14
Sa hospital …
Napatigil sa kung anumang ginagawa si Cami dahil sa pag ring ng Cellphone niya.
“Hello?”
“Hello, Cami? Si Alec to.”
“Alam ko nakasave na yung number mo dito.”
“Ah, I know medyo ilag ka pa sa akin pero importante itong sasabihin ko sayo."
“Oh? Bakit may nangyari bang masama?”
“Sa akin wala, pero sa kaibigan mo meron. Yung tatay kasi ni Lj nasa ospital ngayon.”
“Ano!? Bakit hindi nasabi sakin ni Lj yun?”
“Kasi knina lang nangyari yun tumawag siya kay Tj, sakto naman na nandoon ako kaya nalaman ko.”
Kay Tj niya unang nasabi yun? Samantalang kapag inaatake si tito eh ako ang una niyang sinasabihan. Hmn mukhang iba na yan ah.
“Ganoon ba? Oh sige at magbibihis lang ako para mapuntahan ko na si Lj.”
“Okay, sunduin na kita. At wag ka ng tumanggi dahil susunduin pa rin kita kahit ayaw mo.”
Aww ang sweet naman.
“Bakit sinabi ko bang tumatanggi ako? Hindi naman ah, and thanks anyway. See you! Bye!” iyon lang at pinatay ko na ang linya.
Hmn, bakit hindi man lang siya makaalala na tawagan ako. Samantalang kailangan niya ng kaibigan ngayon. Siguro mas gusto na niyang kasama yung Tj na yon kesa sa amin.
Ang tagal naman ng lalaki na yun? Asan na kaya yun?
Hala baka may masama ng nangyari dun? Wag naman sana.
Inatake na naman ako ng pagka paranoid ko.
Natigil lang ako sa pag aalala ko ng makarinig ako ng busina. Pagtingin ko ay si Alec nga iyon.
Ayan na siya! Buti naman at safe na nakarating ang mokong na yun.
“Bakit ang tagal mo?” Ngiti lang ang isinagot sa akin ni Alec na siya namang ipinagtataka ko.
“Bakit ang laki ng ngiti mo?”
“Wala lang, halata kasi sa mukha mong nag aalala ka.”
“Huh? Galit kaya ako kasi ang tagal mong dumating.”
“Haha, kanina pa ako nandito, tinitingnan lang kita kung anong magiging itsura mo kapag natagalan ako sa pagsundo sayo.”
“Nakakainis ka. Magdrive ka na nga lang at naghihintay si Lj.”
Sa hospital …
“Oh, hospital namin to ah?”
“Oo nga, bakit?”
“Pano naka admit dito si Lj?”
“Haha, nakalimutan mong kasama niya si Tj.”
Natahimik na lang ako at nagkibit ng balikat.
At pumasok na kami sa loob, pag pasok namin agad akong hinatak ni Alec.
“Hoy! Ano ka ba, bitawan mo nga ako.”
“Kailangan nating magmadali, hinihintay ka ni Lj diba?
Nakangisi siya, na parang iba ang iniisip niya sa sinasabi niya.
Nakapasok na kami sa elevator, napansin ko na hawak pa rin niya ang kamay ko, hinatak ko ang kamay ko pero hindi niya pa rin binitiwan.
“Hoy, bitiwan mo na ang kamay ko.”
“Huh? Anung kamay?”
“Eto oh.” Tapos itanaas ko yung kamay namin.
“Ah, hayaan mo na muna yan. Pansinin mo diba parang fit sila? Parang ginawa yung kamay ko para hawakan lang ang kamay mo.”
Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko naiwasang kiligin.
“Makulit ka din no? Naiinis ako sa mga ganyang salita.”
“Sinasabi ko lang naman ang totoo, kahit ano namang gawin mo, hindi mo naman mapipigilan ang puso ko na mahalin ka, wala akong pakialam kung mainis ka sa mga sinasabi ko, ang sa akin lang hayaan mo akong iparamdam sayo na seryoso ako, hindi ko man maipangako na hindi kita paiiyakin, dahil alam ko na iiyak ka sa sobrang tuwa kapag pinayagan mo ko na maging tayo, dahil simula ngayon lagi na kitang patatawanin, paliligayahin.”
Ibinuka ko yung bibig ko pero sinara ko din, parang may sasabihin ako na biglang nawala. Wala eh, natameme ako sa mga sinabi niya, kapag nagsalita ako ngayon baka hindi pabor sa akin ang masabi ko, kailangan ko ng matinding lakas ng pagpipigil, baka pag nagpadala na naman ako sa mga sinabi niya ay masaktan na naman ako.
Bumukas yung elevator, lumabas kami na magkahawak kamay pa rin, hindi ko na siya pinigilan kasi hindi pa rin ako maka move on dun sa nangyari kanina eh.
“Eto na yung kwarto ni Mang Richard.” Sabi ni Alec
“Okay.”
Tapos bumitaw na siya sa paghawak ng kamay ko. Nagulat ako dun, medyo nasanay na kasi akong hawak yung kamay niya tapos tiningnan ko siya, hindi siya nakatingin sa akin tapos seryoso yung mukha niya parang galit na parang malalim yung iniisip.
“Pumasok ka na.” sabi niya na seryoso pa rin.
“Okay, Alec?” tiningnan ko siya.
“Bakit?”
Gusto ko sanang itanong kung bakit bigla kang sumeryoso?
“Uhm, salamat sa paghatid.”
Hindi ko kayang itanong. Ang hina mo talaga Cami.
“Wala yun, sige na pumasok ka na, kailangan ka niya ngayon. Sabihin mo din kay Tj na lumabas siya ngayon na.”
“Okay.”
Nakita ko si Tatay Richard, nakahiga sa kama, kahit tulog siya kita sa mukha niya ang sakit na pinagdadaanan. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Lj, nakita ko siya na nakasandal sa balikat ni Tj. Napangiti ako sa tanawin, nakita ko kasi sa kanila na parang mahal na mahal nila ang isa’t isa.
Ginising ko si Tj
“Shhh.” Sabi ko kasi parang nagulat siya ng makita ako. Baka magising niya si Lj.
“Ako ng bahala dito, tinatawag ka ni Alec nasa labas siya.”
“Okay, paki sabi na lang kay Liara na babalik ako bukas.”
“Sige.”
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...