31

458 10 0
                                    

31

Anong ginagawa rito ni Nikki? At mukhang seryoso ang pinaguusapan nila.

“Nikki, umamin ka? Totoo ba na kinausap ka ni mama?” Huh? Bakit naman siya kakausapin ni mama?

“ Oo Travis, at totoo din na hindi totoong may sakit si Tita, ginawa niya lang iyon para mapilitan kang magpakasal, matagal ng kilala ni tita sina Lj at ang tatay niya dahil talagang ipinahanap niya iyon.”

Nanigas ako, totoo ba iyon? Ibig sabihin ay ang lahat ng ito ay pinlano ni mama para lang mapilitan magpakasal si Tj, at nagkataong ako ang nakita niya kaya ako ang ginamit niya? Alam ba ito ng tatay ko?

“Damn it! At sinakyan mo naman siya, ano para pagselosin si Lj? Bakit sa tingin niyo ba may nararamdaman sa akin ang babaeng iyon? Bakit ba pinagkakasisahan niyo akong lahat. Itinali ko ang sarili ko sa isang kasal na wala namang pagmamahalang namamagitan. Sa tingin niyo ba nakakatuwa itong lahat? Hindi! Dahil sinira niyo ang buhay ko! –“

Hindi ko na pinatapos pa siyang magsalita at mabilis na umalis sa bahay na iyon. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Cami.

“Halu? Anong balita bruha?”

“Cami paki sundo naman ako dito please?”

“Umiiyak ka ba? Sige saglit lang hintayin mo ko ok?”

Hinagis ko ang basong hawak hawak ko dahil sa sobrang galit, hindi ko alam ang iisipin sa lahat ng nangyayari, paanong nagawa ito ni mama? Pinaglaruan niya kami ni Liara, oh, ang pobreng si Liara ay nadamay pa sa kagagawaan ng aking ina. Ano na lamang ang sasabihin sa akin ni tatay pag nalaman niya ito? Dapat siguro ay ipawalang bisa ko na ang kasal namin dahil ayokong ikulong ko pa si Liar asa kasal na alam kong hindi naman niya ginusto sa umpisa pa lang. Pero bakit kahit anong pagpipilit ko ay ayaw ko yatang gawin iyon?

Natagil ang kanyang pagiisip ng may biglang kumatok sa pinto.

“Sir, malalim na po ang gabi pero wala pa rin po si ma’am, alam niyo po ba kung nasaan siya?” si manag lang pala, siguro’y nag aalala lang iyon kay Liara.

“Siguro po ay nasa kaibigan niya poi yon.”

“Ah eh, sir nandito na po kasi siya kanina kaso po ay bigla po siyang tumakbo paalis.”

Napatayo ako sa sinabing iyon ni manang. “Totoo po ba iyon?”

“Ah eh, opo sir hinatid po siya ng driver pauwi dito kanina.”

Hindi ko na sinagot pa si manang at mabilis na pinuntahan ko ang driver.

“Kuya!” tawag ko sa pauwi ng driver. Paglingon naman nito ay agad itong ngumiti sa akin.

“Oh, kayo ho pala sir. Kamusta po kayo. Siguro po ay sobrang saya niyo ngayon ano?”

“Huh? Dapat ba masaya ako ngayon?”

“Haha, si sir talaga nag bibiro pa oh, alam ko naman na alam niyo na nagdadalang tao ang misis niyo. Sinabi niya sa akin na sasabihin niya sa inyo iyon ngayon. Ang saya saya nga po niya eh.”

Ano?! Buntis si Liara? Kung ganoon ay nandito nga siya kanina? At kung nandito siya kanina…

“Sh*t” iyon lang at kiniha ko ang pick up at tinawagan si Cami.

The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try again later.

“D*mn **!” sigurado akong narinig niya ang usapan namin kanina kaya siya umalis at sigurado din akong nakasakay na sila ng eroplano ngayon kaya patay na ang cellphone nilang dalawa.

I Hope It Will Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon