21
(Cami’s POV)
Mahigit isang linggo nang napapansin ni Cami na parang balisa at wala sa concentration si Lj, at parang hindi lang siya ang nakakapansin noon dahil pati ang mga regular nurses sa PGH ay aware sa status ng pagiisip ni Lj ngayon. Paano ba naman nung mga unang araw na nagkaganyan siya ay halos mabasag na niya lahat ng gamit, at isang beses nung nagkasabay sila ng lunch break ay inaya niya itong kumain sa fast food malapit sa ospital.
“Lj anung order mo?” tanung ko sakanya.
“Huh, yung formaline na lang yung kukunin ko.” Sagot niya.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay sabay kaming napatanga ng service staff.
“Uhm, Lj? Okay ka lang? Anung formaline ang pinagsasabi mo?” sabay pitik ko sa harap ng mukha niya at mukha naman siyang natauhan.
“Huh? Uy Cami ikaw pala yan? Asan ba tayo?”
“Ah eh, Lj nasa resto tayo tinatanung ko kung anung order mo pero ang sagot mo Formaline.”
“Huh!? Totoo?”
“Oo” hays wala na natuluyan na bestfriend ko.
“Ah hehehe, kung anung order mo yun na lang din ang akin. Hehehe” tingnan mo to bigla bigla nalang tumatawa.
Kaya nung mga sumunod na araw ay kahit naduty siya ay hindi na siya pinapahawak ng kahit ano at para mas safe ay ginawa na lang siyang baby sitter ng mga babies.
Hay, hindi ko na carry to. Matawagan nga muna si Alec.
“Hello baby. ^_^” si Alec
“Baby ka jan, umamin ka nga anung ginawa ng kaibigan mo sa bestfriend ko?”
“Huh!? Anung pinagsasabi mo jan? Baka yung bestfriend mo ang may ginawa sa kaibigan ko dahil hanggang ngayon ay absent siya sa opisina at hindi makapagtrabaho dahil may sakit siya. Baka pinaunom ng kung anong gamot para magkasakit.”
“Aba’t anung gamot yang pinagsasabi mo?! Baka nga ginahasa ng kaibigan mo yung bestfriend ko kaya imbis ng pagkain ang orderin niya ay Formaline ang gusto niyang inumin para siguro magpakamatay dahil hindi na niya kayang mabuhay pa.”
“Hoy! Wag mong pinagbibintangan yung kaibigan ko, kilala ko siya hindi siya ganon.”
“Hindi din basta basta ang kaibigan ko para manglason sa iba! Hmp, jan ka na nga wag mo kong kakausapin kahit kelan!”
Parang natauhan naman si Alec sa tinatakbo ng usapan nila.
“T-teka Cami! sandali lang bakit ba tayo ang nag aaway?”
“Huh? Kasi kung anu ano yung sinasabi mo sa bestfriend ko.”
“Eh ikaw din naman ah, hmn, ewan may kung anong meron na naman sa dalawang yun.”
“Hmn, oo nga eh, kausapin mo yung kaibigan mo at ako naman ang kakausap kay Lj.”
“Okay okay, got it baby, I love you!”
“Hehe, I love you too!”
Sa bahay ni Lj
BINABASA MO ANG
I Hope It Will Be Forever
RomanceSi Lj Cruz ay isang tipikal na dalaga na walang ginawa kung hindi mag aral at magtrabaho para maitaguyod sila ng kanyang tatay, sa madaling salita wala siyang panahon sa pag-ibig. Si Tj Evangelista ay kilala bilang lapitin ng mga babae, pero ni isa...