4
Nakarating din sa wakas, kumatok ako pero wala pa ring nasagot kaya pumasok na ako. Hmn, wala pa ring nagbago, I still feel I belong here.
“Hijo? Nagbalik ka? Anung ginagawa mo dito?
Grabe hindi ko namalayang nakapasok na agad si manong Richard.
“Ah sorry po kung pumasok ako ng basta. Bukas kasi ang pinto kaya pumasok na ako.”
“Ayos lang yon, mas mayaman ka samin kaya alam kong wala kang mapapakinabangan dito sa bahay. Pero bakit ka bumalik dito?”
“Ah kasi po may gusto po akong i-alok na trabaho sa anak niyo.”
“Talaga hijo? Anu namang klaseng trabaho iyon?”
“To be my wife, temporary wife.”
“Ano ba kamo? Asawa? Pakakasalan mo siya? Paano namang naging trabaho iyon?”
“Panandalian lang po iyon manong Richard, huwag po kayong mag-alala magiging kasal lang po kame sa papel pero hindi sa totoong ibig sabihin noon. Meron lang po akong mabigat na dahilan.”
“At ano naman ang mabigat mong dahilan?”
At i-kinuwento ko ang naging pag-uusap namin ng mama ko. Wala gaanong naging reaksyon si manong Richard at hindi rin ito nagsalita agad kaya hindi ko malaman kung sang ayon ba ito sa lahat ng sinabi ko.
“Pero hijo, babae ang anak ko at nag aaral pa siya.”
“Alam ko po iyon kaya po mas advantage sa kanya at sa inyo na rin ang trabahong inaalok ko, hindi na niya kailangan pang magpakapagod sa trabaho niya ngayon tapos libre ang titirhan niya, malaki ang isusweldo ko sa kanya kaya makakapag-ipon kayo. At ipanatag niyo po ang inyong sarili dahil hindi ko po sasayangin ang tiwalang ibibigay niyo, hindi ko po siya gagalawin o anuman, makaka-asa po kayo sa akin.”
“Pero hijo, hindi ako ang magdedesisyon niyan, hindi naman ako ang pakakasalan mo. Maganda ang inaalok mo, dahil sobrang dami na ng pinagdaanan ng anak kong hirap dahil sa nagkaroon siya ng amang walang silbi, pero paano kung hindi siya pumayag?”
“Kaya nga po kayo ang unang sinabihan ko para matulungan niyo akong makumbinsi siya. Kung pumapayag na po kayo, nga ho pala papipirmahin ko po siya sa isang kontrata para maprotektahan na din ang privacy niya, para mas lalo ho kayong mapanatag.”
“Ok sige hijo tutulungan kita.”
“Maraming salamat po.”
“ Mang Richard, anong oras po pala ang balik ni Liara?”
“Ay nako mamayang gabi pa iyon, duty niya kasi hijo e.”
“Ganon po ba? Kailan po ba siya walang pasok?”
“Tuwing Wednesday hijo.” Pagkatapos noon ay umubo siya ng sunod sunod. Oo nga pala may sakit nga pala si manong.
“Uhm manong uminom na po kayo ng gamot niyo.”
“Ah, kase nakalimutan kong sabihin kay Lj na wala na akong gamot, nakita ko kasing sakto na lang yung pamasahe niya kaya hindi ko muna sinabi kaso nakalimutan ko na ng tuluyan na sabihin.”
“Ah ganon po ba, sige po ako nalang pong bibili, asan po ba ang reseta?”
“Naku nakakahiya naman hijo, hayaan mo na lang lilipas din to.”
“Kahit ba ho kunwari lang ang magiging kasal, kung sakaling pumayag si Liara, ay magiging papa ko na rin kayo, ayoko pong maging malungkot ang bride to be ko kung sakaling may mangyaring masama sa inyo.” Ano ba yung nasabi ko? Nadadala ata ako ng sitwasyon. Hmp di bale na nga.
“Ikaw talagang bata ka, mapagbiro kang talaga. O siya’t dito ka na manghalian saluhan mo nalang ako tutal ako lang mag isa dito at nandito ka lang din naman.”
“Sige po, pero ako po ang magluluto ah.”
“O sige, bilisan mo na.”
Ang batang iyon, napaka masayahin, pero kitang kita ang lungkot sa mata, mahal na mahal niya sigurong talaga ang kanyang ina, naiintindihan ko ang dahilan kung bakit nagawa iyon ng kanyang ina, dahil ang isang batang katuad ni Tj ay mahirap talagang iwan ng mag isa. Parehong pareho sila ng anak ko, kung sana ay may yaman akong maipapamana sa aking anak, nang sa gayon kahit iwan ko siya ay hindi siya maghihirap ng husto.
“Heto na po yung gamot niyo, inumin niyo po pag kakain.”
“Salamat hijo, napakabait mo, sana kung sakali mang hindi kayo ang magkatuluyan ng anak ko ay katulad mo pa rin ang mapangasawa niya. Malas na siya dahil nagkaroon siya ng amang katulad ko, sana’y maging maswerte na siya sa magiging asawa niya.”
“Adobo na lang po ang lulutuin ko.”
“O sige anak.”
“Alam niyo po mang Richard, sa tingin ko naman po kay Liara ay isang ganap ng babae, kahit sinong lalaking gugustuhin niya ay makukuha niya.”
“Kung sakali bang gustuhin ka niya, magpapakuha ka ba?”
“Ay batang nahiwa!” Naku muntikan na akong mahiwa nitong kutsilyo ah, anu ba naman tong sinasabi ni mang Richard?
“Ah eh, hindi ho natin masasabi iyan, tsaka po mukha namang ayaw niya sakin eh, nakita niyo naman.”
Tumawa lang ito ng malakas bago nagsalitang muli "Nagbibiro lang ako Tj, grabe, para kang binuhusan jan ng suka. Bakit ba parang natuliro kang bigla?”
Kakaiba po kasi yung tanong niyo. Iyon sana ang gusto kong sabihin.
“Ah wala naman po, hindi lang po ako handa sa mga seryosong relasyon, hanga’t maari hindi ko paabutin sa kasal.”
“Ah ganon ba? Ganyan din ako nung kabataan ko, puro paglalaro lang sa babae ang nasaisip ko, kaya nga siguro kinarma ako ngayon eh.”
Bigla naman akong nailang sa tinatakbo ng usapan namin.
“Hindi naman siguro ganon, may kanya kanya lang plano ang Diyos. Naku anu po ba tong usapan natin masyadong seryoso.”
“Hahaha, pasensya ka na, tapos ka na ba dyan?”
“Uhm, opo paki tikman nga po?”
“Hmn, ok na hijo, pwede nang maging asawa. Hahahaha”
“Kayo talaga, eto na po, tara na kain na tayo.”
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...