22

312 8 0
                                    

22

Maagang nagising si Lj, sa katunayan hindi siya nakatulog buong magdamag dahil sa kakaisip ng sasabihin kay Tj, nangangamba siyang baka hindi siya nito pansinin dahil sa nangyari mahigit isang linggo na ang nakararaan.

Hindi isang lingo na ang nakalipas siguro ay lipas na din ang init ng ulo ni Tj.

Eh paano kung hindi pa? Sabi nga ni Cami may sakit ngayon si Tj paano kung dahil sa akin iyon?

Eh paano naman naging dahil sayo ang pagkakasakit ng lalaking iyon?

Napailing na lamang si Lj, masyado na siyang preoccupied tuloy pati ang pagkausap sa sarili ay nagiging hobby na niya.

“Hay, bahala na, kung ano man ang kalabasan nito.”

Pagkatapos ng mahabang pakiusapan sa sarili niya sa wakas napag desisyunan niyang maligo na at pumunta sa bahay ni Travis.

Sa bahay ni Travis

“Manang palinis ng pool parang nasa mood akong magswimming.” Ngunit sa kabia ng malakas niyang pagsasalita ay mukha yatang walang nakarinig sa kanya.

Hindi siguro narinig ni manang, nanunood na naman siguro ng Be Careful with my Heart iyon.

“Manang! Manang!” tawag niya habang papunta sa kitchen.

Ayun nanunood nga, hays hala parang batang kinikilig. Hahaha.

“Manang.” Sabay hawak sa balikat ni manang na dahilan para mapatda ang pobreng matanda.

“Ay, gwapo! Jusko batang ito talaga bakit ka ba nanggugulat?”

“Hahaha! Si manang talaga gwapo naman talaga ako ah! (sabay kindat) Hindi naman kita ginulat masyado ka lang tutok diyan sa pinapanood mo kaya hindi mo siguro ako napansin.”

“Ah eh ganoon ba, pasensiya ka na at inaabangan ko kasi talaga ito eh, ano bang sadya mo dito hijo?”

“Ah kasi manang kanina pa kita tinatawag kaso ayun nga hindi mo ako narinig kaya pinuntahan na kita dito, gusto ko sanang ipalinis yung pool at magsi-swimming  po ako.”

“Ay salamat naman at lumabas ka na sa kwarto mo, mabuti iyan kung ano man iyang pinagdadaanan mo eh malalampasan mo din iyan.”

“Salamat manang, para mas lalong mapanatag ka gusto kong sabihin sayo na nalampasan ko na.”

“Ay talaga naman magandang balita iyan. Ah eh iho mejo kelangan mo na din sigurong magahit para mas lalo pa akong maging masaya.”

“Si manang talaga oh.”

__________

Kasalukuyang nasa pool si Tj, at masiglang naglulunoy sa sa tubig nang biglang may nakatawag ng pansin niya.

“What are you doing here?”

“Oh, are you not happy to see me darling?”

“Nikki, how many times do I have to tell you  to never  call me names everytime you want.”

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon