28

343 8 0
                                    

28

“Sino iyon Liara?” nakita kong nagngitngit ang panga niya tanda ng matinding pagpipigil.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay at saka nagtuloy tuloy na maglakad. Ngunit paglabas ko ng PGH ay agad naman niya ako hinila papunta sa sasakyan niya, pagkarating naman sa sasakyan niya ay mabilis niya  ako pinapasok sa sasakyan, nakita ko pa ang baunang ginamit ko sa likod ng kotse niya ngunit sa tantiya ko ay wala na iyong laman, siguro ay itinapon na niya iyon. Naramdaman ko na naman ang maliliit na kirot na tumusok sa dibdib ko. Pagkapasok niya ay agad niyang pinaandar ang kotse at habang nasa biyahe ay nakikita ko ang madilim niyang anyo. Napakabilis ng pagpapatakbo niya.

“A-ano Travis napakabilis ng takbo natin, at tsaka hindi na ito ang daan pauwi ng mansion.” Hindi ko na napigilang magtanong. Ngunit wala naman akong natanggap na sagot sa kanya sa halip ay marahas niya itong inihinto sa isang madilim na lugar kung saan makikita ang kabuuan ng siyudad. Nakatingin lang ako sa bintana at iniisip na maganda sana ang lugar kung hindi lang sana ganito ang estado naming dalawa.

“Inuulit ko Lj, sino iyong lalaking kahalikan mo?”

Lj ka na lang ngayon sa kanya, hindi na Liara.

“Bakit ano naman sa iyo kung sino iyong lalaking iyon? Kung tungkol ito sa kontrata ay huwag kang mag alala walang nakakaalam na kasal ako doon. Kaya pwede ba umuwi na tayo at baka nag aalala na si tatay.”

“B*llsh*t! Wala akong pakialam kung nasa Mars ka pa! Ang problema dito ay iyong nakikipaghalikan ka!”

Nagulat ako sa biglaang outburst niya, pero hindi dapat ako magpatalo.

“Bakit! Anong karapatan mong sigawan ako? Sino ba sa atin ang nagumpisa ha? Hindi ba ikaw!? At sa opisina mo pa kung saan alam na kasal na tayo. Tapos ako pa ang makakatanggap ng ganito mula sayo? Take note mula sayo!” mariin kong sabi, pagkatapos noon ay lumabas ako ng kotse niya.

Pero nagulat ako ng bigla niya ako hawakan sa magkabilang balikat ko.

“Is that the reason why you’re acting like this huh? Gumaganti ka ba!? Well you get the wrong idea, kanina ko pa gustong sabihin sa iyo na si Nikki ang nag initiate noon at iyong naabutan mo-“

“There’s no need to explain Travis our wedding was only binded by a contract, and someday we will be separated also by that contract, and if your thinking about what happened at the hongkong, don’t worry I did it because I chose to do it, no need to pay me, no damage has been done and after all of this let’s just forget it and pretend it didn’t happened.”

Nakita kung paano bumagsak ang kanyang balikat at nawala ang anumang ekspresyon sa  kanyang mukha.

“Ganoon ba, mabuti naman pala kung ganoon, wala naman pala dapat tayong pagusapan eh. Ano pang ginagawa natin dito tara na let’s go home.”

Sumakay na kami ng sasakyan, hindi ko alam kung paano ko napapanatili ang estado ko ngayon gayong pakiramdam ko ay durog durog na ang puso ko, ang anumang nangyari ngayong gabi ay ang matagal ko ng hinihintay, ang mabigyang linaw kung ano lang ba talaga ako sa buhay niya, at iyon ay isa lang akong empleyado. Empleyadong espesyal dahil iniisip niya ang kapakanan ko dahil nga naman sa kakaibang sitwasyong kinasasadlakan namin ngayon. Ito na siguro ang pinaka masakit sa lahat dahil nalaman ko na hanggang dito na lang talaga ako, at ang lahat ng ito ay magiging isang alaala na lang.

Nakarating kami sa bahay ng hindi nagpapansinan ngunit bago kami pumasok sa bahay ay bigla niya akong inakbayan at binuksan na niya ang pinto. Nakita naman kami agad ni mama.

“Oh Tj, bakit magkasabay kayo ni Lj?”

“Ah, ma si misis kasi eh dinalhan ako ng meryenda kaya naisipan kong mag over time para masabayan ko siyang umuwi at maihatid ko na din pauwi dito. Napaka sweet kasi nitong misis ko eh, diba misis?”

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon