10

510 14 0
                                    

10

Natapos ang party at nasa bahay na ako ngayon, nagtataka ako kung bakit pag dating ko ay gising si papa pero hindi man lang niya ko tinanong kung ayos naman ba ang pagpunta ko sa bahay ng kanyang kaibigan. Pero dahil past 2 am na matutulog na muna ako. Natatakot din akong buksan ang cellphone ko dahil tiyak na maraming text at missed calls na yon, magpapahinga na muna ako.

Alas diyes na ng umaga ng marinig ko ang alarm clock.

"Hmn, inaantok pa ako, shh tahimik ka mr. alarm clock." At pinatay niya ang alarm clock, pero wala sa mesa ang alarm clock kaya napilitan siyang gumising.

"Rise and shine sleeping beauty." Si Tj lang pala eh. Matapos noon ay isang mahabang katahimikan.

123 ...

"ANONG GINAGAWA MO DITO!!?"

"Haha, ang cute mo pala pag nagugulat, and your one of the few women who looks good in the morning." Waaaaa ano daw? Napayuko ako sa sinabi niyang iyon.

"Tumigil ka nga, lumabas ka ng kwarto ko, LABAS." Sabay tayo kaso nakalimutan niyang alalahanin na pag gabi ay nakaugalian niyang wag mag bra at yon nga bumaba ang kumot hanggang bewang niya at napatingin si Tj sa dibdib niya.

Nanlaki ang mata niya ng mapagtanto niya kung ano ang tanawing nakahantad sa mga mata ni Tj.

"Waaa, anung tinitingnan mo? Lumabas ka na nga sabi eh." Sabay taas ng kumot, Grabe na ang kahihiyan ko, una nakita akong natutulog, tapos ngayon nakita niya akong walang bra!!.

"Hihintayin kita sa labas ok, do your things and get dressed, we'll be going out."

Anu daw going out? Nagyaya ba siya ng date? Akala ko ba hindi totoo yung magiging relasyon namin?

Dahil doon ay nag rigodon na naman ang puso ko.

Anu beh magtigil ka Liara. Che pati tuloy ako natatawag ko na ang sarili kong Liara. Ang lakas talagang makaimpluwensiya ng lalaking yun.

Nagmadali akong maligo at magbihis ...

Fudge anung isusuot ko? Kung bakit naman kasi bigla bigla siyang susulpot tapos magyaya ng date eh. Mayaman yun kaya siguro sa isang fine dining o first class reastaurant niya ako ide-date.

Ayun yung cocktail dress na sinuot ko nung freshmen ball namin. Color green yun na may black na tube style ang taas. Basta simple lang ang damit na yun. Naaalala ko pa madami ang nagyaya sa king makipag sayaw noon.

Pag katapos kong mag ayos ay lumabas na ako.

At nakita ko siya parang prinsipe na nakatayo sa may pinto, tapos parang bumagal ang lahat, unti unti akong lumapit sa kanya. Ang saya naman napatunganga siya sa beauty ko, hayun parang naguguluhan kung anung gagawin.

Nang makalapit na ako sa kanya ...

"You're over dressed, I said get dressed not wear a dress. Change your clothes faster, we're only going to my office, I have tons of works to do and it is my only time para masingit ka."

Agad namang akong nakaramdam ng hiya, bakit naman kasi hindi ako muna nagtanong.

"Hahahahaha" Si tatay tumatawa. Seriously anak ba ako ng tatay ko? Napahiya na nga ako pinagtawanan pa ako. Pero infairness kinilig pa rin ako, gumawa kasi siya ng time para maisingit lang ako sa hectic na schedule niya. Liara stop it, boss mo siya at hindi totohanan ang relasyon niyo.

"Tay! Tumatawa ka pa jan, hmp, may kasalanan ka pa sa akin."

"Huh? Anu naman ang kasalanan ko?" nagtatakang tanong ni mang Richard

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon