26

411 9 0
                                    

26

“Mahal kita.”

“Mahal kita.” Paguulit ko sa tinig na narinig ko sa panaginip ko. Hindi ko alam kung panaginip nga ba iyon pero kasi parang totoo eh. Pero sa bandang huli ay ipinagsawalang bahala ko lang iyon dahil sigurado ako na gawa gawa lang iyon ng isip ko dahil na din sa kadramahan ko kagabi.

Bumangon na ako sa kama at nagpunta na ng banyo para maligo, dahil naisip kong igawa ng kape si Travis at dapat maunahan ko siya ngayon.

Natapos akong maligo at gumawa ng kape pero hindi pa rin gising ang asawa ko. Hihi, mukha kang tanga Lj, pero ang sarap sabihin ang mga katagang iyon. Kaya naman ginising ko na ang mahal kong asawa ng sabay na kaming makapag breakfast dahil siguradong maya maya lang ay darating na ang pina room service kong pagkain. Tama dapat umakto na lang ako na parang normal lang ang lahat at piliting itago ang damdamin ko sa aking sarili.

“Travis, gising na, bangon na diyan at magbreakfast na tayo, naipagtimpla na kita ng kape gaya ng sabi mo kagabi.” Inalog ko siya ng bahagya sa braso niya para mas lalo siyang magising.

“Hmmn, hindi ako babangon dito until you didn’t give me ah good morning kiss and then say mahal bangon na.” mahaba niyang sagot na agad namang nakapagpapainit sa aking mga pisngi.

“Kailangan pa ba iyon?”

“Aba siyempre mag-asawa tayo remember, wala ng tanong tanong at gawin mo na lang.” bigla siyang tumihaya pagkatapos niya magsalita at inginuso ang mapupula niyang labi, tanda na naghihintay siya sa gagawin ko.

Mukha namang hindi talaga siya titigil hangga’t hindi ko nagagawa  iyon kaya inisip ko na lang na kunyari totoo kaming mag asawa at natural lang na gawin ko iyon. Kaya umupo ako sa gilid ng kama at inabot ko ang naghihintay niyang labi, tatayo na sana ako ng bigla na lang niyang inilagay ang kanan niyang kamay sa batok ko para mas mapalalim pa niya ang halik. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganoong posisyon pero wala ni isa sa amin ang may balak na tumigil. Pakiramdam ko kasi ay pareho kami ng nararamdaman habang magkalapat ang aming mga labi kaya parang ayaw ko ng matapos pa iyon. Pero biglang kumatok ang staff ng hotel, iyon na yata ang pinahatid kong pagkain. Agad akong napadirecho ng upo at tumitig sa kanya na matiim ding nakatingin sa akin, parang may hinihintay siyang gawin ko. Napakunot ako ng noo at nag isip, ay oo nga pala!

“Mahal bangon na.”

Iyon lang at may ngiting tumayo siya at nagdire direcho sa banyo para maligo.

Hinahanda ko na ang pagkain ng matapos siya, kaya inaya ko na siyang kumain.

“Oh, nainit ko na yung tinimpla kong kape, bilisan mo na jan at kaumain na tayo.”

“Ok! Give me a minute.” Maliksi siyang kumilos at pagkatapos ay parang batang umupo sa sa katapat kong silya.

“So what do we have for breakfast?”

“Uhm, omelette, bacon, toasted loaf bread, hotdogs and pineapple juice.”

“Wow! Ang dami ah, at paano mong nalaman na gusto ko ang pineapple juice?”

“Uhm, ano kase, napansin ko lang nung nakaraang kumain tayo.” Nahihiya kong sabi.

“Wow, iyon naman ang gusto ko sayo eh.” Tapos noon ay bahagya niyang kinurot ang ilong ko.

“A-anu ba! Kumain ka na nga!” kunwaring naiinis kong sabi.

“Hahaha! To naman para binibiro lang eh.”

“Ha-ha hindi nakakatawa.”

“Nye nye pikon!.”

“Hindi no!”

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon