2

693 18 0
                                    

2

Nagising ako ng maaga dahil nagpalipat ako para maging day shift ang duty ko ng sa ganon ay maaga akong maka uwi mamaya kasi ay day off ko rin sa trabaho ko, kaya makakapagpahinga ako. At mukha namang mamaya pa magigising tong mokong na to, kaya iiwanan ko nalang siya ng note at gamot dito.

Pagbukas ko ng pinto. “Oh tay! Bakit ang aga nyong  magising? Alas sinko pa lang ng umaga ah?”

“Eh anak narinig kasi kita kagabi ng tawagan mo yung kaibigan mo na magpapalipat ka ng day shift ka ngayon kaya ipinaghanda kita. Alam ko kasing pagod ka kagabi.”

“Tay, hindi mo na kailangang gawin yon. Dapat nga nagpapahinga ka pa eh. Ikaw ang may sakit dito diba?”

“Anak ito na nga lang yung magagawa ko sayo eh. Hayaan mo na ako.” Hays ang tatay ko talaga.

“Hmp, kaya love na love kita eh. O sige maliligo na muna po ako, salamat tay!”

Habang naliligo ako ay kumakanta kanta pa ako. Naging hilig ko na rin kapag medyo maganda ang gising ko. Pero hindi iyon dahil sa lalaking nasa kwarto ko, okay.

Pagkatapos kong maligo, naamoy ko agad ang nilulutong adobo, ang sarap talaga magluto ni tatay.

“Mukhang masarap ah. Anu bayan ha tay?” tanong ko kahit pa alam ko naman talaga kung anong niluluto nito, gusto ko lang kasing maglambing sa tatay ko.

“Edi ang paborito mong adobong walang sabaw, at pinirito ko muna ung baboy gaya ng gusto mo.” naks alam talaga ng tatay ang gusto.

“Dati kasi kapag niluluto to ng mama mo naiiyak ka pa sa tuwa eh.”sabay biglang lumungkot ang mukha ni tatay.

“Hay tay, wag mo ng isipin yun. Hindi maganda sa kalusugan niyo ang mga pangit na bagay.” Nakakainis bakit pa kasi naisip ni tatay yung babaeng yun.

“O sige na anak kumain ka na, baka malate ka pa.” Ganon lang yun? Parang walang nangyari? Poker face din tong tatay ko eh.

Iyon lang at kumain na ako ng napakasarap na adobong walang sabaw na luto ni tatay.

Hays kahit half day lang ang duty ko, parang nag full time ako. Dagsa ba naman ang mga tao gawa ng nagdaang new year. Anyways ok lang yun sulit naman, kase makakapag pahinga ako ng maaga.

Nandun pa kaya si mr. drunk? Hmn, we’ll see.

Pagkadating ko sa bahay napahinto ako dahil parang may naririnig akong nag uusap sa loob.

Huh? May kausap si tatay?

“Alam mo ba na yang si LJ ay parang lalaki? Akala ko nga magiging tomboy yan eh. Kasi naman hindi pa nagkakaboyfriend. Tapos minsan pa nag uwi dito ng baba-“

“Tay nandito na ako, anu ba yung pinag uusapan nyo?” putol ko sa paguusap nila tatay at sabay tiningnan ko ng matalim si tatay.

“Ah eh wala. Kakagising niya lang kasi at nagtanung ng tungkol sayo kaya naisipan ko magkwento.” Sabi ni tatay.

“At iyon talaga yung kinuwento niyo ha tay?” Grabe wala naman yun talaga eh. Kaya lang yung pagkakakwento ni tatay iba eh, parang tibo talaga ang dating ko .. badtrip!

“Hahaha, wala ka namang dapat ikahiya eh, kung ganon ka talaga edi panindigan mo. Sayang nga lang lahi mo maganda ka pa naman.” Singit niya. Anu daw ako maganda? Aba bastos to ah.

“Hoy! Mr. lasingero/ Attempted murderer for your information, yung kasama kong yon ang tibo, sinabi niya lang kay tatay na may gusto siya sakin. Yun lang un tapos, the end, kaput.”

“Hahaha, why are you explaining?” Nabigla naman ako sa sinabi niya, dahil naisip kong tama siya, bakit nga ba ako nag papaliwanag? Hindi ko naman kailangan ipaliwanag ang sarili ko tuwing may taong makakarinig ng istorya kong iyon.

“E-eh k-kasi ayokong mapagkamalan ng ibang tao ng ganon. Hindi maganda sa pandinig.”

“Why are you stattering? Are you some kind of tensed?” Argh! He’s teasing me! Pfft, malakas maka impluwensya ang mamang to napapa ingles tuloy akong bigla.

“Ah eh, teka nga bakit nandito ka pa?” pag iiba ko sa usapan.

“Oh that? Hmn, coz I want to ask how’d you manage to bring me here in your house and how’d I get into this clothes? And lastly what really happen last night?” Ang dami naman ng kasunod na tanong isa lang naman yung tinanong ko ah? At English pa, diba ang rules pag tinanong ka ng tagalong sagutin mo ng parehong tagalog din? Hmp! English pala ah.

“First, I used your car, duh, as if I can carry you from there way here-“

“ I dunno if your some kinda like incredible hulk that while I’m sleeping you carried me.” Singit niya, bastos talaga!

“Aba’t-, ehem, well unfortunately I’m not like that, it only happens that I know how to drive and that’s it. Second, I’m the one who’d get you into that clothes, because obviously my father is ill and he can’t risk your health just to get you in a proper clothes, and lastly you were drunk that you drove really fast and you almost hit me which makes me dive on a mud.” Mahaba kong sagot, huh! English pala ha. Pwes hindi ako magpapatalo jan.

“And then? That doesn’t explain why I’m here. Though you undressing me amuses me.”

Bahagyang nag init ang pisngi ko, iyon lang pala ang gustong malaman. Kanina pa toh ah!

“Ang dami mo pang tanong yun lang pala ang gusto mong malaman! Peste ka! Napa English tuloy ako ng di oras! At wag kang mag alala t-shirt lng ang tinangal ko.”

Napamata siya bigla sa sinabi ko.

“Well, just answer my question, will you please?” aba’t yun ba ung way niya na mambastos sa magalang na paraan? Siya lang ata ang nakakagawa nun!

“Ay nako, lasing ka kasi nung nag uusap tayo kagabi bigla ka na lang hinimatay, at imbes na iwanan kita doon, dinala nlng kita dito. Gets? Pasalamat ka na lang at dinala kita dito.”

“Oh, well how rude of me, thanks a lot, even though I should be sorry because I almost hit you that makes you swim on the mud.”Namula na naman ako, kita niyo na? Siya lang talaga ang nakakagawa noon, ang mabastos pero hindi halata. Bad trip! Susugurin ko na sana eh, inawat lang ako ni papa.

“Oh siya, kumain muna tayo, siguradong gutom lang yan. Hala Tj kain ng kain. Masarap yan paborito yan ni Lj.”

“Tj?” tanong ko?

“Yeah, that’s my nickname short for Travis John.” Sabay lahad ng kamay. Shake hands daw? Hmp. Shake hands my foot.

“Ang sarap talaga ng luto mo tay.” Lj snob mode. Manigas ka jan.

“Aba naku anak kanina mo pa ako pinupuri, baka lumaki ang ulo ko niyan.”

“Well masarap naman ho talaga mang Richard, mukhang close na close kayong dalawa ah?” singit niya. Seriously ang hilig niyang sumingit. Hindi ko tuloy maiwasang mapaismid.

“Hehe, salamat kung ganon, kami ni Lj na lang kasi kaya kelangan kong gampanan ang mga naging kakulangan ng kanyang ina.” Sabay lungkot ang mukha. Alam ko kahit hindi sabihin ni tatay ay nangungulila pa rin siya hanggang ngayon kay nanay.

“Uhm ganon po ba? Sorry po.”

“Marunong ka pa pala nun?” sarcastic kong tanong.

“Of course, I’m a good boy.” Nakangiti niyang sagot. Hmp plastic!

“O sige na po, mauna na po ako mang Richard, and Liara I hope that I’ll see you again.”

Anu daw? Liara? Ngayon lang may tumawag sa akin na first name ko ang gamit. Feeler masyado tong mokong na to ah.

“Hoy close ba tayo? Maka Liara wagas. At sinisiguro kong hindi na tayo magkikita, umalis ka na nga.”



I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon