32
“Jasmine! Jasmine ineng? Hoy!” bahagya pa akong nagulat ng may kumalabit sa akin mula sa likod.
“Ay kayo ho pala aling Tasing.”
“Oo ako nga, ano bang iniisip mo at tulala ka diyan sa harap ng bintana?”
“Ah, wala ho, napatitig lang sa magandang pagsikat ng araw.”
“Kuu, ikaw talagang bata ka, o siya at kaya lang naman kita tinawag ay dahil kailangan mo ng bumaba dahil kakain na ng agahan para makainom ka ng vitamins mo.”
“Opo”
Hays, apat na buwan na ang nakakalipas mula ng nagpakalayo layo ako, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi siya isipin, mukha yatang hindi ko na siya maiaalis sa isip ko lalo pa’t heto sa loob ng sinapupunan ko ang buhay na ebidensya na minahal ko ang lalaking iyon, mali, mahal ko pa rin pala siya. Hay, tama na nga ang pagiisip hindi maganda iyon sa kalusugan.
“Baby, pagpasensyahan mo na si mommy ha, nagdadrama na naman.”
Sabay haplos sa aking medyo umbok na tiyan. Five months na ang tiyan ko kaya medyo malaki na siya at dahil nga payat ako ay mas halata iyon. Eto na ang naging libangan ko sa tuwing mag isa ako dito, ang kausapin ang anak ko, alam kong mukha akong baliw pero dahil na rin dito ay nalagpasan ko ang matinding pangungulila sa kanyang ama. Iyon lang naman ang problema ko eh, yung kapag mag-isa ako, dahil kadalasan naman ay kinukulit ako ni manang Tasing at ng makulit niyang apo na si Berta, tapos pag may panahon sina Cami ay bumibisita sila dito kaya hindi ako masyadong nabuburo.
Iyon nga lang ay hindi talaga maiwasang sumagi sa isip ko ang ama ng dinadala ko ngayon.
Hays kamusta na kaya si tatay, pati na rin si mama. Hindi naman talaga ako nagalit kay mama, nainis lang ako sa ginawa niya, para sa akin kasi ay sobra na ang ginawa niyang pagkontrol sa buhay namin, kaya tuloy kami ganito ngayon ng anak niya. Pero ngayon ay wala na iyon sa akin, dahil naisip ko na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko sana makikilala si Travis. Edi wala sana ang baby ko ngayon sa sinapupunan ko.
“Baby, magagalit ka ba kay mommy, kapag hindi na tayo nagpakita pa kay daddy?”
Ano ba tong nasa isip ko malamang maghahanap siya ng daddy niya balang araw. At siyempre magagalit siya sa akin dahil inilayo ko siya sa ama niya. Tsk wala na malala na ako, tanong ko sagot ko din.
“Pasensya ka na ha sadyang baliw lang ang mommy mo, baliw na baliw sa ama mo.” Dahil doon ay mejo napa tawa ako. Wala na talaga, nahihibang na ako.
“Pasensya ka na din kung wala kang magigisnang daddy ah?”
Sa isiping iyon ay hindi ko napigilang mapaluha, dahil masakit isiping hindi ko na makikita pa si Travis.
“Iyon naman ang hindi ko mapapayagan.”
Isang baritonong boses ang narinig ko sa aking likuran, isang boses na alam na alam ng puso’t kaluluwa ko. Dahil doon ay nanigas ako at parang ayaw yatang gumalaw ng katawan ko, nanlalamig din ang mga kamay ko, na kasalukuyan pa ring nakahawak sa aking tiyan.
“Masyado ng mahaba ang panahong ibinigay ko para makapag-isip at mapag-isa ka, alam ng Diyos kung gaano ako nangulila dahil wala ka sa tabi ko. Para akong mababaliw, kaya naman hindi ko mapapayagan ang kalokohan mong pag alis.”
Hindi ko na talaga maintindihan ang sinasabi ni Travis. Ibig ba niyang sabihin na alam niya mula umpisa pa lang ang lugar nai to at hinayaan niya lang akong mapag-isa?
“Paano mong nalaman ang lugar na ito?”
“Marami akong paraan Liara at hindi na mahalaga iyon sa ngayon, hindi ko papayagang lumaki siya ng hindi man lang ako nakikilala. Huwag mo naman sanang ipagkait sa akin iyon.”
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...