8
Pagpasok ko ng pinto pinagtinginan ako ng mga tao, at hindi ko alam kung bakit sila tumitingin sakin siguro napangitan sa'kin o napansin nilang bago yung mukha ko at nahalata nilang mahirap lang ako.
Anu ba tong napasukan ko parang alangan naman ako dito, dapat pala hindi na lang ako pumunta dito.
“Lj?”
“Cami? Bakit ka nandito?”
“At ako pa ang tinanong mo niyan, actually hindi lang ako ang nandito pati sina Irish at Mina nandito.”
“Talaga nasaan sila?”
“Hay nako, may mga date sila at ito naiwan akong mag isa, buti na lang at pumunta ka dito, which is paano ka nakapunta at bakit ka nandito?”
“Ah yun ba, sinundo ako ng driver ng may ari ng bahay na to. Kaibigan ni tatay si Mrs. Evangelista kaya inimbitahan niya kami dito, siya nga rin ang nagbigay sakin ng damit na to eh.”
“Talaga? Big news yan ah, sabagay alam naman ng lahat sa business world na hindi pinanganak na mayaman si Mrs. Evangelista eh.”
“Nasabi nga ni tatay sakin yan. Bakit ka nga rin pala nandito?”
“Ah si papa kase he’s telling me that I will be joining the company soon so kailangan daw na i-expose niya ako sa mga gantong event para masanay daw ako.”
“Ah kaya pala, salamat na rin pala sa papa mo at dahil sa kanya napapunta ka dito, may kasama na ako dito. Mukha akong out cast kasi dito eh, pinagtitinginan pa nila ako pag pasok ko.”
“Huh? Ikaw out cast? Hindi nga kita nakilala agad eh, alam ko namang maganda ka eh, pero mas maganda ka ngayon kaya ka siguro nila pinagtititnginan.”
Ako? Dahil maganda ako pagtitinginan na ako? Binubola yata ako nitong kaibigan ko eh.
“Wag ka ngang magbiro jan. sus”
“Haha pa-humble ka pa jan. hindi bagay sayo. Tara na nga doon sa table namin, ng hindi tayo mukha wall flower dito.”
“Okay”
Hour before the party …
“Son, behave properly at the party, and make sure that you’d treat her nice okay?”
“Mom, I’m not a ten-year-old school boy, so stop nagging me.”
“I’m just making it sure that the party will not be a mess, I have an expected future partner tonight. And I want it to be a double celebration, your sister’s son and you being engaged.”
“Ma-“
“Oh, tatlo pala, kasi magiging lola na pala ako, ang saya naman finally I already have a grandchild, and I’m also expecting one from you.”
“That’s it! I got it, so stop mom.” Nakaka inis bakit ba ganto ang nangyayari sa buhay ko.
Sa party …
“I, on behalf of my daughter, am thanking all of you as you all come and celebrate with us. And I would like to call my son and his girlfriend here with me for they have an announcement to make. Tj?”
Tj? Tama ba yung pagkakarinig ko? Baka naman magkapangalan lang sila?
Pero mukhang tama ang hinala niya, si Tj nga ang lalaking tinutukoy ng kaibigan ni tatay. Nag-alok ng kasal may girlfriend naman pala. Hay salamat naman at wala na akong problema.
“Oy, Lj, di ba nag propose si Tj sayo? Bakit ngayon may girlfriend pala siya?”
“Ewan ko jan, tanong mo sa kanya.”
“Uyy, disappointed siya.”
“Magtigil ka nga!”
“I would like you all to see my ever beautiful girlfriend and soon to be wife, Liara Cruz?”
Nanlaki ang mata naming dalawa ni Cami. Hindi ko naman kasi ineexpect na ako pala ang ipapakilala niya ngayong gabi.
“Ako?” shunga ko talaga siyempre ako yung inalok ng kasal eh. Bkit ba hindi pumasok sa isip ko yun?
“Uy Lj pumunta ka na dun.”
“Oo na, gosh hindi ako prepared.”
“Pumunta ka na lang”
“Okay.”
“Ikaw? Yung Lj na sinasabi ni mama?” bulong ni Tj
“Ikaw din yung lalaking tinutukoy ni tatay?”
“Oo” sabay kaming dalawa.
“Hays small world.” Si Tj
“Aww, what a lovely couple, are they right?” mama ni Tj
“Yes they are, it would be lovelier if we witness their love. Show us one kiss right everyone?” sigaw ng isang babae sa harap na naka wheel chair. Agad namang namula ang mukha ko sa sinabi ng babae, at si Tj naman ay napahawak lang sa kanyang sintido
“Ah ate, it will be too much for my honey, she is too shy.” Sabay pinandilatan ni Tj ung babae.
Ate pala ni Tj yun, no doubt na naka wheel chair siya, kase kapapanganak palang niya
“Everyone, say KISS!”
“KISS!” hala anung gagawin ko? Tapos biglang hinarap ako ni Tj at mabilis na hinalikan niya ako sa labi.
Dahil sa nangyari ay parang huminto ang paligid at ang naririnig ko lang ay ang puso kong kakaiba na naman ang pagpintig. First kiss ko yun! Napabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita si Travis.
“Sorry –“
“Okay lang yun hindi naman maiiwasan yun.” Yan ganyan nga Lj mag kunwari kang hindi naapektuhan.
“Dadagdagan ko na lang yung perang ibabayad ko sayo kapag may ganung situations.”
Napatigil ako sa sinabi niya. Nasaktan ako doon sa sinabi niya, parang sinabi niyang may katumbas na pera ang lahat ng bagay sa pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...