa umpisa. Natapos kaming kumain at naghanda na para sa pag alis, kahit nasa biyahe ay tahimik pa rin kami at wala na sigurong pag asa pang makausap siya ng matino nang  hindi kami nagpapanggap.

This is the reality Lj, you should start to burry all the memories you have made this past special week and also start to act as if nothing happned between the two of you.

Nakarating na kami ng bansa at sinundo kami ni tatay at ni mama, sina Cami, Irish at Mina ay hindi na nakasama sa pagsundo dahil may duty sila ngayon, pero sigurado akong uulanin ako ng tanong nga mga iyon pag nagkita kita kami. Paglabas namin sa airport ay nakita agad namin sina tatay kaya agad namang umakbay si Travis sa akin.

“Hija! I miss you! Grabe parang naggo-glow ang skin mo? Tell me may made in Hongkong na ba kayo?”

Agad naman akong pinamulahan sa sinabing iyon ni mama, dahil ang totoo ay naaalala niya yung gabing may nangyari sa kanila.

“Ma naman! Nahihiya si misis na pagusapan ang mga ganyang bagay.”

“Misis? Lj iyon ba ang tawagan niyo ha anak?” masayang tanong naman ni tatay.

“Ah eh opo tay, si mister kasi eh sabi niya iyon daw ang gamitin namin para unique.”

“Aba hija ngayon ko lang nalaman na napaka sweet pala ng anak kong ito.”

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon