1
Ako nga pala si Liara Jasmin Cruz, isang nurse wanna be, actually iyon ang course ko ngayon, hindi dahil sa pangarap kong matulungan ang kapwa ko, well as a nurse kasama na yon, pero ang dahilan kung bakit ko gustong maging nurse ay dahil sa tatay kong may sakit, tuberculosis ang sakit niya at kelangan ng araw araw na suporta sa kanyang mga pangangailangan. Ang nanay ko ayun sumama sa ibang lalaki, iniwan kami ng hindi man lang nagpapaalam,
At dahil nga doon ay lalo pang nag hirap ang buhay namin, kinailangan kong magtrabaho sa murang edad, at the age of 15 ay nagsimula akong mag trabaho sa isang convenience store. Mula sa kita ko doon at sa scholarship na nakuha ko sa school na pinapasukan ko, naitaguyod ko ang buhay naming mag ama.
Currently ay 3rd year college na ako at isang taon na lang ay magtatapos na. Mabuti na lamang at hindi ako inabutan ng k to 12, isang bagong programa ng gobyerno na nagalalyong dagdagan ng dalawa pang taon ang higshschool.
Night shift ako ngayon at kasalukuyan akong palabas sa 24 hour fast food para sa pasalubong ko sa tatay ko, pero noong patawid na ako ay biglang may magarang kotse na mabilis ang takbo na muntikan ng bumanga sa akin.
“Ay shemay!" Sigaw ko. Sabay subsob sa may putikan. Bakit may putikan? Dahil kakatapos lang ng ulan at puti ang damit ko! Sh*t! bkit kelangan ngayon pa na puti ang damit ko! Teka nga lang? Napatigil ako dahil parang may nakalimutan ako.
“Yung pasalubong ko kay papa!” hala ayun na lumalangoy na sa baha! Habang nakikita ko ang unti unting paglubog nito sa tubig ay tila nagbalik sa alaala ko ang mga salita ni tatay kaninang umaga “Anak diba sweldo mo ngayon? Pwede mo ba akong pasalubungan ng burger? Pangako pagluluto kita ng paborito mo.” Sabi ng papa ko.
“Miss okay ka lang?” sabi ng lalaking pumutol sa pag re-reminisce ko. Teka ito ba yung muntikan ng bumanga sakin? GRR! Humanda ka sa akin!
“Okay!? Mukha ba akong okay? Bukod sa punong puno ako ng putik ay nalublob pa sa putik iyong pagkaing binili ko!” sigaw ko.
“Well, para sha akin kashe ang hindi okay ay ung nagka fracture, naputulan ng parte ng katawan or worsht ay iyong patay na? hick! Oh 1000 pambili mo ulit ng pagkain mo. Mukha namang okay ka lang.” at iyon lang tapos umalis na siya! Teka lasing ba yon? Badtrip hindi okay yun!
“Hoy teka lang! Hintay! Lasing ka no?”
“Eh ano naman kung lasheng ako?”
Aba sumasagot ka pa ah! “Muntik mo na akong mapatay! Tapos tinatanung mo ako kung ano sa’kin iyon? Baliw ka ba?”
“Pwede ba mish wala akong panahon shayo! Hindi pa ba shapat ung binigay ko shayo? May mabigat akong problema na kelangan alalahanin!”
“Iyong pera ba! Oh eto na! hindi ko kelangan yan! Halika sumama – “ naputol ang anumang sasabihin ko ng bigla na lang niya akong dagadan, anak ng-! Bulagta kame pareho at sa putikan pa! Teka ba’t nakapatong sakin toh?
“Hoy manyakis! Tumayo ka jan!” Urgh!! Wala na dead to the world na tong lasingerong toh! Hays anung gagawin ko dito? Nakita ko yung sasakyan niya, nakabukas yun at buhay ang makina. Hmn konting buhat lang sa lalaking toh at pwede ko ng idrive yung sasakyan para makauwi na ako. Yes! Libre ang paguwi ko. Lihim akong napangisi dahil sa naisip.
Oo marunong akong mag drive dahil tinuruan ako ng mga classmate kong mayayaman pero mababait naman.
Nang makarating na kami sa bahay ay pinilit kong buhatin ang malaking mama na ito. Hindi ko kasi malaman ang address ng bahay nito kaya naisip ko na iuwi muna ito pansamantala.
“Tay! Buksan mo yung pinto!” sigaw ko. “Anjan na anak!” At pagbukas ng pinto…
“Anak! Bakit may bitbit kang lalaki? Diba sabi ko naman sayo maganda ka? Bakit kelangan mo pang mangidnap ng lalaking gusto mo?” Seriously may pagka baliw itong tatay ko. Inuna pa ung lalaking bitbit ko kesa sakin na basang basa na at puno pa ng putik! Hindi ko napigilan ang pag ikot ng mga mata ko dahil sa sinabi ng tatay ko.
“Tay, eh kung papasukin ninyo po muna kame, diba?” sabi ko. At tinulungan na nya akong ipasok ang unwanted visitor namin.
“Tay, tutal lalaki naman kayo. Kayo na ang maghubad sa kanya at maliligo muna ako. Pagkatapos po bihisan nyo na rin.” Sabi ko.
“Err, anak alam mo naman na may sakit ako diba? Baka mahawaan ko siya. Ikaw na lang ang gumawa tutal naman eh ikaw ang nakakaalam sa mga ganyan.” Naka ngisi nyang sabi. Hays ang tatay ko talaga. Binubugaw pa ata ako sa taong tulog na lasing pa! Pero in all fairness gwapo nga talaga tong si mr. lasingero, kung di ka lang lasingero at mayabang na mahangin eh. Fudge ano ba tong iniisip ko? Erase erase. Hayun nga’t wala na akong nagawa kundi alagaan ang mamang lasingerong ito.
“Sige po, gabi na rin naman, magpahinga na lang po kayo. Ako ng bahala sa lasingerong yan.”
Pero bago kita bihisan, uunahin ko muna ang sarili ko. Ayun lang at nagmadali na akong naglakad papasok ng banyo namin.
Pagkatapos kong maglinis ay pinuntahan ko na si mamang lasingero. Hayun tulog na tulog pa rin. Kumuha ako ng bimpo, maliit na planggana, at nagpainit ng tubig. Pagkatapos kumuha na ako ng damit ni tatay at sinimulan ko na siyang hubaran. Ay anim na pandesal! Abs pala yun. In fairness hunk ang lolo mo. Haysh wala na sira na ata ulo ko, anu ba tong iniisip ko. Pero hindi naman masamang hawakan diba? Aray ba’t nakakapaso yung abs niya? Mainit ba talaga o sira na talaga yung ulo ko? Hays, tama na nga LJ.
At nang matapos ko na siyang bihisan pinabuhat ko na siya kay tatay sa kwarto ko. Mukha kasi siyang sardinas sa sofa namin eh. Kala niyo naman kung anu na no?
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...