25

354 10 0
                                    

25

Natapos ang reception na para bang wala ako doon, buti na lang at magaling sa ganoon si Travis, halatang sanay na siya sa mga ganoong gatherings. Ewan ko ba para akong lutang simula ng matapos ang kasal, siguro kasi alam ko na mas magiging mahirap na ang mga mangyayari.

Nakita ko na lang ang sarili ko na lulan ng sasakyan ni Travis papunta siguro sa airport. Tulad pa rin ng dating plano ay sa Hongkong pa rin kami mag ha-honeymoon ang nabago lang ay isang lingo kami doon. Hindi ko na naitanong kay mama dahil nga para akong wala sa aking sarili.

Naglalakad na kami papunta na sa eroplano ng bigla kong maramdaman ang nerbyos dahil ito pa lang ang unang pagsakay ko sa eroplano.

“Oh bakit ka huminto?” takang tanong ni Travis?

“Ah, w-wala medyo kinabahan lang kasi first time kong sasakay ng eroplano.”

“Ah ganoon ba? Hmn, sige kumapit ka lang sa akin kung ganoon, hindi naman kita pababayaan eh.”

At inilahad nga niya ang kanyang kamay. Siguro nga magiging masaya naman siguro ako sa isang linggong bakasyon na ito.

Habang nasa eroplano kami ay nakahilig lang ako sa balikat niya dahil wala din naman akong makita sa labas kasi gabi na at puro ulap lang ang tanawin. Wala din naman kaming mapag usapan dahil nga medyo ilang kami sa isa’t isa. At sa halos isang oras na byahe namin ay tahimik lang kaming dalawa, siya na nakikinig ng music at ako naman na nagtutulug tulugan. Pagbaba naman namin ay agad na kaming sinundo ng isang staff yata ng hotel nila Travis sa hongkong.

Sa hotel room naman.

“Okay lang ba na ako muna ang mauna na magshower  Liara?” tanong niya. Halata nga sa kanya na napagod siya, dahil pagkatapos ng party ay umalis na kami agad papunta dito.

“Okay lang naman, halata ngang napagod ka, gusto mo bang magkape muna bago matulog?”

“Ah, mukhang magandang ideya nga iyan, maari bang ipagtimpla mo ko?”

“Oo naman, kaya nga kita tinanong eh.” At bahagya pa akong ngumiti, okay na rin siguro yung ganito para mawala na ang pader na nakapagitan sa amin.

“Ah, hahaha, oo nga naman. Sige maglilinis lang ako, o baka gusto mo sabay na tayong maligo para sabay tayong magkape na rin?” tapos noon ay ngumiti siya, yung pang asar na ngiti.

“A-anong sabi mo? Anong sabay ang pinagsasabi mo jan? Ha?!” Hindi ko tuloy mapigilan ang mapasigaw.

“Hahahaha, Oo sabay na tayong maglinis ng katawan kasi naalala ko na may isa pa pa lang Cr jan sa kabila kasi connecting room yung kinuha kong suite.” Tapos noon tunawa pa siya ng malakas bago pumasok sa loob ng cr.

“Grrr, pang asar ka talaga kahit kalian, ang gulo gulo mo!” mahina pero may panggigigil kong sagot.

Tapos nga noon ay pumunta na ako sa kwarto ko at doon nga’y naligo na. Pero bago muna ako maligo ay nagpakulo na muna ako ng tubig para sa kape daw namin.

Natapos akong maligo at nakabihis na din ako kaya pumunta na din ako sa kwarto ni Travis. Hindi ko siya nakita kaya naman inisip kong hindi pa siya tapos kaya nagtimpla na lang muna ako ng kape. Kakatapos ko lang magtimpla ng lumabas siya sa banyo na siyang ikinagulat ko naman, dahil isang puting manipis na pants lang suot niya habang pinupunasan niya yung buhok niya.

“Oh, tapos ka na? Ang bilis mo naman? Excited ka na sigurong makita ako no?”

Asar! Nangiinis na naman siya.

“H-hindi no, sadyang mabagal ka lang talaga!.”

“Chill bakit ba ang init ng ulo mo eh nakaligo ka na naman? Ang bango mo nga eh.” tapos noon ay umupo na siya.

“Ho-Hoy! Hindi ka ba muna magbibihis?”

“Bakit hindi mo ba gusto ang nakikita mo? Maraming may gustong makita yan, masuwerte ka na ikaw madalas mo ng makikita yan.”

“Whoo, grabe ang hangin! Ang lakas din naman ng self confidence mo no?”

“Haha, siyempre kasi meron naman talaga akong ipagmamalaki eh. Gusto mo bang hawakan?” Medyo husky niyang sabi ng huling pangungusap. Aba at talagang inaasar mo ko ha, hmn sige sakyan natin yang trip mo.

“Sige ba!” tapos dahan dahan akong lumapit sa kanya at pumunta sa likod niya at hinaplos ang kanyang malapad na balikat pababa sa dibdib, pinipilit ko talagang panatilihin ang katinuan ko dahil sa kakaiba na naman ang nararamdaman ko at kung hindi ko pipigilin ay baka ako na ang gumawa ng unang hakbang para may mangyari sa amin ngayong gabi.

“Aba talaga ngang may ipagmamalaki ka ah.” At tuluyan akong yumuko sa may gilid niya dahil bumuba pa ang kamay ko sa may tiyan niya kung saan naroon ang anim na nakakapasong abs niya, dinikit ko pa lalo ang dibdib ko sa balikat niya at napasin kong napalunok siya, napangiti ako, hindi ko talaga alam kung saan ako kumuha ng lakas para magawa ko iyon ngayon, pero parang kusa talagang gumagalaw ang katawan ko kase ang sunod kong ginawa ay unti unting lumalapit ang mukha ko sa kanya, malapit ng maglapat ang labi namin ng maisip kong nang aasar nga pala ako kaya naman huminto ako sapat lang para maamoy ko ang hininga niya.

“Ano asan ngayon ang tapang mo? Edi natameme ka?” Tapos noon ay mabilis akong bumalik sa dati kong inuupuan.

“Ehem, M-masarap kase itong kapeng itinimpla mo kaya hindi agad ako nakapagreact, bukas ulit ng umaga ipagtimpla mo ako ulit.”

“Hahahahahaha, oo ba! Yun lang pala eh!” Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa, iyon lang pala ang katapat niya eh sana pala matagal ko ng nagawa iyon. Tawa lang ako ng tawa hanggang sa nagsalita siya na nagpatigil talaga sa akin.

“I’m so glad that your laughing now. Kanina ko pa iniisip kung paano ko mababalik yung friendship natin eh.”

Biglang nagrigodon ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Paano niyang nasasabi ang mga bagay na iyon na parang normal na bagay lang ang nangyayari sa amin? Pero kahit ganoon ay parang lalo lang akong napapamahal sa kanya.

“Uhm, friendship? Ah so this whole time you think of me as your friend?”

“Yup, I know na napakahirap ng mga pangyayari sa yo ngayon kaya hindi ko alam kung paano ko pagagaanin iyon, at kung sa tingin mo na medyo sumusobra na yung mga ginagawa natin sabihin mo lang para mapaguusapan natin.”

Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay umiyak, grabe napakamanhid niya. “Uhm, Travis medyo malalim na ang gabi, antok na kase ako at sigurado ako pagod ka din siguro ito na yung oras para matulog tayo.” Pilit akong ngumiti at tumayo na para pumunta sa kabilang kwarto. “Goodnight.” Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at isinara ko na ang pinto. Pagkapasok ko ay napaupo ako sa likod ng pinto at doon ko na inilabas ang luhang kanina ko pa pilit na itinatago. Friendship? Eh halos kainin na niya ang labi ko sa tuwing makakalimot kami sa reyalidad tapos he just think of me as a friend? So ano na ako sa kanya pag may nangyari na sa amin? Bestfriend? Ano kami Friends with Benefits? Tumayo ako at naglakad na papuntang kama. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at doon ako sumigaw para hindi marinig ni Travis sa kabila. Halos hindi na ako makahinga sa pagpipigil kaya kailangan ko na iyong mailabas at sa pamamagitan noon ay mababawasan noon ang dinandala ko. Hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala ako.

“Mahal kita.”

 

 

 

 

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon