23
“Oh diba sandali lang talaga.” Sabi niya habang nakangiti. Napangiti din tuloy ako, sino ba namang hindi eh ang gwapo niya ngayon para pa kaming nagusap sa isusuot namin dahil tinernohan niya yung casual attire ko.
“Saan ba talaga tayo pupunta at kailangan pa talagang gayahin mo yung suot ko ha?”
“Haha, chill ka nga lang jan masyado kang hot eh hot na nga ako sige ka baka mapaso yung masalubong natin.” Hay naku umandar na naman ang kahanginan ng isang to. Hindi na nga lang ako sumagot para matahimik na ang mokong.
“Yan dapat quiet ka lang, pero seryoso ako kahit bati na tayo gusto ko pa rin namang bumawi sa iyo dahil sa mga nasabi ko. Halika na baka gabihin tayo sa daan.” Seryoso nga siya dahil titig na titig siya sa mata ko habang sinsabi niya iyon.
Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na kami palabas ng gate. Para na naman akong kinukuryente dahil nagkadikit na naman ang balat namin.
“Uhm, bakit naglalakad tayo palabas ng village?” Nagtataka kasi ako dahil may sasakyan naman siya.
“Ah kasi hindi tayo gumagapang?” nakangisi niyang sagot. Nakakapikon talaga siya! Namilosopo pa talaga kitang seryoso ako eh.
“Tss, Ha-ha-ha very funny.” Tapos akmang babawiin ko na ang kamay ko pero hinigpitan niya yung pagkakahawak niya doon.
“Don’t , I like the feeling when I hold your hand.” Sinasabi niya iyon ng hindi nakatingin sa akin para bang nahihiya siyang makita ko ang mukha niya. Ako naman itong parang teenager na kinikilig. Hmp! Stupid hormones! Para nasabihan lang ng ganung salita kilig agad? Wala lang yun Lj!
“Seryoso na, bakit nga tayo naglalakad eh may sasakyan ka naman?”
“Eh, kasi po gusto kong maranasan iyong mga bagay na ginagawa mo. At tsaka nagagawa ko lang itong mga ganitong bagay pag kasama kita.” Tapos noon ngumiti siya.
Lord! Ano po ba ang nangyayari kay Travis bakit po siya ganyan ngayon? Baka po nagjojoke na naman po siya, please lang po kung isa lang tong malaking biro tapusin niyo na po habang maaga pa!
“Oh bakit natahimik ka na naman, kinilig ka no? Ayyiieee aminin.”
“Che! Magtigil ka mister, hindi ka nakakatawa.” Pero sigurado akong pulang pula na naman ang pisngi ko.
“Hahaha, ang kyot kyot mo talaga, oh eto na may bus na sakay na tayo. Bilisan mo na mejo malayo yung pupuntahan na tin.
“Huh? Saan ba talaga tayo pupunta bakit hindi nalang tayo magkotse?”
“Basta, sabi ko quiet ka lang eh, tsaka nakasakay na tayo eh. Oh eto sumandal ka na lang sa akin at matulog ka.”
Tapos siya na mismo ang nagpaling ng ulo ko para maakbayan niya ako at maisandal ako sa kanyang balikat. Grabe! Ang puso ko, magtigil ka nga!
Tapos naramadaman ko na lang na hinalikan niya ang gilid ng ulo ko at mas inilapit niya ako sa kanya, grabe bakit parang parehas kami ng tibok ng puso? Hindi wala lang yun natural lang siguro iyon. Sa ganoong isipin ay inantok nga ako at unti unting nakatulog.
Grabe nung nakita ko siyang naluluha kanina parang pakiramdam ko na masakit yung kaliwang parte ng dibdib ko, kaya pinigil ko siya at nagpaliwanag ako. Sobrang natuwa naman ako nung marinig ko siya na parang nagseselos, kaya hindi ko napigilang halikan siya. Naramdaman ko na naman yung feeling na naramamdaman ko dun sa hotel. Kung hindi ko na naman naibalik ang sarili ko sa dati baka kung saan na naman kami napunta. Kaya naman may naisip akong magandang ideya.
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...