13

454 9 0
                                    

13

Si Camille Anne Estrella ang only daughter at princess ng family Estrella and her dad owns Estrella Group of Hospitals, pangalawa sa pinakamalalaking hospital sa pilipinas, iniisip niyo siguro kung bakit siya nag nursing imbis na magdoctor ano? Nagkaroon kase sila ng deal ng daddy niya, papayag itong kunin niya ang kahit anong kursong kunin niya basta kukuha muna siya ng kahit anong course na related sa business nila, kaya ayun mas madali daw yung nursing kaya yun kinuha niya. Ang gusto kasi niya talaga ay bumili ng yate gagawin niya itong parang cruise din pero limited lang ang pwede either family trip or honeymoon basta private lang, so ang kailangan niyang kunin ay business management or kahit anong related sa Hospitality management. Ayun so kelangan muna niyang sundin ang gusto ng daddy niya bago niya magawa yung gusto niya. At dahil nga doon ay nagkakilala kami ni Cami, nagclick ayun naging bestfriends together with Irish and Mina.

"Cami wala pa ba si Lj?" tanong ni Mina

"Tinatawagan ko at tinitext pero wala pa rin eh." Actually kaya kami paranoid kasi naiwan namin siya kagabi. Night shift kaming lahat pero nauna kaming umuwi dahil ang sabi niya bibili pa siya ng pasalubong sa tatay niya. Pero pagkatapos nun hindi na nagtext kung nakauwi na ba siya o hindi? Kaya ayun nag-aalala kami ngayon.

"Uhm, Cami ikaw na lang ang maghintay kay Lj, kelangan na kasi naming magduty ngayon."

"Hay, sige ako na lang ang maghihintay sa kanya."

15 minutes later

"Lj!" Sinigawan ko talaga siya ng bongang bonga.

Tapos nun nakwento na niya yung lasengerong muntik ng makabangga sa kanya, na bigla namang sumulpot at hinatak na lang bigla si Lj.

Hindi ako nakatiis at sinundan ko sila hanggang roof top. Tapos narinig yung pinaguusapan nilang tungkol sa kasal.

Tapos kinulit ko na si Lj na magkwento kaso bigla namang akong tinawag sa nurse station kaya naputol yung usapan namin.

Tapos nun wala ng chance na makapag kwentuhan kami dahil nga bagong taon siyempre puno ang hospital dahil sa mga sinusugod na tao. PGH kaya yung pinag du-dutihan namin kaya natural lang na maraming tao dahil dito libre lang.

Sumunod na nun yung celebration ng ate ng future hubby ni Bff dahil nga kapapanganak lang nito. Tapos bigla bigla nag-a- announce ng engagement na hindi man lang kami prepared ni Lj. Ayun iniwan tuloy ako ni Lj dahil siyempre kelangan niyang samahan yung future hubby niya. Sad tuloy ako.

Hays, sana hindi nalang ako pumunta dito.

"Grabe, isang anghel na nagmula sa langit ang bumaba para lang masilayan ko." Huh? Anu daw? Baliw na ata tong lalaking to eh. Buti na lang hindi ako ang kausap niya.

"Miss I'm referring to you."

Nanlaki ang mato ko. Ako! Yuck, Emergency alert kelangan ng lumayo. Kaso biglang kumapal yung tao sa dadaanan ko kaya hindi din ako nakaalis.

"Naku paano ba yan, mukhang ayaw kang paalisin. Gusto mong makahinga ng maluwag?"

"Uhm, excuse me ano? Hindi kita kilala at lalong wala akong balak makipagkilala sayo."

"I saw you a while ago, with my friend's fiancé, so any time soon magkakakilala din tayo."

"Kilala mo si Tj?"

"Of course, I wouldn't be here if I don't know him."

"Oh, yeah you've got your point, now if you'll excuse me."

"Wait!, may alam akong lugar na makakahinga ka ng maluwag, mukha kasing hindi mo gusto ng gantong crowd eh."

"Really? Sige papayag akong sumama pero please lang wag mo ng uulitin yung ginawa mo kanina."

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon